Kung noon, ang hirap hanapin si Liam, ngayon naman, parang lagi ko siyang nakakasalubong.
Pero ang mas nakakapagtaka — hindi ko sigurado kung gusto ko ‘yon... o gusto ko pa ‘yon ng higit sa nararapat.
Simula nung nakita ko siyang kasama si Mama sa simbahan, hindi ko na alam kung paano mag-isip ng diretso. Bakit siya nandun? Bakit siya tumutulong? At higit sa lahat... bakit hindi ako galit na andun siya?
“Jen, okay ka lang?” tanong ni Mira habang tinitignan ang seating arrangement layout na hawak ko.
“Ha? Oo. Sorry, napatingin lang.”
“Sa pader?”
“Sa future.”
“Ahh, sige. ‘Wag ka lang mag-time travel sa araw ng kasal.”
Malapit na. Ilang araw na lang. Lahat abalang-abala. Family. Suppliers. Coordinator. Lahat excited. Lahat may sinasabi. Lahat may opinion.
Except me.
Ako ‘yung bride, pero ako rin ang pinaka tahimik. Hindi dahil wala akong masabi — kundi dahil baka kapag nagsalita ako, hindi na ako makapigil.
That day, may general coordination meeting kami. Almost all vendors present. Kasama rin siyempre ang pamilya. Ako, si Mama, si Vincent… si Liam… at ang magulang ng Santiago brothers.
Si Mr. Santiago, tahimik pero may presence. Si Mrs. Santiago, laging may hawak na tablet, busy sa checking ng details.
Nasa function hall kami ng hotel na napili namin for reception. Pinag-uusapan ang timeline, ang flow ng entrance, at ang finalization ng guest list.
Si Vincent, abala sa pakikipag-usap sa designer. Si Mama, nakatutok sa menu options. Ako, pilit nagfo-focus. Pero ‘yung presensya sa kabilang table… ramdam ko.
Si Liam.
Tahimik lang siya. Nagbabasa ng printed notes. May hawak na black pen at nakakunot ang noo, as usual. Pero ramdam kong aware siya na andun ako.
“Let’s start with the first part — bridal entrance,” sabi ng coordinator.
Napatitig ako sa floor plan sa harap ko. The long aisle. The candlelit sides. The spotlight.
Parang ang hirap tawirin.
“Miss Jennifer, okay ka lang po ba sa ganitong setup?” tanong ng coordinator.
Tumango ako. “Yes, okay lang.”
Pero alam kong hindi.
Biglang nagsalita si Liam. “May backup generator ba for the lights?”
Nagulat ako. Lahat nagtinginan sa kanya. Maging si Vincent.
“Para lang sure. Umulan kasi noong last event dito. Namatayan ng ilaw,” dagdag pa niya.
“Ah yes sir, naka-setup na po,” sagot ng staff.
Tumango siya. Tahimik ulit.
Pero sa loob ko, parang may mainit na bagay na gumuhit sa dibdib ko. Kasi habang lahat busy sa design, sa kulay, sa coordination… siya ‘yung nagtanong kung paano masisigurong walang magiging aberya.
“Liam, ikaw na talaga ang CEO,” biro ni Mr. Santiago. “Laging naka-monitor, kahit wedding na ng kapatid mo.”
“Gusto ko lang masigurado,” sagot ni Liam, hindi man lang tumingin sa amin. “Ayoko ng surprise failures.”
Natawa si Mrs. Santiago. “Naku, Jen, sanay ka na ba sa ganitong setup? Ang dalawang anak ko, parehong perfectionist.”
Ngumiti ako. “Okay lang po. Mas mabuti na rin ‘yung maraming nagbabantay.”
“Jen,” tawag ni Vincent, lumapit sa tabi ko. “Pwede ba kitang makausap sandali?”
Nagkatinginan kami. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalangan. Lumayo kami saglit, sa gilid ng hallway.
“Please... huwag mo na lang ipaalam kina Mama at Papa ‘yung nangyari,” pakiusap niya, mahina ang boses. “They’ve been looking forward to this wedding. Ayokong masira pa ‘to.”
“Hindi ko plano,” sagot ko. “Hindi naman ako ‘yung sumira.”
Napayuko siya. “I know I messed up. Pero... please, just let me fix this. Kahit tahimik lang. Kahit hanggang matapos na lang ang kasal.”
Wala akong sinagot. Tumalikod na lang ako at bumalik sa table namin.
Pagkatapos ng meeting, naglabasan na ang ibang tao. Naiwan kami sa lounge — ako, si Mira, at si Liam na may hinihintay yata.
“Akala ko ba ayaw niya ng mga ganito,” bulong ni Mira habang tumitingin kay Liam.
“Hindi ko rin alam,” sagot ko.
“Pansin mo ba na simula nung umiyak ka sa ulan, bigla na lang siyang naging present?”
“Wala namang sinabi ‘yon.”
“Exactly. Hindi niya kailangang magsabi.”
Tahimik kami pareho.
Paglingon ko, nagkatinginan kami ni Liam. Tumango lang siya. Wala siyang sinabi. Pero ‘yung simpleng gesture na ‘yon — ramdam kong may dalang tanong. O assurance. O baka pareho.
Kinagabihan, habang nasa kwarto, tumunog ang phone ko. Isang text mula sa kanya.
“You looked tired today. Make sure you rest.”
Simple. Walang emojis. Walang pressure. Pero ang lakas ng tama.
Hindi ako agad nag-reply. Pinagmasdan ko lang ang screen. Pinikit ko ang mga mata ko, at bumalik sa alaala ko ‘yung gabing umulan.
Ako, naka-upo sa sidewalk, basang-basa, nanginginig. Lasing sa sakit. Hindi makagalaw.
Tapos may tumabing lalaki. Tahimik lang. Walang dalang payong. Wala ring tanong.
Si Liam.
At sa loob ng isang gabing walang salita, doon ako unang naramdaman na hindi ako mag-isa.
Naramdaman ko ‘yung paghinga niya. ‘Yung init ng katawan niya. ‘Yung katahimikang hindi nakakabingi — kundi nakakakalma.
At ngayon… ilang araw na lang, at ikakasal na ako.
Pero bakit sa bawat segundo, ‘yung taong ayaw magsalita, siya ‘yung pinaka gusto kong marinig?
Tumingin ako sa phone. Unti-unting nagtype ng reply:
“Thank you. You too.”
At doon ako unang kinabahan…
Kasi sa wakas, may tinanggap na akong hindi ko na kayang itanggi.