LORIE LOVE “Papasok ka sa loob o hahalikan kita dito sa labas? Mamili ka, Love.” tanong niya sa akin kaya at ako naman itong hindi makapaniwala sa narinig ko. “Ano bang problema mo?” tanong ko ulit sa kanya. Lumapit siya sa akin kaya naman nataranta ako dahil mukhang hindi nga talaga siya nagbibiro. Mukhang gagawin niya talaga ang sinasabi niya kaya naman ako na mismo ang humila sa kanya para pumasok na kami sa loob ng bilihan ng cellphone. Baka maging eskandalo pa kapag talagang natuloy ang banta niya sa akin. Alam na alam rin talaga niya kung paano ako inisin. “Choose whatever you want,” sabi niya sa akin. “Po?” “Paano kita matatawagan kung wala ka namang phone. Dalawa na ang bilhin natin at ibigay mo sa parents mo ang isa para makausap mo rin sila,” sabi niya sa akin. “Hindi nama

