Kabanata 48 Z A C H I A "Baby, please," may lambing kong sabi habang hinahaplos ang kanyang buhok. Dumilat siya at dumapo nanaman sa akin ang nakakapasok niyang tingin. Ngunit imbes na matakot ay mas parang lalo ko pang gustong magpatupok sa apoy. "Let's kiss again," pilit ko pa din kahit na wala na siyang ginawa kundi ang tanggihan ako. Naniniwala pa din ako na hindi niya ako kayang tanggihan. Napatingin ako sa kanyang panga nang gumalaw ito. Mistula siyang galit habang nakaigting ang kanyang panga pero alam kong may ibang dahilan na ang galit niya ngayon. Hindi na iyon dahil sa pinagtatalunan namin kanina tungkol kay Lawrence. May iba na siyang kainiinis ngayon at mukhang alam ko kung ano iyon. Tinagilid ko ang ulo ko at binigyan ng marahang halik ang kanyang panga. Agad siyang du

