Kabanata 32 Z A C H I A "What are you wearing?" Iyan agad ang bungad sa akin ni Caleb nang bumaba ako mula sa kwarto. Palihim akong umirap. I'm wearing a string bandeau crop top and jeans. Medyo hindi pa ako sanay magsuot ng mga ganitong top pero nang nakita ko ang sarili ko sa salamin kanina medyo nagkaroon naman ako ng confidence. Hindi naman pala panget sa akin ang mga ganitong outfit. Bagay naman pala. Pero nag jeans na lang ako sa pang-ibaba dahil baka may magwala kapag nag miniskirt pa ako. Saka bumagay naman din sa top ko ang jeans na suot ko. "Uh, damit?" Matalim niya akong tinitigan. Ngumisi ako. "Huwag mo kong pilosopohin. Ano 'yang suot mo? Sa Tagaytay tayo pupunta, hindi ka ba giginawin d'yan sa suot mo?" "May jacket naman akong dala. Pwede na ito." "Are you kidding me

