~~
Saturday morning. Maaga na silang nag-asikaso,ayaw kasi nilang tanghaliin. Hindi man gan'un kalayo ang batangas? Ilang oras din naman ang biyahe,mula maynila papunta roon,kaya hayun. Maaga palang nasa daan na sila at on the way na. Paano ba naman,kagabi pa pala nasa batangas na lahat ng kamag-anak ng mga Rivera. Pamilya ni Kean. At tumawag narin ang mama ni Kean,kung nakaalis na ba sila. Umo-oo nalang siya at sinabing malayo-layo pa,e sa totoo lang e,malapit naman na sila.
Narinig naman niyang nagbuntong hininga ito,parang may problema. Baka naman kasi,ayaw niya talagang magkita sila ni Stefany. 'Yun nalang ang itinatak niya sa isip. Baka nga. Pero siya man e. Ayaw nia rin. Kasi kumukulo to the nth level ang dugo niya,sa kapatid.
Isa pa, 'di niya nagustuhan ang ipinaparating nito n'ung kailan lang. Ewan ba niya,basta sa parte niya. 'Di niya maisip-isip kung bakit ba gan'un nalang ang sinabi nito. At siyempre,makahulugan ito para sa kaniya. May gusto kasi itong iparating,base narin sa mga pinagsasabi nito.
"Samus! Bumalik ka doon sa kaninang way,mali na 'tong dinadaanan natin," Nataranta bigla si Kean. Kaiisip kasi kay Stefany. Kaya ayan tuloy,nagkamali pa ng daan. 'Di rin kasi alam ni Samus,si Kean ang guide e. E itong si Kean naman lutang,mali tuloy ang daang naituro niya.
"Aish! I ask you ealier which way is right," Pansin niyang nainis ito bigla. "then you,urgh! It's okay." dagdag pa nito.
Kinabig naman nito ang sasakyan pabalik. "I'm sorry," she apologized. Bigla kasing naging lutang siya.
"It's okay," parang naiiyak naman si Kean. At kalaunan ay nag-iiyak na nga ito. Ramdam niya kasing badtrip na si Samus,hindi naman niya sinasadya e.
Nagulat naman siya saka inihinto ang sasakyan sa may gilid ng kalsada.
"Why are you crying?" kunot noong tanong niya rito.
"Galit ka kasi sa'kin,sorry." Aniya ni Kean sabay punas ng luha sa kaniyang pisngi.
Napabuntong hininga naman si Samus saka lumapit at hinila si Kean. "Shh. Stop crying,I told you. It's okay,"
Bigla namang umaliwalas ang mukha ni Kean. "Okay." sabay ngiti pa nito at baling sa bintana.
Napangiwi naman siya,What the hell is that? Sabi nito sa isip niya. Nagtataka. Masiyado naman yatang mabilis ang pagbabago ng mood nito.
Hindi niya tuloy maiwasang isip na,baka tama ng ang hula niya. 'Di nga kaya'y buntis ang asawa niya?
Kaya bigla nalang niyang naitanong. "Kean,are you pregnant?" Nanlaki naman ang mata nito sa tanong ni Samus. Bigla niyang binawi ang reaksyong iyon saka ito nilingon.
"Of course not!" She exclaimed. Pero sa ginawa niya,para tuloy nagduda si Samus.
"Really? Then,what the hell is the meaning o----"
"Ayan! Ayan na 'yung resort nila Auntie," pinutol na nito ang dapat sasabihin palang ni Samus. Ah,oo nga. Nakarating na sila. At tanaw na tanaw na nila ang nakalagay na pangalan ng mga Rivera.
"Halika na,pasok na tayo sa loob. Hinihintay na nila tayo e." Sabi nito saka siya iniwanan sa loob ng sasakyan.
Hindi niya maiwasang mapailing. Kulang nalang ay sabihin niyang. Ang hirap intindihin ng mga babae. At lalo lang hindi mawala sa isip niya,kung bakit nitong mga nagdaang araw,ay iba ang ikinikilos ng asawa.
Biglang kinatok nito ang wind shield. "Ang tagal mong bumaba,ano bang ginagawa mo diyan?" Magkasalubong ang kilay nito at tila inip na inip.
I will ask my mom,later. Naku! Mukhang nagdududa na talaga ito kaya magtatanong na sa ina niya.
Hinila naman niya kaagad siya ni Kean papasok ng resort. At nakita niya ang mga kamag-anak at maging ina at ama ng asawa. Nagkalat ang mga ito.
"Oh,look. Nandiyan na sila." Rinig niyang sabi ng isa sa mga pinsan nito.
"Gadh! Kean," tuwang-tuwang tumakbo naman ang ikakasal na si Faye. Ang pinsan ni Kean. Sa asawa niya. Dahilan,upang mapabitaw ito sa pagkakapit sa braso niya.
"Bakit gan'un? Mas lalo ka yatang gumaganda? Kainis! Baka matalbugan mo naman ako kapag araw na ng kasal ko." Natatawang pahayag nito.
Napataas tuloy ang sulok ng labi ni Samus. At 'di maiwasang isipin na. Mas maganda naman talaga ng 'di hamak ang asawa ko. Naku!
"Binola mo pa ako,congrats pala Faye. Dala ko 'yung sketch book ko. Pili ka nalang dun sa mga ginawa ko." Niyakap muli ito ni Faye at hinalik-halikan pa ang pisngi ng asawa.
Tss. Only me,has right to kiss her. Sumama bigla ang mukha nito. Ay! Umaatake na naman ang pagkamasungit nito. Oo na,edi siya na.
"Lahat naman 'yun magugustuhan ko. Anyways. Mamaya ko nalang titignan. Kumain muna kayo ng asawa mo,ang sama ng mukha, Katakot!" sabi nito sabay tawa ng malakas at layas. Ang tinutukoy nilang usapan ay 'yung mga ginawang sketches ni Kean na gowns for Faye. Marami-rami rin 'yun.
Pero nainis lalo si Samus sa pinsan niya. Paano ba naman,ayaw kasi nito sa madadaldal at maingay. Noon pa man ay gan'un na siya.
"Your cousin is noisy,wife." Inis na inis na pahayag nito. Saka nagpamulsa.
Tinitigan naman siya ni Kean sabay tinaasan siya ng kilay at naglakad papaalis. Bigla nalang umawang ang labi niya. Damn! Kulang nalang magwala siya. E kaso lang,hindi pwede.
Sinundan naman niya ito papunta sa table ng magulang ng asawa.
"Okay,sure." Nang maabutan naman niya ito ay bigla ulit itong umalis,kaya hinayaan niya nalang at umupo nalang sa tapat ng ina ng asawa.
"Mama," tawag niya rito,busy ito sa panood sa mga bata. Anak ng pinsan ni Kean.
"When you'll give us a apo? Samus,'di ba kayo nagpaplanong magka-anak? We're getting old,even your parents. Look at those kids,anak na 'yan ng mga pinsan ni Kean,kahit nu'ung dumalo kami sa birthday pati ng younger brother mo,your cousins has already a child. Kayo?" Baling nito sa kaniya.
"I don't know,but we already you know ma,but can I ask you a question?"
"Of course,son." sagot nito.
"What is the sign of a pregnant woman?" Kunot noong tanong niya,bahagyang natawa naman ito.
"Morning sickness,mga pinaglilihan. Craving for weird foods. Sensitive ang pang-amoy at panglasa,emotional,mabilis magbago ang mood." tumango-tango siya sa ina.
Nope,she's not. But craving? Yes,she is. She's not that sensitive in taste nor smell. Damn,emotional! And changing of mood? Hell she was.
"Bakit son? Buntis na ba ang anak ko?" bahagya siyang ngumisi.
"I guess ma,lately. She's craving,to strawberry food. Anything basta strawberry,and she's moody,and emotional. Will cry and after she is smiling,"
Bigla namang napangiti ang ina ni Kean. "Well,I think she's pregnant,son. Maybe she was just hiding it. Baka isu-surprise ka?" Kung gan'un nga? Ay sobrang natutuwa si Samus,dahil matagal na niyang gusto magka-anak. Hindi dahil sa inaasar siya ng mga pinsan niya. Dahil sa gusto niya talaga.
After all what he did to Kean,years ago. Sa pangde-deadma niya rito at pagiging malamig ay gusto niya lang makabawi no. Samus is not that heartless? Weh? 'Di nga. Biro lang.
"Well,that's good to hear. I want to surprise her too,mama. It's our anniversary." Ngiting pahayag niya rito.
Pumalakpak naman ito. "Oh,that's a great idea,son. Tell me,if you need my help. Us,"
Tumango lang ito saka sinabi ang plano niya. Sumang-ayon naman ang ina ni Kean at tuwang-tuwa pa.
Habang nagaganap ang planong pagsupresa kay Kean,ay ang magkapatid naman ay nag tatalo.
"Dapat hindi ka na pumunta rito,your just ruining the atmosphere here." Pagmamaldita nito.
Kumunot nalang ang noo niya. "I'm not the one who's ruining the atmosphere here,Stef. H'wag mong isisi sa'kin ang dapat namang sa sarili mo isinisisi." Sagot niya rito.
"Whatever,Kean. By the way,iwan na kita diyan. I have important thing to do." Bigla namang nilayasan siya ng kapatid,pero mabuti narin 'yun. Ayaw naman niyang,makipagtalo pa. Naku! Baka ma-stress lang siya kapag pinatulan pa niya ang baliw na kapatid. Baka lumabas pa ang anak niya na ipinaglihi sa sama ng loob.
Nangunot naman ang noo niya ng maabutan ang pamilya na nagkakagulo.
"Stef,s**t! Wake up," rinig niya ang boses ng asawa.
At naabutan niya ngang hawak nito ang kapatid,walang malay.
"What happen?" Tanong niya rito ng makalapit. Kanina lamang ay nagtataray pa ito sa kaniya,ngayon ay wala na itong malay?
"I'll take her to the hospital," hindi man lang siya pinansin ng asawa. Sa halip ay binuhat at nagmamadaling itinakbo nito ang kapatid niyang walang malay sa ospital...
Naging mapakla ang ngiti niya. At gan'un nalang din ang kirot sa kaniyang dibdib.
Masakit,sobra.
~