Kabanata 50 Z A C H I A Maaga akong hinatid sa amin ni Caleb sa sumunod na araw dahil may pasok pa ako. Nang sunduin naman niya ako after ng class ko ay nalaman kong hindi pa din inuwi ni Kuya si Yakira sa kanila. Pero hindi ko na iyon pinag-alala pa. Kilala ko ang kuya ko, alam kong hindi noon pababayaan si Ate Kira. Saka alam kong may dahilan kung bakit hindi niya pa ito inuwi. Nag-message na lang ako kay kuya na mag-ingat silang dalawa kung nasaan man sila ngayon. Sana maging maayos na ang lahat. Sobrang dami ng sakit na pinagdaanan ni Ate Yakira, sana matapos na ito. Hindi niya deserve ang masaktan ng sobra, alam ko naman na kahit may nararamdaman pa din siya para sa kuya ko, ginawa niya pa din ang lahat para maging patas kay Kuya Sander. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagaw

