Victory Party

1007 Words
CEO's HIDDEN CEO || CHAPTER THREE VICTORY PARTY ----- "GOOD MORNING, GHA.." masiglang bati ni Lukas kay Martina sa kabilang linya. Para wala man lang itong ginawang mali sa kaniya sa masayang bungad nito. Humigit muna siya nang malalim na hininga bago niya ito sinagot. "Anong good sa umaga, Mr. Monterde?" mataray niyang tanong dito. Naiinis talaga siya't hindi niya basta-basta maalis iyon kahit ilang oras na rin ang lumipas. Para lang naman siyang tangang naghintay sa wala sa labas ng villa ng mga ito. "Gha naman, ang sungit mo naman. Panalo si lolo kaya dapat magsaya tayo," anito sa kaniya. Napataas kilay siya, pagkatapos niyang isandal ang likod sa headboard ng higaan niya sa boarding house na tinutuluyan niya. "Oo na alam ko na. Nagtatampo ka dahil hindi ako nakatawag sa iyo kahapon? Alam mo naman ang nangyayari 'di ba, Gha?" saad pa nito sa kaniya. "Bati na tayo, Pangga. I love you, I miss you. Babawi ako ngayon. Saan mo gusto?" Napalunok siya nang marinig ang mga sinabi nito. Parang natunaw ang lahat ng nanlalamig na nyebeng ginawa niyang pader para iparamdam na sobra siyang naiinis dito. "Magkita na lang tayo." "Sige, Gha. Sa dati ha. Susunduin ba kita?" "Huwag na alam ko naman na hindi ka pwedi. Ako na lang siguro." "Pagkatapos natin magkita, kailangan mo mag-shopping ng damit mo para sa victory party ni lolo. I want you to come, Gha." Napangiti siya. Alam niya naman na mahal siya ni Lukas, nararamdaman niya rin naman ito kahit papano. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon wala siyang halaga dito. Nag-iingat lang si Lukas iyon ang madalas niyang pagbawi ng pag-iintindi sa sarili niya. "Okay, Gha. See you. Na-miss din kita," aniya rito. Sa kabilang linya pihadong nakangiti rin si Lukas dahil sa pag-aayos nila na wala nang maraming diskusyon pa. Ganito naman sila palagi. Halos nasanay na rin siya sa tinatakbo ng relasyon nila. Hindi niya naman matitiis si Lukas. Mahal niya ito, mahal na mahal niya. Handa rin naman siyang isakripisyo ang lahat para dito. Nagpasya siyang maligo para maaga makapaghanda sa magiging lakad nilang dalawa. __ MONTERDE RESIDENCE NAPANGITI nang maluwag si Lukas dahil naging maayos ang lahat sa kanila ni Martina. Mahal siya ng nobya niya at ganoon din naman ang nararamdaman niya para dito. Madalas niya lang itong nababalewala dahil sa trabaho niya at sa papel niya sa sariling pamilya. Hindi madali para sa kanilang dalawa ang pagiging Monterde niya, malaking bagay lang talaga ang pagiging maintindihin ni Martina. Siya si Lukas Monterde, nag-iisa siyang anak ng Daddy Lucas niya at anb nag-iisang lalaking apo ng Monterde. Hindi madali ang kinalakhan niyang pamilya, lalo pa't walang tumayong ina sa tabi niya. Ang sabi sa kaniya ng daddy niya namatay daw ito nang pinanganak siya. Ito na lang ang pinaniwalaan niya, hindi na siya naging matanong dahil wala naman dahilan para magsinungaling sa kaniya ang buo nyang pamilya. "Lukas..." Lumingon si Lukas sa boses ng babae sa likuran niya. "Hey, Babe. Sabi ko na nga ba nandito ka lang eh. Surprise?" "A-Angela?" may gulat sa boses nyang sambit dito. "Mismo. Miss me?" malambing nitong tanong sa kaniya. Hindi niya akalain na makikita ito sa mansyon ng Lolo Lucas niya. "What are you doing here?" "Yan ba ang isasalubong mo sa akin, Luke? Wala man lang bang kiss and hug diyan?" anito sa kaniya. Napailing-iling siya kasabay ang pag-iwas ng katawan nya sa muling pagtangka nitong pagyakap sa kaniya. "Relax! Allergy ka pa rin ba sa akin?" "Ano ba ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok dito?" "Hay naku, Luke! Hindi lang ang lolo mo ang panalo. Panalo rin ang mommy ko," nakangiting aniya nito sa kaniya. "She's here too. At kahit wala si mommy alam ko naman na hindi pweding hindi ako papasukin ng pamilya niyo. You know me, Luke. What Angela wants, Angela gets.." pasaring nito sa kaniya. "At ano ba kinatatakot mo if nandito ako? Bakit someone own you na ba ha?" dagdag pa. Umiwas siya dito. Ayaw niya nang dumami pa ang pag-uusap nila. "Luke.." "Angela. Pwedi ba! Stop. Kung may binabalak ka stop it. Hinde ko magugustuhan at kilala mo ako kapag hindi mo ako sinunod." Nakipagtitigan sa kaniya si Angela. May ngiting sumilay sa labi nito kaya lumabas ang dalawang maliit na biloy sa ilalim ng labi nito. "Sa tingin mo ba matatakot ako sa iyo, Luke? I know you. Huwag mo akong tinatakot, Lukas dahil kilala ko kung gaano kabahag ang buntot mo pagdating sa pamilya mo.." Imbes na matakot ito sa kaniya mukhang bumalik pa yata sa kaniya ang ginawa niyang pananakot dito. "Ngayong sanib pwersa na ang lolo mo't mommy ko, wala ka nang kawala, Lukas. And, I'll make sure na hindi ka talaga makakawala." "Stop!" mariin niyang banta rito nang akma itong lalapit sa gawi niya. "Kung kinakailangan pikutin kita para maikasal sa akin gagawin ko, Lukas!" banta nito. "Hindi ko hahayaang manalo ka, Angela. I will assure you! So! If I we're you mananatili ako sa lugar ko." Tumalikod si Lukas mula rito. Ayaw niya nang pakinggan pa ang kahit na anong sasabihin nito sa kaniya. "Ikakasal ka sa akin, Mr. Lukas Monterde. Hindi ko iyan pinapa-alam sa iyo dahil pinapaalam ko mismo sa iyo iyan! Sa ayaw mo man sa gusto ikakasal ka sa akin dahil iyon ang gusto ng mga magulang natin! Sa akin pa rin babagsak sa akin lang, Lukas!" malakas na sigaw sa kaniya ng spoiled brat na anak ni Congresswoman Marcha Sevilla. Huminto sa pagkakahakbang ng unang baitang ng hagdan si Lukas. Nilingon niya ito, nakipagmatigasan ng tingin dito. "You're crazy, Angela! Over my dead body! Hindi ako magpapakasal sa katulad mong spoiled acting princess! Never!" anya dito. Wala siyang pakialam kung lumabas man siyang walang respeto sa harap nito. Gusto niyang isaksak sa dating matalik na kaibigan ang lugar nito. Dahil kung pwedi niya lang ipagsigawan kung gaano niya kamahal si Martina Cruz, ginawa niya na. But he need to protect Martina sa kung ano man ang kayang gawin ng babaeng desperadang katulad ni Angela.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD