diez.

2066 Words
Nang makarating na kami kila Schzane, Rozée, Aquix and Galle ay nakita kong mga nakapangulumbaba ito. At halos alas otso y media na. Paniguradong gutom na tong apat. Nang makita na nila ang sasakyan ko ay, tumayo na sila. "Ate EAAAAAAA!!" sabay sabay na sigaw nila, kung kaya't yung ibang andon ay napatingin na rin. Bumaba na kami ng kotse ko, at dala dala ang pagkain para sa kanila. Sinalubong nila ako ng yakap. Muntikan na akong mabuwal buti nalang naagapan agad ako ni Chiron. Nagulat ako do'n. Nagkatinginan kami ng mata sa mata at mas matagal ngayon. 'Di ko pa malalamang may kasama pala kung hindi nag-ingay ang mga batang makukulit. "Yieeeeeeeeeeee." sabi nila, at sabay sabay pa. "Nakanaks naman, Ate EA." kilig na sabi ni Galle. "Nawa'y lahat may sumasalo, Ate EA. 'Di tulad ng iba d'yan, PAASA." pagpaparinig ni Rozée. Narinig kong nag-'owwww' sina Schzane at Galle, sabay tingin kay Aquix. Kung kaya't napatingin ako kay Aquix, at natawa nalang. Ngumiti naman sa akin si Aquix, "Sana siya na, Ate." bulong nito. Si Schzane naman, ay umiling-iling at tinulungan na akong kuhanin pa yung ibang nasa likod ng sasakyan. "Ate." tawag sa akin ni Schzane. "Yes, bebe?" "Siya na po 'yon 'di ba?" Napatigil ako sa paglalakad no'n. 'Di ko alam ang isasagot. "Okay lang naman po, Ate, kung hindi niyo pa kayang aminin. Basta gusto ko lang na masaya ka, dahil deserve mo 'yon, Ate." masuyong ngiti sa akin ni Schzane. Nginitian ko nalang siya ulit. At nagpatuloy maglakad. Pagdating naman do'n ay tinawag ako ni Rozée. "Ate Mami." tumatawa tawang tawag sa akin nito. "Yes, Bebe Mami?" sakay ko sa kan'ya, kung kaya't nagtawanan kami. "'Di joke lang te, serious mode na ako." at nagseryosk na nga siya. "Ano ba 'yon?" "Ate, bakit ba ayaw sa akin ng crush ko? Ang manhid niya nakakainis." bwisit nitong sabi. Pagsabi niya na 'yon, bigla nalang akong nagnining para siya'y asarin, "Sino ba 'yang crush mo na 'yan, at nang madagukan ko?!?" kunwaring inis ko. "Ah...." nag-aalinlangan niyang sabi, 'Wag na pala, Ate." sabi nito habang may hilaw na ngiti at nagkakamot ng ulo. Inakbayan ko siya at tinapik ang ulo, "Alam mo, Rozée, baka......" sadya kong pagputol. Tumingin siya sa akin, "Ano, Ate? Ano? Ano?" eksaheradora niyang tanong. Ngumiti ako ng pagkatamis, "Baka... Baka 'di ka lang talaga niya gusto." sabi ko. "Ate naman e!" "Biro lang, at saka kung 'di ka naman gusto no'n, its his loss, 'no. Ganda ganda mo kaya." nakangiti kong sabi. Tumingin ulit siya sa akin, "Kaya love kita e." masaya nitong sabi, at nakaturo pa ito sa akin at porma ng daliri niya ay parang baril. At nagkwentuhan muna kami na ando'n, sila Ate Jelly, Kuya Bean, Nanay Tin, at Tatay Kiro. At pagtapos nito, ay pinamigay ko na yung pagkain. Kung nagtataka kayo, asa'n kami? Andito kami sa dati naming bahay. Kung sa'n ako nagpaiwan no'n, at sila Mama't Papa, ay inambush. Pero pinarenovate ko na ito, kasi andami din nila. Mga nasa five lahat silang family. At kumain na sila, at halos alas onse na din nang gabi, nang matapos kami sa kwentuhan. Yung apat na baby ko, natulog na. Kasi inaantok na daw sila, e. Ang pinaka-antukin si Rozée, pa'no ba naman always hyper. At siya din ang unang nagpaalam na matutulog. At sumunod yung tatlo. So, kaming matatanders. Chos. HAHAHA, andito sa balkonahe nagchichikahan. Nag-uusap kami tungkol sa dating buhay at lovelife ni Nanay Tin. "Nay, ba't 'di ho kayo nag-asawa?" tanong ni Ate Jelly na katabi ang kanyang asawa, si Kuya Bean. Huminga munang malalim si Nanay Tin, at nagsimula nang magkwento. "May inirog ako noon, matagal kaming maging sing irog... Duduguin ako sa lalim ng words ni Nanay. emz "Nang umalis ako ng bayan namin para sa aking misyon, maayos naman kami. At pinangakuan niya akong papakasalan 'pagtapos nang aking misyon..... Sa totoo lang ay nasa akin pa ang singsing na kaniyang inaalay. So, engage na sila. Nang umalis ako ay may balak na talaga kaming mag-isang dibdib. Ngunit dahil wala pa kaming pera para matuloy ang aming pag-iisang dibdib, ay naghanap kami ng trabaho. Sa totoo lang ako'y meron na talagang trabaho, dahil nagtapos ako. At isa akong sundalo. At siya naman ay kinailangan magtrabaho ng maaga dahil siya nalang ang naiwan sa apat niyang mga kapatid. At dahil kailangan na rin ako sa aming kampo, kung kaya't nagpapadala kami sa isa't-isa ng sulat. Masaya naman kahit papaano ay naiintindihan niya ako. Tumagal nga ako do'n. Dahil sa mga misyon namin. Nagpapadala pa rin naman kami ng mga sulat sa isa't-isa. Ngunit..... Habang sa tumatagal, wala na akong natatanggap na sulat magmula sa kan'ya at kahit na anong tugon sa mga sulat ko. Hindi ko naman inisip na baka nagloko siya, dahil sa dalawamput-tatlong pagsasama namin, ay 'di siya nagpatukso. Dahil sa mahal niya ako, kung kaya't inisip ko na baka nagt-trabaho siya. Ku---" Watda!?! Dalawamput-tatlong taon? That's nuts. Kabogera ang Nanay Tin ko. "Ano ho, Inay!? Dalawamput tatlong taon? Ang tagal ho, grabe." gulat na sabi ni Ate Jelly. "Oo anak, gano'n nga." tawang sabi naman ni Nanay. "Itutuloy ko na, ha?" tatawa tawang sabi ni Nanay. Tumango naman kami. Habang si Tatay Kiro nakatingin kay Nanay, na parang nalulungkot at may longing. Nakita ko sa mata niya, at nang napansin niya akong nakatingin, ngumiti siya. "Hayon nga, inabot ako ng dalawang taon, sa pagkakaalala ko. D-" Pinutol ni Tatay Kiro si Nanay Tin, "Dalawa't kalahating taon, limang buwan, dalawang linggo, limang araw, at labing dalawang oras, limang minuto't apatnapung segundo." Nginitian nalang naman ni Nanay si Tatay, "Dalawang taon at kalahati. Pagbalik ko no'n ay saktong pyesta kung kaya't may sabay na kasalan. At pumunta sana ako roon para panoorin ang mga taong kinakasal, nang may ma-mukhaan akong tao, sa harap ng mayor, kaharap ang isang balingkinitan na babae, maganda't mapungay ang mga mata, mapupulang pisngi at matangos na ilong. Maarkong labi at natural na mapusyaw na labi nito. At nakita kong medyo maumbok ang tiyan nito. At nang humanap pa ako ng ibang pwesto para makita ang mukha ng lalaki, dahil hindi ko hahayaang dahil lang sa pisikal na anyo ibabase, ay magwawala ako. At hindi nga ako nagkamali, siya nga. Ang lalaking balak akong pakasalan, ay nagpakasal na sa iba. Ang lalaking nangakong ihaharap ako sa altar, ay ngayon nakaharap na sa altar kasama ang babaeng bubuo ng pamilya niya. Ang lalaking nakasama ako ng matagal, ay pinagpalit ako sa babaeng dal'wang taon niya lang nakilala. Pero ayos lang. Wala akong galit. Oo, aaminin ko nung una. Pero nang makita ko siya na hawak ang anak niya, masaya na din ako. Inisip ko na lamang na ako ang kan'yang pinakasalan. At ang hawak niya ang bunga ng pagmamahalan namin." pagtapos ni Nanay Tin sa kwento niya. Nanihimik ang paligid no'n, dahil wala ni-isa sa amin ang nagsalita. Buti nalang nagsalita tong katabi ko dahil ang awkward, si Nanay at Tatay, magkatingin sa isa't-isa. Parang may something sa kanila. 'Di kayaaaa...... Nevermind na nga lang. "Nanay Tin? Pwede po bang magtanong?" magalang na tanong ni Chiron. Nakanaks naman ang bebe ko,o! Choz. Nginitian naman siya ni Nanay, "Ano 'yon, anak?" "Bakit ho...." nag-a-alinglangan niyang umpisa kung kaya't nginitian siya ni Nanay. "Bakit ho, hindi na kayo naghanap ng bagong mamahalin? O para gumawa ng sariling pamilya? Natatakot po ba kayo na..." hindi niya na tinuloy ang sasabihin. Tumawa naman si Nanay, pero may bakas ng lungkot. "Hindi, anak. Mali ka." tumawa ng mahina si Nanay. "Hindi na ako muling umibig hindi dahil natakot akong magmahal o ano. Pinili ko na talaga 'yon, dahil sa isip ko na baka ginawa niya 'yon, dahil nainip na siya kahihintay sa akin, which is naiintindihan ko. Baka narealize niyang tumatanda na kami. Hindi ko na piniling magmahal, dahil kung hindi din naman siya, ay 'wag nalang. Pinili ko 'yon dahil umaasa ako na baka sa susunod na buhay, sa susunod na henerasyon, ay kami na ang magkakatuluyan. Pinahahalagahan ko ang bawat memorya at alaala naming dal'wa kung kaya't 'di na muli akong umibig pa." nginitian niya kaming lahat at lumabas ang malalim na biloy niya sa kaliwang pisngi. Nagsalita muli si Nanay. "Nagtataka kayo kung bakit dalawamput-tatlong taon, ay dahil labing tatlong taon pa lamang ako ay may nararamdaman na kami para sa isa't isa, at siyang dahilan kung ba't naging magsing-irog kami. Nagtagal ang aming relasyon nang dalwamput-tatlong dahil may tiwala kami sa isa't-isa at nirerespeto ang isa't-isa. Marahil, kaya din siya naghanap ng iba, dahil nasa trenta'y y sinco na. Malapit nang tumanda. Bagamat alam naming masyado pang bata, ay ipinagpatuloy namin ang aming pagmamahalan." at mahinhing tumawa si Nanay. Halos lahat kami'y natawa, pwera ke Tatay Kiro. Na masyadong seryoso. Hindi siya nagsasalita magmula kanina. Ay, nagsalita naman pero saglitan lang. Parang ang tahimik niya lang kanina, ang lalim ng iniisip. Nagulat na nga lang kami nung nagsalita siya. "Bakit hindi mo itinanong ang iyong minamahal kung bakit siya'y naghanap ng iba?" tanong ni Tatay Kiro kay Nanay Tin. Ngumiti naman ng bonggang bongga si Nanay, "Hindi naman niya kinailangan pang kuwestiyunin, naiintindihan ko siya. Hindi dahil sa ako'y martyr o masokista, ngunit dahil mahal ko siya. At naiintindihan ko ang ginawa niya. Nainip lang siya, pero ayos lang. Ang mahalaga nagkaroonsiya ng masaya at masaganang pamilya na baka 'di ko maibigay." utas ni Nanay, na kumurot sa aking puso. Pagtapos niya sabihin 'yon ay nanatili siyang nakangiti. At wala na muling nagsalita no'n. Nang tumayo si Nanay Tin, ay inalalayan ko siya papuntang banyo. At paglabas niya nagulat ako nang biglang nagtanong sa akin, si Nanay Tin, "Anak, siya 'yon 'di ba?" mahinang tanong sa akin ni Nanay. Natigilan ako, pero sinagot ko si Nanay, ayaw kong maglihim sa kan'ya, dahil para ko na rin siyang nanay, " Opo, 'Nay." matamlay kong sabi. Nagulat ako nang niyakap ako ni Nanay. "Anak, kung ano man ang pinagdaanan niyo noon, palipasin niyo na.... Nang mabuo na ang pamilya niyo. Alisin niyo yung galit at hinanakit sa puso niyo.... 'Wag niyong punuin nang gano'n. Dahil dapat pinupuno 'yan ng pagmamahal," hawak niya sa kamay ko, "Balikan mo na siya, matagal na 'yang naghihintay sayo. Pahupain niyo na ang lahat, pagsubok lang 'yan." at nginitian ako ng matamis ni Nanay Tin, at lumabas ang isang malalim na biloy sa kaliwa niyang pisngi. Niyakap niya akong muli, at hinatid ko na siya sa kwarto niya dahil inaantok na daw siya. Si Nanay Tin, ay inabandona na nang mga kamag-anak niya, wala siyang anak o asawa. Isa siyang army noon. Ninety-five years old na siya turning ninety-six on December 12. Nakita ko siya no'n na palaboy na, at ang sabi niya yung mga inipon niya ay kinuha raw at ginamit sa masama nang mga kamag-anak niya, magmula no'n kinupkop ko siya, kasabay nila Tatay Kiro, Ate Jelly at Kuya Bean. Lumabas na ako ng kwarto ni Nanay Tin, at paglabas ko dumeretso na ako sa balkonahe, wala na sila Ate Jelly, Kuya Bean at Tatay Kiro. Si Chiron nalang ang ando'n. Hinawakan ko sa balikat si Chiron, at naramdaman kong nag-flinch siya. "Bakit?" kunwaring inosente kong tanong. "W-wala." at nag-iwas ng tingin. Umupo nalang ako, sa dating inuupuan ni Tatay Kiro para kaharap ko siya. "Tutulog na sila?" tanong ko sa kan'ya. Tumango lang siya. Dahil hindi ako sanay na gano'n siya, tinadtad ko siya nang kung ano-anong tanong. "Ano kulay ng brief mo?" sabi ko. Tumawa naman siya, at saka ko lang narealize ko yung tanong ko. "Gray. XL." tatawa tawa niyang sabi. Nakatanga pa din ako. 'Tanginuh ka, tih. Ano pinagsasabi mo?' sabi ko sa aking isip. Tumahimik nalang ako rito sa tabi, habang itong isa bigla nalang tatawa. Nang napansin niya akong tumahimik, "O? Natahimik ka?" pagpigil niyang tawa na tanong. Tinignan ko lang siyang masama, kay lalong lumakas yung tawa niya. Siniko ko nga siya sa tagiliran. "Aray." daing niya, at bigla niya akong niyakap habang tumatawa. Hindi na ako nag-inarte o reklamo no'ng ginawa niya 'yon. Gusto ko naman e. Humarap kami sa langit, at tinitignan ang mga nangni-ningning na mga tala. At, sa gano'n nagtapos ang gabi namin. Nakatingala kami sa langit. At 'di ko na namalayang nakasandig na ako sa dibdib niya, habang siya'y pinaglalaruan ang buhok ko. Para akong hinehele sa ginawa niyang paglalaro sa buhok ko, hanggang sa 'di ko na alam ang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD