LORIE LOVE “Yes, tayong dalawa lang, love,” sagot niya sa akin kaya bigla na lang akong kinabahan. “Kami lang na dalawa? Oh my G!” saad ko sa sarili. “Kalma ka lang, hindi ako interesado sa ‘yo,” sabi niya sa akin na para bang nababasa niya ang tumatakbo sa isipan ko. “Wala naman akong sinabi na interesado ka sa akin. Baka may bus naman na dadaan, uuwi na lang ako,” sabi ko sa kanya. “Natatakot ka ba sa akin?” tanong niya sa akin. “Hindi, wala namang dahilan para matakot ako. Gusto ko lang talagang umuwi,” sagot ko sa kanya. “Tatawagan ko na lang ang nanay mo. Sasabihin ko na hindi ka uu–” “Ako na ang tatawag, ako ang anak niya,” sabi ko sa kanya at mabilis kong tiwagan ang nanay ko. Sinabi ko sa kanya na hindi ako uuwi. Ayaw ko rin naman na mag-alala siya sa akin. Mas gusto ko p

