Kabanata 9

1041 Words
Kabanata 9 Natapos na ang ilang araw nilang matatawagan na maikling bakasyon. Kasabay noon ang medyo malamig na pagtrato muli sa kaniya ni Samus. Pansin niya kasi matapos iyong sa batangas e bihira nalang ulit ni Kean na makausap si Samus. Paano uuwi ng gabing-gabi pagkatapos ang aga umalis. Sa gabi naabutan niya pa ito kapag hindi pa siya inaantok. Pero kung minsan ay hindi na kasi inaantok na siya at may trabaho pa sa boutique kinabukasan. "Kakain ka ba mamaya rito?" Tanong niya rito. Ah oo nga pala magkatabi na sila o magkasama na sila sa iisang kuwarto. Hindi naman siya sinagot nito kaya,nagbuntong hininga siya. Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng inis. Aba kailan lang ang bait-bait nito sa kaniya,ang ganda ng pakikitungo nito. Pero kumusta naman ngayon? Dedma ganoon nalang? Anong trip ni Samus. "May problema ba? Bakit ka na naman ba ganito Samus?" Aniya nita rito sabay hagis ng na dampot niyang tsinelas at pinalipad niya ito sa ulo ni Samus. "What the hell is your problem Kean?" O kita niyo na? Siya pa ang may ganang pagtaasan ng boses si Kean. E siya nga itong masama na na naman ang pakikitungo. "You! You are my damn problem Samus.Bakit hindi ka na naman namamansin? Ano na naman ba Samus? Ano yung pinakita at pinaramdam mo sa'kin? Panandalian? Oh what the hell" Kean exclaimed. Biglang nagbago ang ekspresyon ni Samus matapos marinig ang sinabi ni Kean. Siguro nakonsensya. Lokong Samus kasi e. "I am sorry Wife,It's just that..." Umupo ito sa sofa sabay sapo sa mukha niya. Si Kean naman ay nakatayo lang at pinagmamasdan lang si Samus. Ano ba kasing problema? Tanong ni Kean sa sarili. Ano na naman bang mayroon at ganiyan siya? "Tell me Samus,anong problema? Sabihin mo kasi hindi ako manghuhula." Aba. Mabuti kung siya si Madam Auring. O kung sino man. Itinaas nito ang tingin sa kaniya. Hindi naman niya ito mabasa. Wala siyang makuhang ni isang sagot rito. "No,just.. Nevermind. But I'm sorry Kean,I'm really sorry" Nagbuntong hininga siya sabay tango rito at nag-umpisa ng tumalikod. "Don't be mad at me wife,I'm sorry okay" Nagulat siya ng sumulpot ito bigla at hinagkan siya nito mula sa likod. Buti nalang at hindi siya nakikita ni Samus kasi yung mukha niya namumula. "I'm not mad Samus,pero naiinis lang kasi ako kasi hindi ko alam kung anong nangyari sa'yo o kung may problema ba. Ang alam ko maayos na tayo,pero ayon bumalik ka na naman sa dati" Naramdaman niyang sinisinghot siya nito sa leeg. Kaya medyo nakikiliti siya. "Yeah I know that's why I'm sorry. Am I forgiven?" Humiwalay siya sa yakap rito saka niya ito hinarap "Yes your forgiven but please don't do this again. Nasasaktan kasi ako tuwing ganiyan ka" Aniya niya,ngumiti naman si Samus at pagkuwan ay hinalikan siya nito sa noo. "Okay wife" Hinawakan niya naman ang pisngi nito sabay nginitian. "May pasok ka ba?" Tanong niya rito. Ang pagkakaalam niya ay wala itong gagawin kapag ganitong araw. Hindi masiyado marami ang mga kailangan asikasuhin ni Samus ngayon. Kaya gusto niya sanang yayain itong lumabas at mamasyal. Kung gusto lang naman nito. Hindi naman siya mamimilit kung ayaw diba,mamaya 'yun pa ang simulan ng pag-aaway nila. "Yeah I have work today but I need my rest. My secretary can handle those things in company" Tumango-tango siya rito bilang sagot "Why?" Bigla tuloy siyang namula "Ano gusto ko sanang lumabas tayo mamasyal kung pwede o kung gusto mo lang naman" Nahihiya pa ang tono nito. Kaya hindi mapigilan ni Samus na matawa. Ang cute kasi ni Kean e,parang batang hiyang-hiya na umamin sa crush niya. Ganun kasi ang itsura ni Kean ngayon. "Your blushing,your cute my wife.Anyway,sure I loved that idea" Napangiti si Kean. Ang akala kasi niya hindi ito papayag o wala itong balak na sumama kasi kung ganoon nga? Siya nalang sana ang mamamasyal mag-isa kung sakaling hindi nga ito pumayag ang kaso pumayag e. **** "You ready?" Tanong sa kaniya ni Samus,papaalis na sila at mamamasyal na. Hapon kasi nila napag-usapang umalis. "Hm yeah" Sagot niya rito. Natutuwa siya dahil magkakaroon ulit sila ng bonding. Kasi nga diba nagpaka abnormal na naman si Samus kaya hayon. Habang nasa biyahe ay nagkwentuhan sila sa ilang mga bagay pero naputol lang ito ng tumunog ang telepono ni Kean. "Yes ma?" Ina niya pala ang tumatawag. "Kean,She's finally back. Your sister is back. Anyway hija. Pumunta kayo rito ngayon na. You just need to see your sister,it's been a long time Kean. Isama mo narin si Samus" Halos mabitawan niya ang telepono. Hindi maganda 'to. "Ma kasi ma----" "Hija sige na,hihintayin namin kayo huh" Base sa boses ng kaniyang ina? Halatang sobrang saya nito. Pero siya? Hindi. Oo kapatid niya yun pero hanggang ngayon nangangamba parin siya sa maaaring gawin nito. Mahirap na "What is it?" Tanong sa kaniya ni Samus ng huminto ang sasakyan dahil sa stop light. Hindi siya pwedeng hindi pumunta dahil magtatampo ang kaniyang mama. Ang kaso lang paano kapag nagkita-kita silang tatlo? Oo malaki ang pamamahay nila pero parang ang liit lang nun kung silang tatlo ang nasa loob nun. "Si mama. She wants us to go to our house,right now" hindi niya pinahalata na kinakabahan siya. "Why? Anong meron?" Nagbuntong hininga siya. "I have no idea" Tumango naman si Samus saka sinimulang magmaneho na muli. She lied. Kasi kabado talaga siya,after a long time. Her sister is back. "Okay let's continue our date tomorrow,we need to go first to your house. Maybe mama has important things to say" Hindi siya ganoon kaimportante. Actually napaka walang kwenta lang. Iyan ang gusto niyang sabihin, ang kaso lang iba ang lumabas sa bibig niya. "Yeah maybe?" Ano ng gagawin niya? Papaano na kapag nagkita sila roon? Anong mangyayari? Anong magiging reaskyon ni Samus? Mas kinakabahan siya! Parang gusto niyang magpanggap na may sakit kaysa tumuloy roon. Parang hindi niya kayang makita na may tinitingnang iba si Samus. Lalo na at si Steffany pa iyon! Ang kapatid niya,na dating nobya ni Samus na dapat nitong papakasalan. Bahala na. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD