LORIE LOVE “Anak, hindi ka pa ba lalabas d’yan?” tawag sa akin ni nanay. “Lalabas na po, nay.” sagot ko sa kanya. Ang totoo kasi ay nahihiya lang akong lumabas dahil kay ninong. Kung ano-ano kasi ang sinasabi niya at nahihiya rin ako dahil narinig niya ang sinabi ko sa kanila na kung akin siya ay ipagdadamot ko siya. Akala ko naman kasi ay hindi siya susunod agad sa akin kaya nagbiro ako pero mali ako dahil sumunod pala siya. Lumabas ako at nakabihis na rin pala silang lahat. Paglabas ko ay nagulat ako dahil may cake pala ako. Ang ganda ng cake at halatang mamahalin. “Happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you…..” kumakanta ang pamilya ko. Hinanap ng mga mata ko si ninong pero nagtatago siya kaya lumapit ako sa kanya at hinila

