Kabanata 64 Z A C H I A Hindi ko sinabi kay Moira ang nangyari last night, hindi din ako sumabay ng lunch sa kanila ni Lawrence. Sinabi ko na lang na kailangan kong umuwi ng bahay kaya hindi na din niya ako pinilit pa. Hindi ko kasi kayang harapin si Lawrence sa ngayon. Hindi ako galit sa kanya dahil may kasalanan din naman ako. Kung sana noon pa lang ay nalaman ko nang may gusto siya sa akin, eh di sana umiwas na ako. Pero naging manhid ako at hindi ko agad napansin na may iba na pala siyang nararamdaman sa akin. Siguro kung nakaiwas agad ako, hindi na humantong sa ganito ang lahat. Buong araw akong tahimik at halos hindi makausap. Minsan iniisip ko na baka nakahalata na si Moira o kaya baka sinabi na sa kanya ni Lawrence ang totoong nangyari kagabi, ayaw niya lang akong kausapin tungk

