My Ex

1525 Words
"Toby, gusto kong ikaw ang mag handle nung engineering firm sa Sta. Catalina." Naikuyom niya yung kamay niya na may ballpen. "Why Tito Killua? Bakit hindi nalang si Khael ang paghawakin niyo nun?" Takang tanong niya. "Because Toby.. I trust you more than my own son. Alam kong mas mababantayan at papahalagahan mo yung firm na yun, dugo at pawis ng Daddy mo ang ipinuhunan niya dun." Napabuntong hininga siya sabay sandal sa swivel chair. Ito yung kaisa isang bagay na iniiwasan niya. Ang bumalik sa Sta. Catalina. Sa totoo lang, ayaw niya ng bumalik dun.. Kinasusuklaman niya ang lugar na yun ng dahil sa isang tao. He hated her to death. Kung pwede nga lang patayin niya ito kagaya ng pagpatay ng babae sa kanya noon, matagal niya ng ginawa. "Isa pa, nagta trabaho na si Nhia sa Firm. If you want I can promote her to be your secretary." Nagdilim ang paningin niya upon hearing her name. God forbid him coz he's killing her inside his mind. "I mean, alam ko namang matagal na kayong wala ni Nhia and alam ko din na hindi naging maganda yung paghihiwalay niyo but, Toby don't you think it's about time to reconciliate with her for old times sake? Naging magkaibigan naman kayo bago nangyari lahat ng ito diba? She was your bestfriend." Yun na nga eh. WAS. past tense. She was my bestfriend and she was my girlfriend. Bumuntong hininga siya. "I don't know Tito.. Masyadong masakit yung mga nangyari noon, I don't think I can even face her without thinking of making her suffer. She's dirty! at hindi man lang niya nagawang magpaliwanag noon kung anong nangyari? Basta na lang niya ako iniwan! nagmukha akong tanga kakahintay sa kanya para ano? para ipagpalit ako sa gagong Jeremy na yon? manggagamit siya! manggagamit sila!" Galit siya! galit siya sa mga babae pare pareho Lang silang mang gagamit! Mula sa Mommy niya hanggang kay Nhia! galit siya sa kanilang lahat. "Son, kung hindi mo nakuha yung paliwanag na gusto mong makuha nun, maybe now is the chance.. Maybe it's time to open up yourself. Let go of the burden. Baka sakaling pag nagawa mo siyang mapatawad pagkatapos mong marinig ang paliwanag niya at maka move on ka na din.. Toby you're not getting any younger. Iam expecting grand sons and daughters from you." His Tito Killua tapped his shoulder before he stand up and walk to the door. "I'm giving you a week to decide.. pag isipan mong mabuti yung offer ko." Sabi nito bago tuluyang lumabas. Naibato niya yung ballpen na hawak niya sa galit. Bakit ba kase kailangan pang bumalik ng babae sa buhay niya? Para sirain ulit yon?! FLASHBACK "Pangga?" Pinulupot niya yung braso niya sa may bewang ng babae at natawa ito. Kinagat niya ito sa balikat bago niya ipinatong yung baba niya sa may balikat ng babae. "Pangga!" He laugh hard. ayaw na ayaw ng babae na kinakagat siya pero natatawa ang lalaki pag naasar siya kaya palagi niya pading ginagawa. "Hmmm.. Mahal kita.." Bulong nito sa may tenga niya. Nag stiff ang dalaga sabay nung naramdaman niyang pagtaas nung balahibo nito pero hindi naman siya umiwas. "Mahal din kita." inalis niya yung pagkakayakap niya sa may bewang nito and he force her to face him. "Birthday ko na next week..  luluwas ka ba o susunduin nalang kita dito?" Nag iwas siya ng tingin sa lalaki kaya hinuli nito yung mga mata niya para tumingin sa lalaki. "I.. ahm.. hindi ko alam Pangga.. tatakas lang ako kay Inang. Alam mo naman yun eh." Pinalungkot ng lalaki yung mukha niya. "Pero luluwas ako! pangako Pangga! darating ako sa kaarawan mo." isang pilit na ngiti ang Ibinigay nito sa kanya saka siya niyakap. Ayaw sa lalaki ng Inang nito dahil sa pagiging Pedroza niya. "Anong gusto mong regalo galing sa akin?" kumalas si Toby sa pagkakayakap kay Nhia then he look straight into her eyes. "Pwede bang ibalot mo nalang yung sarili mo? ikaw yung gusto kong regalo eh." hinalikan niya ang dalaga sa pisngi na ikinamula niya. Mahal na Mahal talaga ni Toby si Nhia. Yung pagiging simple ng babae at pagiging down to earth nito yung ilan lang sa mga bagay na nagustuhan ni Toby sa kanya. If he's going to make a List, baka abutin siya ng ilang araw. "Sira! anong palagay mo sa akin bagay?" inirapan ni Nhia ang lalaki pero kahit yung pagtataray nito ay nakakatawa padin. "Oo Pangga, bagay ka.. Bagay ka sakin! " Hinalikan niya ang pisngi ng dalaga dahil sinamaan siya nito ng tingin. "Ang cute mo talaga Pangga! kaya mahal kita eh." Hindi na napigilan ni Toby ang sarili niya kaya nahalikan niya ang babae  sa lips. Sabay na nanlaki yung mga mata nila sa nangyari. Umiwas ng tingin si Toby at ganun din ang babae sa kanya. first time nila nagkiss sa lips at gusto sana ni Toby na maging special yun at hindi niya inaasahan sa may tapat pa ng dagat ng Sta. Catalina yun nangyari. Ganun pa man, hindi niya pinagsisisihan yung nangyari. ganun pala yung pakiramdam nun dinaig pa yung karera ng kabayo sa lakas ng t***k ng puso niya. "Pangga! uhmm.. kailangan mo na aķong panagutan." Pabirong sabi ni Toby. Nanlaki ang mga mata ni Nhia sa sinabi niya. "HOY! ANG BATA BATA KO PA!  NAG AARAL PALANG TAYO! ANONG PANAGUTAN KA DIYAN!"  Lumalabas yung mga litid niya sa sobrang galit. pilit sinusupil ng binata yung ngiti sa labi niya. "You stole my first kiss! kailangan mo akong pakasalan!" nalaglag yung panga ni Nhia sa sinabi niya. "Nahiya naman ako sa pagkawala ng first kiss mo! parang ikaw lang yung nawalan ah!" Hindi na talaga napigilan ng lalaki ang kanyang sarili. He pulled her close to him "Kung ganun.. edi pananagutan kita." lumayo ang dalaga sa kanya pero hinawakan niya parin sa kamay ang dalaga. "Hindi pa nga pwede! nag aaral pa tayong pareho. anong magiging buhay natin?" "Edi magta trabaho ako sa gabi habang nag aaral tayo sa umaga. isa pa, alam ko namang tutulungan tayo ni Daddy eh.  alam ko namang gustong gusto ka niya to the point na nagseselos na ako eh."  she poked his forehead saka niya hinalikan yun. "Pati ba si Don Tiburcio pagseselosan mo? ikaw talaga Pangga!. Hmmm pero seryoso.. ayokong umasa tayo sa magulang nating dalawa.. though wala ka naman talagang aasahan kay Inang pero wag kang mag alala. matatanggap ka din niya. tiwala lang. saka may mga pangarap pa ako eh. gusto ko pang maging teacher at ikaw, magiging Engineer ka pa bago tayo bumuo ng isang masayang pamilya." ngumiti siya and pull her to his chest. "Kaya mahal kita Pangga eh! kahit kelan, hindi mo tinignan yung estado ko." "Psh! aanhin ko naman ang pera mo kung sa pagmamahal mo palang, mayaman na ako?" Kinilig naman ang lalaki sa sinabi niya. "I love you Nhia.." He rested his forehead on hers, Nakapikit lang ang dalaga ngunit nakangiti naman ito. "I love you, too. Toby." Mabilis dumaan yung isang linggo at birthday niya na. Inayos ng mga kaibigan niya yung apartment nila Brad at Stephen. Tatlo silang magka share dito dahil nasa loob ng campus yung dorm nila Iñigo at Louie dahil varsity players sila, si Liam umuuwi sa kanila dahil walang kasama ni Nanay Maring. Sa totoo lang, hindi siya excited sa party. Kahit nga wala na nun okay lang eh. Mas gusto niya pang makasama si  Nhia. Lasing na lahat at halos hating gabi na pero walang dumating na Nhia. Sumama ang loob niya. He's expecting her pero hindi siya dumating. Sa sobrang sama ng loob ni Toby, ininom niya mag isa yung isang malaking bote ng alak na halos hindi niya nakita ang pangalan. Saglit lang pagkatapos nun para na siyang dinuduyan. Kinabukasan nagising nalang siya na walang saplot, walang maalala at walang Nhia. Naisip niya na baka sila Brad ang nagtanggal ng damit niya. Kahit hilong hilo, umuwi siya sa Sta. Catalina dahil nag aalala siya sa nobya. Only to find her, His girlfriend, sleeping with someone else beside her. Hindi na niya hinintay na magpaliwanag ang dalaga,  binugbog niya yung lalaking kasama nito para matanggal yung sakit!  pero wala eh! namanhid na lang yung kamao niya kakasuntok pero ni hindi nabawasan yung sakit. Tumingin siya kay Nhia na nakatingin lang din sa kanya Emotionless. Wala siyang mabasang kahit ano sa mukha ng dalaga.  Ni hindi siya nagsalita. Hindi siya nito tinignan. Nilapitan niya lang yung lalaking binugbog ni Toby para akayin at sabay silang lumayo. They left him dumbfounded, confused and his heart broken and shattered into pieces. Pinangako niya nung araw na yun na gaganti siya sa dalaga. Pagsisisihan nito lahat ng ginawa niya sa kanya.. ------ He grabbed his phone and dialled Tito Killua's private line. "Toby? Nakapag isip ka na ba?" "Book me a flight Tito Killua. I'll leave next month and take over." Mariing sabi niya. "Alright.. I'm on it." Ibinaba niya na yung phone sabay buntong hininga. Nhia Aquino I'm gonna make you pay. I'm gonna make you suffer! akala mo ba nakalimutan ko na na pinaglaruan mo ako? NO WAY. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD