Chapter 11 "Talaga bang sumali ka sa Banda?" Tanong sakin ni Jean, isa mga kaklase ko. Ngumiti lang ako at napakamot sa aking kilay. "Yeah." Yun nalang ang aking sagot. Dahil nahihiya ako. Napapalibutan kasi nila ako, at tinatanong kung kasali ba ako at si Jeydon sa banda. Na-public na kasi, at official na ang aming Club. Nasabihan nila ako na, kapag hindi successful ang Club this year ay isasara na nila. But unfortunately, dahil dumami kami ay okay na. "I'm sure ang ganda na ng performance niyo!" Tumili ang isang babae, na nagngangalang Daisy. Ilang araw na ang nakalipas at madami kaming preparasyon dahil malapit na ang foundation day dito sa School. "Hep, hep." Angil ni Rolly at hinawi ang mga babae. Humalakhak si Jeydon sa aking tabi na ngayon lang umimik. At ako talaga ang kaniya

