Chapter 2

3069 Words
  WALANG banderitas pero may mga tent na nakatayo sa bakuran nila. May natanawan siyang buffet table na nakapuwesto sa isang gilid. May unipormado pang waiter na umaasiste sa bisita. Marami ding mesa ang naroroon at ang ibang mga tao ay kumakain na. Nakilala niya agad ang mga kamag-anak niya. Mga kamag-anak na parang hindi naman taga-roon at mga taga-karatig-bayan.  Nagpunta pa ang mga iyon doon para lang sa pamamanhikan? Ipinangumbida ba talaga ng mga magulang niya ang pamamanhikan sa kanya? Ang alam niya ay dalawang partido lang ang dapat na nag-uusap sa ganoong bagay? Natanaw din niya pati ang mga kaibigang matagal nang hindi nakikita. Lahat halos ng nakamalay sa pagdating nila ay parang iisa lang ang mga mata na napunta ang direksyon sa gawi nila. “Anyare dito?” shocked na sabi niya. “Hindi naman fiesta.” “Ate!” excited na sabi ni Darling sa kanya. Halos tumakbo pa ito sa paglapit sa kanila. “Grabe ito,” baling niya kay d**k. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag dito ang dami ng tao sa kanila. “Relax. Baka ganyan talaga dito sa inyo.” “Hindi, ah,” depensa niya. “Parang may kasalan na, eh.” “Ate!” nasa tapat na ng pick-up si Darling. “Bakit ang daming tao?” tanong niya sa kapatid  nang makababa na siya. “Anong okasyon? Mamamanhikan lang sina d**k, di ba? Bakit may catering?” “Ay, nako, blow out na iyan. Madali namang tumawag ng magke-cater dito. Hindi mo sinasabi ay ikinasal na pala kayo kahapon, eh. Congrats, Ate Honey.” Niyakap siya nito at tiningnan din si d**k. “Bayaw, ako si Darling.” “Hello, Darling. Nice meeting you.” Nakipagkamay si d**k dito. “Sino ang nagsabing ikinasal kami?” usisa niya sa kapatid. “Hon, bistado na pala tayo. Ano pa bang itatago natin?” Nakangiti na inakbayan siya ni d**k. Dito siya bumaling. “Pinlano mo ito?” “Not exactly. Pero ang dami kasing pagkain ang gustong dalhin ni Mama. Sabi niya parang blow out na rin dahil nga kinasal tayo kahapon. Malamang ay hindi na rin nila natiis na di sabihin. Come on, everybody looks excited. Huwag na nating problemahin iyan.” For the next minutes, inulan sila ng pagbati at pangungumusta. Naramdaman nga niyang bagong kasal sila. May nanunumbat na pabiro pero mas higit na ramdam niya ang sinserong pagbati ng mga ito. d**k was probably a natural charmer. Mainit din ang pag-estima dito ng mga tao doon. Nang pormal niya itong ipakilala sa mga magulang niya, kusa pa itong nagmano. Alam niyang pogi point iyon para sa mga matatanda. “Malihim kayong masyado, mga bata,” sabi ng tatay niya. “Sorry po, ‘Tay,” nahihiya ding wika niya. “Nagkatampuhan ho kasi kami nitong si Honey noong isang araw. Eh, para ho masigurong matutuloy itong pamamanhikan namin ngayon, dinaan ko na rin ho sa mabilisang kasal iyong panunuyo ko sa kanya. Gusto ko hong ipakita sa kanya na magkaroon man kami ng tampuhan, tuloy pa rin iyong plano naming magpakasal. Kahapon nga po iyong civil wedding namin,” magalang namang paliwanag ni d**k.   “Ganyan katapat ang hangarin ng anak ko kay Honey,” sabad naman ni Rick at lumingon sa kanya. “Pasensya na, Honey. Ako na ang nagbalita sa kanila ng tungkol sa kasal ninyo kahapon. Mahirap din kasing ipaliwanag sa kanila ang dami ng pagkaing dala namin. Sabi ko’y parang selebrasyon na rin.” “Kung nangyari na ba’y ano pa ang magagawa namin, hano, balae?” sabi naman ng nanay niya. “May tiwala naman kami dito kay Honey at umaasa din kami sa maayos nilang pagsasama. Kung gayon na kasal na pala sila, para sa amin nitong abay ko ay ayos na rin iyon.” “Ay, hindi, ayos, balae,” madiplomasyang kontra ni Raquel. “May malaking kasalan pang magaganap sa malao’t madali.” “Malaking handaan na ring maituturing iyong kainan ngayong araw na ito. Praktikal naman kaming tao,” sabi ng tatay niya. “Hindi po. May kasal po uling magaganap. Kahit po isang buwan mula ngayon ang ibigay ninyo sa aming palugit para makapaghanda po kami,” giit ni d**k. “Isang buwan? Masyadong mabilis iyon na preparasyon,” komento ni Raquel. “Mama, we can hire coordinators. Sila na ang bahalang mag-rush ng preparation.” Tiningnan ni d**k ang ina. “Ah, sabagay nga.” At ngitinian nito ang mga magulang niya. “Paano balae, maglista na tayo ng mga kukunin nating ninong at ninang nitong mga bata. At saka kung saan natin mapagkasunduan na ganapin ang kasal nila.” “Puwede naman sigurong kumain na muna. Tiyak na gutom itong sina Honey at d**k sa biyahe. At kayo man din ay kanina pa tumatangging kumain dahil nga wala pa sila. Tayo na sa hapag at matikman ninyo naman ang kalangkang na bibe,” alok naman ng nanay niya. “Na-miss ko talaga iyon, ‘Nay,” sabi niya. “At kami naman ay ngayon lang din makakatikim ng putaheng iyan,” wika ni Raquel. Magkakasalo silang dalawang pamilya sa mahabang mesa. Pinakilala niya kay d**k ang ibang mga kapatid niya na matunog na matunog namang Kuya ang itinawag agad dito. “Kuya ako talaga ng lahat,” nasisiyahang sabi ni d**k sa mga babaeng nandoon.  Bakit nga ba hindi, bukod sa apat na babaeng kapatid nito ay tatlo din ang kapatid niyang babae. At isang tingin pa lang niya sa mismong mga kapatid niya ay alam niyang botong-boto ang mga ito kay d**k. “Sa dami ng babae sa pamilya, sana naman ay apong lalaki ang ibigay ninyo agad sa amin,” sabi ng tatay niya. Exaggerated na umubo si d**k. “Hayaan ninyo po, pagsisikapan po namin iyan. Di ba, hon?” Pabirong siniko pa siya nito. Ngumiti lang siya dito. “Kami man din, kung loloobin ay apong lalaki ang gusto namin. Nag-iisang lalaki lang itong si d**k. Anak, pag-igihin mo,” tukso pa ni Rick sa asawa niya. Napuno ng masayang tawanan nila ang pagsasalu-salong iyon.     “EVENTS by G,” basa ni d**k sa business card na inaabot niya dito. Nairaos na nila ang maituturing na masayang pamamanhikan. Parang may instant rapport ang mga kapatid nila at ganoon din naman ang mga magbalae. Nagbanggit ng ilang pangalan ang mga magulang niya na sasabihang ninong at ninang. At sila na daw ang bahala sa iba pang detalye. Masayang-masaya si Honey dahil mahalaga pa rin sa kanya ang basbas ng magulang niya sa ganoong bagay. Inako na rin ni d**k ang pagha-handle sa wedding preparation nila. But of course, alam nilang pagdating sa gastos ay naka-back up pa rin ang mga magulang nito. Excited din naman si d**k para sa kasal nila. Habang nasa biyahe sila pauwi ay wala silang naging ibang topic kung hindi iyon. Pero pinili niyang makauwi muna sila bago niya ibinigay dito ang business card na iyon. “I don’t mean to offend you, d**k. Pero naisip kong siguro ay kailangan mo ding malaman. Naisip ko na din kasi na one of these days ay kailangan ko ring makipag-usap sa kanya.” “Gusto mong siya ang kuning coordinator sa kasal natin? What does G stand for?” “d**k,” she said slowly. “That’s Guillen Montero. Siya iyong kausap namin ni Travis dati para sana sa kasal namin. Actually, sinukatan na rin kami ni Travis ng couturier niyang si Nicka para sa damit namin. Kasi nga, ang nasa isip ni Travis iyong agad din kaming makasal bago lumaki nang husto ang tiyan ko. Inuna na niyang makipag-usap kami sa coordinator bago pa man ang pamanhikan.” Pormal ang ekspresyon na tiningnan siya nito. “I see.” Naiilang siya sa katahimikang nagdaan sa pagitan nila. Hindi niya alam kung ano ang damdamin ni d**k tungkol doon. Pero alam niya, talagang kailangan niya talagang makipag-usap sa coordinator na iyon para tapusin ang anumang nasimulan nilang pag-uusap noon. “I really have to see her one of these days,” aniyang isinatinig na rin ang nasa isip. “Maayos ba siyang kausap? Palagay ba ang loob mo sa kanya?” “She’s friendly. Down to earth. Hindi mo nga mahahalata na anak pala siya ng senador. Low-profile lang siya.” Ngumiti ito. “Mukhang close na kayo.” “Hindi naman masyado. Pero kasi nga mabait siyang kausap.” “All right. Kelan tayo pupunta sa kanya?” “d**k, kung ayaw mo sa kanya, maiintindihan ko naman. Gusto ko lang ding kausapin siya para i-settle din yung usapan namin dati.” “Hon, iyong nangyari kay Travis, uulitin ko, hindi natin gusto iyon mangyari. Ngayon na tayo na ang magpapakasal, I’m sure any professional won’t argue with that. Business is business. Pero kung gusto mo ding ibang coordinator ang kunin natin, it’s up to you. Gusto kong maging kumportable ka sa coordinator. Para masabi mo ang lahat ng gusto mo nang hindi ka nag-aalangan. After all, we are the boss here.” “Mas gusto ko na iyong ikaw ang kumportable sa coordinator, d**k. Kung ganito kaya? I-settle ko muna iyong dapat ay contract namin ni Travis sa kanya? And then, if things go smoothly, then we’ll hire her for our wedding.” Tumango ito sa kanya. “That’s a better idea. So, bukas na natin gagawin iyan?” “Oo naman. Gabi na, eh,” biro niya dito. “Yeah, right. At dahil gabi na, alam mo na ba ang mangyayari?” Kinabig siya nito sa bewang. “Ah, ano nga ba?” kunwa ay wala siyang ideya pero may kapilyahan ang ngiting gumuhit sa mga labi niya. “Honeymoon. What else?” Pinangko na siya nito at dinala sa kuwarto nila.     “THAT IS one for the books!” Hindi pa rin makapaniwalang sabi sa kanya ni G nang ipaliwanag niya dito ang trahedyang nangyari kay Travis na naging sanhi ng kamatayan nito. Todo ang pakikiramay nito sa kanya at damang-dama rin niya ang sinseridad nito. And G had the shock of her life nang malaman nitong ilang araw lang pagkalibing ni Travis ay nagpakasal siya sa pinsan nito. Mula sa malungkot na ekspresyon nito kanina ay napalitan iyon ng pagkagulat sa bilis ng pangyayari sa buhay niya. “You are one lucky lady. Wala akong masabi, Honey,” amazed na amazed pa ring sabi nito. “I mean, I know, hindi birong bigla na lang mawalan ng fiancé at buntis ka pa. But having another man who’s willing to marry you, ay, grabe! As in, grabe lang! Wala na akong maisip na sabihin pa.” “Lucky, sabi mo nga,” apaw din sa kaligayahang sabi niya. “Gusto ko ding isiping blessed ako.” “Amen! Amen na ako talaga diyan!” Luminga si G sa labas ng private office nito. Buhat doon ay tanaw ang receiving area ng wedding shop nito. d**k was there. Doon nito piniling