E.
Umuwi akong nakabusangot. Bakit? Paano ba naman pagkarating ko du'n ang bubungad sa akin ganito:
Pagkatapos kong umalis sa opisina, ay dumeretso na ako sa bahay ko. Naligo at nagpalit ako ng isang white na doll dress na pinaresan ko na isang black boots at isang sling bag na khaki, may lamang wallet at phone ko. Naka-pusod din ang aking buhok at naglagay lang nang kaunting make-up.
Habang nagd-drive ako, naalala kong hindi ko pala natanong kung saan kami magd-dinner ni Chiron. Kung kaya't nagtext ako kay Ezio.
Ezio tubol ?
Ezio, sa'n ba kami magkikita ni Chiron?
Seen.
s mAy sKyE dAw,,,,,,,
Okay, thanks!
Seen.
uR wElc0mE !!!! ???????
Seen.
Nakahinga ako malalalim nang makarating ako sa restau ko.
At sinalubong naman ako ng mga trabahador ko, sila Jianne, Cheni, Dex, Mark.
"Hi, Mabuhay! Welcome to SKYE! Ang kainang maglalapit sa'yo kay San Pedro!" masiglang bati nila at ngiti sa akin at mas diinan nila at hinabaan ang San Pedro.
"Hi Ma'am!" bati ni Dex. "Hello din." balik ko sa kan'ya.
"Wow, ma'am. Blooming tayo ha? May date ka 'no?" Biro ni Mark.
Kinurot naman siya ni Cheni sa tagiliran kung kaya't napaaray siya na siyang tinawanan nila Dex at Jianne.
Nakita rin naman siya rito. "Hindi, may meeting lang ako." ngiti ko.
"Ulala, gabi may ka-meeting." sabi ulit ni Mark.
Inilingan niya nalang ito't nagpaalam na pupuntahan na ang ka-meeting.
Bago ako tuluyang tumuloy sa pupuntahan ko tinanong ko si Jianne kung saan nakareserve si Chiron. At tinuro niya naman sa paliko papunta sa GOH or kilala bilang Gate of Heaven. Ayon ang tawag sa VIP rooms namin. Pagtapos ay nagpaalam na ako't tumuloy.
Pagpasok ko du'n si Chiron nakayuko sa lamesa. Kaya naman nilapitan ko siya.
"Chi. Chiron." tawag ko rito. At kinalibit ko siya, "Chi. Huy." pero wala akong nakuhang response.
Nung tinignan ko yung ilalim, kung saan tinatago niya yung mukha niya, nakatawa ang unggoy. Kung kaya't dinagukan ko siya.
"Aray!" angal niya habang hini-himas-himas yung batok niya.
"Unggoy ka! Akala ko tulog ka nang burdagul ka!" sabi ko at muli ko siyang dinagukan pero naiwasan niya.
Tinaas niya ang kamay niya na tila sumusuko na, "Awat na." tinaas niya ang dalawa niyang daliri para mag-peace. "Kain na tayo." yaya niya.
Pasalamat siya nagugutom na ako.
Inirapan ko siya, at inayos niya ang upuan para sa akin, at saka umorder.
Pagtapos niya umorder at kumain na kami.
Binalot kami ng katahimikan. Walang nagsalita. Walang sumubok.
Mamaya'y nagsalita siya.
"May boyfriend ka ba?" kaswal na tanong niya kung kaya't nabulunan ako.
"Ayos ka lang?" pag-aalala niya.
Tumango ako, "Bakit ka naman nagtatanong nang gan'yan?" utas ko.
Nagpunas naman siya sa gilid ng labi niya, "Bakit? Masama ba?" sabay tingin niya sa akin.
Napalunok ako, "H-hindi naman. Nakakagulat lang...."
"So, what's the answer? Do you have?" again.
"Uhm, n-no." I uttered.
"So, can I court you?" he casually said while looking at my eyes.
"H-h-huh?" naguguluhan kong tanong.
"I said can I court you?" ulit niya.
"Wh-what?" again.
He looked at me irratated. But then, he smiled, and said, "You're cute when you stuttered." then he giggled.
I glazed at him, "Tanginamo." then I smiled.
Now, he looked at me again, "I guess that's a yes." then he kissed me on the cheeks.
"H-hoy! Shoplifter!" tinawanan niya naman ako.
After that, sabay kaming lumabas and when I was about to take out my wallet he stopped me.
"Tanga, restau ko 'to." yabang ko.
Inirapan niya naman ako. "Yea, ikr." he said. Then he paid for what we've ate.
"Libre ko na nga lang sa'yo e." sabi ko habang papunta sa Impyerno, or also known as parking lot.
Nang makarating na kami sa Impyerno, he looked at me again and again and again, "Hindi porque restaurant mo, ililibre mo 'ko. Hindi porque, nanliligaw ako, hindi mo 'ko pagbabayarin. We can still pay alternately everytime we date. But this time, it's all on me. Okay?" he muttered.
Napatulala ako, wala akong nasabi.
"So, bye na. Go to your car na, then I'll follow you to make sure that you're safe." he said and kiss my forehead this time.
Then pumasok na ako sa kotse ko. At talaga ngang sumunod siya sa akin.
Nang makarating na kami sa HV, sa bahay ko.
Bumababa muna ako ng kotse ko, at pinuntahan ko yung kotse niya para katukin siya.
"Huy! Dito na ako." pamamaalam ko dito pero 'di ako pinansin.
Siya naman ay nakatingin sa bahay ko. Kaya naman, kinuha ko ulit ang pansin nito.
Muli kong kinatok ang salamin ng kotse niya, pero this time mas malakas na.
"Ano ba?!" iritang sabi niya.
"Anong ano ba? Dito na ako, kako. Pwede ka na umalis." sabi ko sa kan'ya.
"Ahhhhh....." iyon lang ang sinabi niya, at nang akmang babalik na ulit ako sa aking kotse, ay bigla na naman siyang nagsalita.
"'Di mo man lang ba ako papasukin? Pakakainin?" at nagpout pa ito.
'Tch. Mukha siyang bulldog.' sabi ko sa isip.
"Ulol, kapal mo. Kakain lang natin, kain na naman?! 'Yung totoo, saan napupunta yung kinakain mo?" tanong niya rito.
"Dito." turo niya sa pan de coco niya at sa maskels niya at saka ito tumawa.
Tinaasan ko na siya ng kamay, at sinenyasang pwede na siyang umuwi, pero bigla itong ngumuso na tila nanghihingi ng halik.
"Gago." 'yon lang nasabi niya dahil natatawa na siya.
"Awchu," sabay hawak sa kaliwang dibdib at eksaheradong umarte na nasasaktan.
"Lumayas ka na nga, chu!" birong taboy niya rito.
At tumawa ito, bago tuluyang magpaalam sa kan'ya. "Bye, mahal ko. Don't let the surot bite you." nag-flying kiss pa ito, bago tuluyang pinaharurot ang sasakyan niya.
"Gago talaga." iling niyang utas bago pinasok ang kotse sa bahay niya.
Pero aaminin ko, ang saya ng gabi na 'yon. The feeling is like deja vu.
Hays.
Pagkatapos no'n ay naligo muna ako at nag-ayos, bago matulog.
Pero, s'yempre, 'di ko na kalimutang magdasal kay God.
Sinindihan niya muna ang maliit na altar sa kwarto niya, ando'n ang picture nang magulang niya at mga kapatid niya, at mga figurines ng Diyos.
Lumuhod na siya do'n at nagsimula.
Nag-sign of the cross na ako, at nagsimula na akong magdasal.
"Dear God,
"Thank you for all the blessings you've given to me this day. Thank you po, kasi hindi niyo po ako pinababayaan. At palagi niyo akong pinagpapala," simula ko.
"God, alam kong 'di 'ko po deserve ang lahat nang ito, sa dami ng kasalanan ko sa inyo, kay Chiron, sa babies namin... At sa kung ano-ano pa.
"Sorry, God, kung nagawa ko man ang lahat ng iyon at ito ha? Pagpasensyahan muna ako. Alam kong masamang magsinungaling. Kasi turo mo 'yon e. Pero kailangan ko munang suwayin. Pasensya," paghingi niya nang tawag kay God.
"Mama, Papa, Crel, Jinro. Sorry kung nakikita niyo man pinaggagawa ko ha? Mama, Papa. Sorry po, gusto ko lang po sana makuha 'yong hustisya niyo e, deserve niyo 'yon e." naiiyak niyang utas, "Crel at Jinro, alam kong magagalit kayo kay Ate, sa mga kabalastugan ko, pero.... Para sa inyo 'to. Mahal na mahal ko kayo."
"'Yon lang God, para ngayong gabi. Thank you!
Amen." pagtapos niya sa dasal.
Bago siya tuluyang lumayo sa pagkakaluhod niya sa altar, hinawakan niya ang picture nang magulang at mga kapatid niya, at bumulong.
"Ibibigay ko ang hustisyang pinagkait sa atin ng batas."