LORIE LOVE “Puwede mo na bang sagutin ang tanong ko?” “Ang sagot ko naman, kung ako ang tatanungin mo ay depende, depende sa sitwasyon. Kung talagang tumino na ay siguro pero kung cheater talaga ay ayaw ko. Para akong kumuha ng bato tapos ipokpok ko sa sarili ko. Hindi kasi ako naniniwala na nagbabago ang mga cheater, nagbabago pero hindi pang matagalan.” “Ganun? So, wala na akong pag-asa sa paningin mo?” tanong niya sa akin. “Babaero ka lang naman diba? Hindi ka naman cheater diba?” tanong ko sa kanya kahit pa alam ko naman ang sagot. “Siguro kasi marami akong babae eh, sabay-sabay pa sila kahit na hindi ko sila niligawan,” sagot niya sa akin at honest naman siya dahil tama naman siya. “Atleast honest ka, kahit ‘yon na lang ay okay na,” sabi ko sa kanya. “Kaya mo bang tanggapin an

