LORIE LOVE Umuwi na kami sa bahay dahil ayaw ko ng magstay pa sa ospital. Okay naman na ako. Kailangan ko na lang ngayon ay pahinga. Nandito ako ngayon sa silid ko. Nakatambay ako sa may bintana. Bukas ang bintana at nakatanaw ako sa malayo. Kanina ko pa kasi iniisip ang asawa ko. Ano kaya ang ginawa niya sa mommy niya? Sa totoo lang ay wala akong naging sama ng loob kay Madam. Nagpapasalamat pa nga ako sa kanya dahil sa kanya kaya natupad ko ang pangarap ko kahit pa ang kapalit ng ginawa ko ay ang malayo ako sa lalaking mahal ko. Lahat talaga ay may kapalit. At ngayon na alam na niya ay hindi ko alam. Hindi ko alam kung may pag-asa pa ba lalo na ngayon na pumirma na ako ng annulment naming dalawa. Alam ko rin na hindi na kami babalik sa dati. Sa dati na masaya kami, na kahit na patag

