LORIE LOVE “Ngayon na bumalik na ako. Ano ba ang pinakagusto mong matupad sa mga hiling mo?” tanong ko sa kanya. “Gusto ko na magkaroon na tayo ng anak,” sagot niya sa akin. “Ready ka na ba na maging daddy?” nakangiti na tanong ko sa kanya. “Matagal na, noon pa ako ready,” sagot niya sa akin. “Ipagdarasal ko na matupad ang gusto mo,” sabi ko sa asawa ko. “Sasamahan natin ng sipag pero hindi pa sa ngayon,” malambing na sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa noo. “Sa tingin ko ay iyon ang dapat nating gawin,” sabi ko rin sa kanya at tumawa kaming dalawa. “Stay here, magluluto lang ako ng pagkain natin,” sabi niya sa akin. “Tulungan na kita–” “Love, hindi ka pa magaling, ako na lang po.” “Gusto kong gumalaw-galaw para naman mas mabilis akong gumaling. Kapag kasi nakatambay lang

