Kabanata 46 Z A C H I A "Are you sure?" Tumango ako at tipid na ngumiti kay Lawrence. Iyon nga lang pagdating ng uwian at sinundo ako ni Caleb ay hindi na mawala-wala sa isip ko ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi talaga ako mapakali, ayokong naglilihim ng ganito kay Caleb lalo na ngayon. Kung noon nakaya ko pang gawin ang pagpapanggap na girlfriend ni Lawrence, ngayon hindi ko na talaga kaya, dahil pakiramdam ko niloloko ko si Caleb nito. Ayokong sirain ang tiwala niya sa akin, ayokong maging dahilan pa ito ng pagkakaroon ng lamat sa binubuo naming relasyon. Baka isipin niya hindi pa nga kami pero naglilihim na agad ako sa kanya. Paano siya magtitiwala sa kanya kung may ginagawa akong ganito na alam ko namang hindi niya pahihintulutan. Pero hindi ko naman matanggihan si Lawrence. Ma