maghintay habang personal muna siyang nakikipag-usap sa wedding coordinator. Napag-usapan na rin naman nila ni d**k na siya lang muna ang makikipag-usap kay G. Ito rin ang nagsuhestyon sa kanya na kailangan niya ng privacy para buksan ang ganung topic. Girl talk daw iyon, sabi pa nito. At naisip niyang tama din si d**k. Naikuwento niya ang lahat kay G na hindi siya nag-aalala sa kung ano ba ang iisipin ni d**k habang sinasabi niya ang tungkol kay Travis. Siyempre ay iniisip din naman niya ang magiging pakiramdam ni d**k tungkol doon. Alam niyang mabilis masyado ang mga pangyayari sa kanila ni d**k. Hindi rin madaling papaniwalain ang ibang tao na puwede silang ma-in love ni d**k nang ganoon na lang kabilis. At alam din naman niyang masakit din para dito ang pag-usapan ang tungkol kay Travis. “Is he the nice and gorgeous mister?” pukaw ni G sa kanya. “Yes. He’s Dick.” “Oh, dear!” Parang nangangarap na pinagdaop pa ni G ang mga palad at dinala sa dibdib nito. “Wala na ba siyang kapatid? Kailangan ng mundo ang mga lalaking gaya niya.” “Meron siyang apat pang mga kapatid. Puro babae nga lang. Siya lang ang lalaki.” “Aw, saklap! Ipa-clone natin pag puwede. Imagine kung kahit kalahati sa mga lalaki ay kagaya niya? Madami sa ating mga babae ang magkaka-forever.” Ngumiti lang siya. Ngayon niya nararamdaman kung gaano siya talaga ka-suwerte kay d**k. Hindi niya maikakaila ang pagmamalaking umaapaw ngayon sa puso niya. “Tatawagin ko na siya para makilala mo rin at mapag-usapan na iyong tungkol naman sa kasal namin.” “Oh, sure. I can’t wait to meet him,” interesadong sabi ni G. Sa sumunod na oras ay wala silang ibang pinag-usapan kundi ang tungkol sa detalye ng kanilang kasal. G Montero assured them of a successful and smooth event despite the time constraint. Si d**k ay nagsa-suggest lang pero sa kanya pa rin nito binibigay ang final say sa bawat detalye. They were scheduled to come back for dress measurement. Bago sila umalis doon ay panibagong kontrata ang pinirmahan niya. Maluwag sa loob na pinirmahan niya ang papeles. Tama nga si G. Her story was one for the book. Sino ang mag-aakala na sa loob lang ng maikling panahon ay dalawang kontrata ang pipirmahan niya para kunin ang serbisyo nito? Pero malaki din naman kasi ang tiwala niya kay G. Pakiramdam niya ay isang kaibigan ang inani niya sa katauhan nito sa ilang meeting na nakaharap niya ito. “We’ll buy something,” sabi sa kanya ni d**k nang makaalis sila sa wedding shop ni G. “Okay,” sagot naman niya at piniling huwag na lang magtanong. Sa Greenhills sila nagpunta at dinala siya nito sa isang jewelry store doon. “Wala pa tayong wedding ring. Gusto kong ikaw ang mamili ng design ng wedding ring natin.” “May jeweler naman si G na ka-tie up sa shop niya, bakit dito pa tayo nagpunta?” “Simple lang naman. Para pagkabayad natin, maisuot na rin. Ilang araw na tayong kasal, wala pa rin tayong singsing.” Bumaling ito sa staff na bumati sa kanila “We’re looking for wedding rings.” “This way, sir, ma’am.” Nalulula siya sa mga pares ng singsing na ipinakita nito sa kanya. Kung hindi puno iyon ng maliliit na diamonds, may mga design naman na isa nga lang ang bato pero nalalakihan naman siya. “Wala ba kayo noong mga simple lang?” tanong niya sa staff. “Wala ka bang nagustuhan diyan? Ito, parang maganda,” turo ni d**k sa isang pares na may tatlong maliliit na bato sa gitna. “Mas gusto ko sana iyong simple lang talaga, eh,” dahilan niya. “Miss, patingin ng stock ninyo na swak sa gusto niya.” Isang tray ng mga plain yellow gold and white gold ang inilabas ng staff. May ipinakita din itong singsing na gawa naman sa platinum. “Magkano ito?” Itinuro niya ang pinakasimple sa lahat. Inakbayan siya ni d**k. “Come on, hon. Huwag mong isipin ang presyo.” “Naku, hindi puwedeng hindi. Ayoko ng masyadong mahal.” “Price conscious ka kasi. Piliin mo iyong talagang gusto mo, hindi dahil iniisip kong iyon ang pinakamura.” “Gusto ko din naman talaga ito. Simple lang.” “Okay, kung iyan nag talagang gusto mo. Miss, may size ba kami niyan?” Kinuha nito ang sukat nila. Naghihintay silang i-engrave ang pangalan nila sa mga singsing nang magpaalam siya kay d**k na magsi-CR muna. Pagbalik niya at tapos na ang mga singsing. Isinuot nito sa kanya ang isa. “Masyadong madalian iyong kasal natin kaya hindi na ito nasama sa seremonya. But for sure, we’ll have this blessed on our big wedding.” Hinaplos pa nito ang singsing niya nang nakasuot na iyon sa daliri niya at saka siya hinalikan. The kiss was sweet. Sandali niyang nakalimutan kung nasaan sila. Nang maging conscious siya sa paligid ay nakita niyang nagpipigil ng kilig ang mga staff ng jewelry store habang nakatingin sa kanila. Kahit hindi hinihiling ni d**k, ibinalik niya sa asawa ang pabor na isuot din sa daliri nito ang kapares na wedding ring.  And she was thanked by another kiss. “Let’s have dinner somewhere,” aya nito sa kanya nang lumabas na sila ng shop. “At saan naman kaya iyang somewhere na iyan?” “Diyan lang sa tabi-tabi.” Kumindat ito sa kanya. “Ayoko sa mamahaling kainan,” kontra niya agad. “Kuripot pala ang misis ko,” naaliw na sabi nito at inakbayan siya. “Hindi naman. Praktikal lang ako. Saka hindi naman natin kailangang kumain lagi sa mga sosyal na restaurant. Wala namang okasyon.” “Meron.” “Huh? At ano naman, aber?” “We just had our wedding rings today.” Pinagtapat nito ang mga kamay nilang nasusuutan ng singsing. “Iyan ang ise-celebrate natin ngayon.” “Puwede naman tayong mag-celebrate na hindi maluho.” “Oo na, misis na kuripot. Ay, praktikal pala,” tukso nito sa kanya. Naghapunan sila ng bibingka at puto-bumbong. Natatawa sa kanya si d**k habang kumakain sila. Ayaw nitong bilhin ang katwiran niyang bigla siyang nag-crave. Iginigiit pa rin nitong kuripot kasi siya kaya itinuro niyang masarap na dinner iyon. Pagbalik nila sa sasakyan ay binaling siya nito paharap dito. “Para sa kuripot kong misis,” nakangiting sabi nito. Hindi niya nakuhang magsalita agad nang  mula sa isang parihabang kahon ay ilabas nito ang isang kuwintas na may pendant na mother and child. May mga nakabaon na maliliit na diamonds doon.  Nakatingin lang siya dito nang isuot nito iyon sa leeg niya. Hinaplos niya ang pendant. “Para saan pa ito?” “What a silly question. Para sa iyo iyan.” “Wala namang okasyon.” “Honey, asawa kita. Hindi ko kailangang maghintay ng okasyon kung gusto kitang bigyan.” “Pero---” “Wala nang pero, okay? Hayaan mo lang akong gawin ito. Masaya akong gawin ito para sa iyo.” “Thank you, Dick.” “Welcome, hon. Kaligayahan kong mapasaya ang misis ko.”   Misis. It sounded like a sweet music to her ears.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD