LORIE LOVE “Love, baki–” “Lorie nga po ang name ko, ang kulit mo rin po talaga.” pagtatama ko na naman sa kanya. “Eh ano naman kung love? Mas madali ‘yon,” sabi niya sa akin. “Gustong-gusto mo talaga na galit sa akin ang jowa mong pinaglihi sa sama ng loob na katulad mo,” sabi ko sa kanya. “Eh hindi ko maalala ang first name mo, anong magagawa ko,” sabi niya pa sa akin. “Kung may balak ka ng hiwalayan ‘yang jowa mo ay ‘wag mo na lang ako idamay. Baka sa akin pa niya ilabas lahat ng galit niya. Kawawa naman ako–” “Mukha ka bang kawawa? Eh ang tapang mo nga,” sabi niya at mukhang tuwang-tuwa pa siya. “Ang pangit naman kung mahirap na ako tapos nag-papaapi pa ako. Okay na siguro na maging matapang ako,” sabi ko sa kanya. “Tama ka nga naman,” sabi niya at kumagat siya sa kinakain kong

