Kabanata 1

1826 Words
Kabanata 1 Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. I don't know. I blew some air and remind myself, makisama lang ako at magpatangay lang sa agos. Gano'n na lang. The moment I step my feet at our house, kumakabog na ang dibdib ko sa kaba. Namamawis ang mga palad ko. "Nasa garden sila, Hija," sabi ni Manang na nakasalubong ko sa pagpasok ko ng bahay. Pilit na ngiti na lang ang naibigay ko. Bakit ba biglaan? Akala ko ba hindi pa ngayon? Ano 'to? Bakit ganito na lang bigla! Papunta dapat ako kay Ate Stef, pero heto ako. Para akong nakalutang habang papunta sa garden. I can't feel my feet, para bang wala akong maramdaman kung di kaba lang. I saw my Mama and Papa, sa harap nila na likod lang ang kita ko ay dalawang ka-edaran lamang nila. Maybe his parents? I guess. Binilang ko sa isip ang taong nandito. Apat lang sila, wala ng iba. Nagtaka ako, ibig sabihin ba nito? Wala siya? Or baka naman nag cr lang o ano. I shook my head, ano ba 'tong pinag-iisip ko. Mama saw me, kaya agad siyang napangiti at lahat sila'y napatingin sa'kin. I forced a smile. Hindi ko alam kung naging maayos ba ang pag ngiti ko. Baka naman mukha lang akong ewan sa ginawa ko. Nakipag beso ako kila Mama't Papa, pati narin sa dalawang ka edaran nila. "Ma, ano po bang meron ngayon?" Hinawakan ni Mama ang kamay ko sabay ngiti sa dalawang taong nasa harap namin. Papa smiled together with the other person in front of him. "I'm Rienne Fajardo and here beside me is Aizaac Fajardo, Charlotte." Ngiti niyang pagpapakilala. Tumango lang ako at ngumiti. Gusto ko sanang magsalita kaso wala akong masabi. Nakain ko yata ang dila ko sa kaba. "You can call us now, Dad and Mom, Hija. Malapit na rin naman kayo ikasal ng anak namin, so better start pratice that. Don't be shy, Hija," dagdag pa ni Tito Aizaac. Napalingon ako kay Mama't Papa na tumatango-tango lang sa'kin. So, seryoso na talaga sila? Wala na pala talaga akong kawala dito? Ito ang gusto nila. Dapat ko lang sundin, tama ba? "I'm really glad na ikaw ang napili ko para sa anak namin ni Aizaac, napakaganda mong bata. Balita ko'y maganda rin ang records mo sa mga dati mong school, even ngayong college, Hija." "Ginagawa ko lang naman po ang dapat, Tita Rienne." Nagulat ako sa pagsimangot niya. Oh gosh, may nasabi ba akong mali oh, ano? Hindi ko naman maisip kung may mali sa nabanggit ko. "Hija, it's Mom, okay? Ayoko ng Tita." Tumawa sila Mama't Papa maging si Tito Aizaac. Nahiya ako bigla, she's very serious with what should I call to her. "I'm sorry, M-mom?" "Perfect!" she exclaimed while clapping her hands. Tito Aizaac shook her head at saka ako nilingon. "Supposed to be, Hija, kasama dapat namin si Sam. Kaso may importante raw siyang lakad ngayon. Pero hahabol naman siya, Hija. Let's just wait for him, okay ba 'yon? Para naman before sa mismong araw ng engagement niyo, kilala niyo ang isa't-isa." So, his name is Sam? Sam Fajardo? I really did heard that last name, but I really couldn't remember where. Familiar talaga para sa'kin. Puro ngiti at tango lang ang naisasagot ko sa kanila. Maging palad ko nagpapawis sa nararamdaman ko. "Kean, sa susunod na linggo, magpunta kayo ni Sam sa Boutique ng Tita mo. She's really happy to know na ma eengage kana, kaya ginawan ka na niya ng isusuot mo para sa engagement niyo ni Sam," Mama's excited huh? Sa sunod na linggo agad? At paano ko ba sasabihin na magkakasundo ba kami ni Sam? Is he know our setting? O katulad ko, napilitan lang siya at ayaw lang sumuway? Nakakahiya baka may girlfriend 'yon at napilitan siyang makipaghiwalay para lang sa gusto ng magulang namin na kasunduan? I don't know. I nodded at Mama. "You can two go out on a date, para naman makilala niyo ang isa't-isa after nitong unang pagkikita niyo," dagdag ni Mama. I was about to say something pero na-interrupt dahil dumating si Ate Stef. I stood and hugged her. Akala ko ba may problema siya? Hindi kaya'y pinapunta siya nila Mama? Kahit na naka make up siya. Makikita na kagagaling niya lang sa matinding pag-iyak. I really couldn't understand bakit nakipaghiwalay ang long time boyfriend niya sa kaniya. Love, sometimes was unpredictable. "Stef, I thought you can't make it." May halong inis sa boses ni Mama. Hanggang ngayon may alitan parin sila. Hindi ko alam bakit ba kasi kailangan pa nilang mag-away at magkasamaan ng loob. Maybe because Ate didn't want to go through bullshits of traditional shits of our family. "You okay, Ate?" I asked her. Pero nagtaka ako ng napalingon siya sa likuran ko at nanlalaki ang mata sabay tingin sa akin. With her trembling hands, hinawakan niya ang balikat ko. Nagtaka ako bigla. "S-sino sila, Kean?" I smiled, pero alam kong alam niyang isang pilit na ngiti lang 'yon. "Fiance's parents." "Y-you, agreed?" I slowly nodded my head. There's no choice, if this will make my parents happy. Yes, gagawin ko. It's my obligation. Sundin ang magulang ko. Naging palipat-lipat ang tingin niya pagkuwan ay nakakita ako ng galit sa mata niya. Bigla siyang lumapit kila Mama't Papa. Naguguluhan ako sa kinikilos niya, I can see through her eyes na sobrang galit niya. Kung bakit, hindi ko alam. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa kamay pero pabalya niyang kinuha ang kamay niya sa'kin at masama akong tinignan. I was taken a back. "YOU!" dinuro ako ni Ate Steffany. "Steffanny, ano ba itong ginagawa mo!" Mama said with an angry tone. "So, ikaw pala ang dahilan. Ito pala ang dahilan kaya nakipaghiwalay sa'kin si Aizan! Because of this f*****g arrange marriage bullshit?! Pinagpalit niya ako dito at ang pinagsamahan namin sa bullshit na 'to?" nagulat ako sa sinabi niya. Ang apat na nakakatanda ay naging kunot ang noo at nagtataka sa sinabi ni Ate... "What the hell are you talking about, Hija?" Tita Rienne asked with furrowed brows. "I'M YOUR SON'S RECENT AND LONG TIME GIRLFRIEND!" Tita Rienne face became stoic. Mama try to make her calm down. Ano ba itong nangyayari? Bakit biglang ganito? Ate Stef? And what? His boyfriend? "Si Samuel ba ang tinutukoy mo, Stef?" Mama asked. Walang bahid ng emosyon sa mukha nito. "So, you revealed your long time boyfriend, huh? Finally?" Kita ko ang pagtulo ng luha ni Ate. Nasa gilid lang ako, walang masabi. Nakatayo at nanonood sa nangyayari. Pilit na pinapasok sa utak ang nangyayari. "Hija, sorry but Sam is about to marry your sister. I let him for the past years to play and do whatever he wants," halukipkip na sabi ni Tita Rienne. "I WILL DO SOMETHING TO STOP THIS BULLSH---" gulat ako sa ginawa ni Mama. She slapped Ate. She never did that to us. Nilapitan ni Papa si Mama. Sabay hinarap si Ate. Masama ang tingin. "Stop this, Steffany. You're making a scene. At ano ba itong pinagsasabi mo na boyfriend mo ang fiance ng kapatid mo?" tanong ni Papa. "Hindi namin alam ni Aizaac na anak niyo rin pala ang nababalitaan kong girlfriend ni Sam." Base on her tone. Alam kong ayaw niya kay Ate. "Oh God! Mga baliw kayo! Marrying two persons para sa business! Baliw kayo!" Sumigaw si Papa na siyang kinagulat din ni Ate. "You don't know anything, Steffany Gaile! Hindi ka namin pinapunta dito para sa kabaliwan mo!" "I'm not crazy or insane! Even if you asked, Aizan! Itanong niyo sa kaniya! He loves me, so much! Hindi niya sa'kin gagawin 'to!" My mouth parted. Wala akong magawa. Nasasaktan ako para kay Ate. Is this for real? His boyfriend? Iyon ang magiging fiance ko? Iyong long time boyfriend ni Ate pa? Dang. "Oh, here's my son, Hija. Let's ask him." automatically na napalingon ako sa kalalabas lang ng glass door namin. Isang pigura ng tao. Laglag panga ako ng makita ko at ma kumpira ko kung sino siya. It's real, he's Ate Steffany long time boyfriend! Hindi ako pwedeng magkamali. Agad na lumapit si Ate kay Sam. "Aizan, please! Tell them na girlfriend mo ako! That we're going to be married soon! Hindi kay Kean na kapatid ko! That you even asked me to marry you! Tell them, please..." Ate's crying. Napansin kong napatingin siya saglit kay Ate at saka nilibot ang tingin, pagkuwan ay huminto sa'kin. He looked at me with those pair of eyes. Agad akong nag-iwas ng tingin. Ano bang nangyayari. This can't be for real. "I'm sorry if I'm late, Tita, Tito." Napalingon ako kay Sam. Ni hindi na niya tinignan si Ate at nilagpasan ito. Kunot ang noo kong tinignan siya pero nagulat ako nang ngitian niya ako. "Nice to finally meet you, K." Hindi ako makapagsalita. Si Ate umiiyak, hindi siya makapaniwala. Alam kong nagsasabi siya ng totoo. Ito ang nakita ko isang beses na kasama niya. He's Ate Steff boyfriend! This can't be! "Hijo, may relasyon ka ba sa anak kong panganay?" tanong ni Papa. Nagulat ako sa sagot niya. Kita ko ang sakit sa mata ni Ate. "Who? Sorry, Tito. But I don't have any relationship with any girls. I ended my relationship with my last girlfriend few years ago." taas kilay namang tumingin si Mama at Tita Rienne naman ay kunot ang noo. "So, she's not your recent girlfriend, Sam?" Tita asked to Sam. "I'm sorry, Mom. But never did I saw her face." Nalaglag ang panga ko at agad na naiyukom ang kamao ko. I really wanted to say something. How could he say those things! Naging sila ni Ate. Hindi naman gumagawa ng storya si Ate. What the hell with these guy! Ano bang problema niya, I can sa sacrifice, bakit kailangan niyang magpanggap na wala sila ni Ate. Na ni minsan hindi niya ito nakita. How jerk he is! "Ma, Pa..." Ate's voice was broken. "Stop doing nonsense stuff, Steffany. Ano ba itong kahibangang pinagsasabi mo? Aren't you aware kung ano'ng kahihiyan itong ginagawa mo?" But, Ma. Ate's really saying the truth. But that will be only a voice in my head. I can't argue with Mama. Ni hindi ko maipagtanggol si Ate sa harap ng parents ko. She looked at me, seeing disappointment to her eyes. Then to Sam. Ate... "I'm very disappointed, anak. Para lang sa atensyon? Na gawa mo pang ipahiya ang sarili mo't mag-iskandalo dito sa harap ng magulang ng mapapangasawa ng kapatid mo?" She just laughed, painfully. Bitterly. Gustong-gusto ko na habulin siya pero parang naglue ako rito sa kinauupuan ko. I'm too shocked from what happened. Sabi nila, things happen for some reasons. But today, my mind is so blurred for what is happening. If only I can make things right. Only if I could... ©liliana_aria
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD