LORIE LOVE “Ikaw ang liar. Gumagawa na naman kayo ng kwento–” Sabay-sabay kaming napasinghap sa sumunod na nangyari. Nagulat kasi kami dahil bigla na lang siyang sinampal ni ninong. “Ang lakas ng loob mo na gumawa ng gulo tapos ikaw ang aastang biktima,” sabi sa kanya ni ninong. “Hindi ako nagsisinungaling. Bakit ba mas pinapaniwalaan mo pa ang katulong na ‘yan kaysa sa akin na girlfriend mo–,” umiiyak na sabi ni Manang Neda at nakahawak pa siya sa pisngi niya pero bigla na lang tumawa si ninong. “Girlfriend? Are you really my girlfriend? You’re not, because you’re just my toy at sawa na ako sa ‘yo kaya kita tinapon. Tapos magugulat na lang ako na inaaway mo si Lorie. Masyado ka naman yatang nananaginip at dinadamay mo pa siya sa kahibangan mo,” sabi sa kanya ni ninong. “Bawiin mo a

