LORIE LOVE “B–Bakit?” “Bakit bago na ang kama mo?” tanong ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwala. Ito ksi talaga ang una kong napansin sa pagpasok ko pa lang dito sa room niya. “Pinalitan ko na,” sagot niya sa akin. “Bakit?” “Hindi na kasi ako komportable at baka marami ng germs kaya pinalitan ko na. Baka kasi magkasakit pa ako,” sagot niya sa akin. “Huh?” “Sabi mo kasi marami na akong pinahigang babae dito kaya pinalitan ko na,” sabi pa niya sa akin na ikinagulat ko. “Sayang naman ang kama na ‘yon,” sabi ko sa kanya. “Hindi naman, may pakinabang pa naman ‘yon sa iba,” sabi niya sa akin. “Malinis naman ‘yon, lagi ko kayang pinapalitan ang bedsheet,” sabi ko dahil nanghinayang ako bigla sa kama niya. “Mas maganda ito, mas malambot, mas malaki at higit sa lahat ay mas matibay,”

