Chapter 25 Nagising ako dahil may mainit na bagay ang nakapatong sa aking ulo. "Mom!" Umupo ako bigla at mabilis na hinawakan ang aking ulo dahil kumikirot ito. Nahulog ang isang bimpo na nasa aking noo. "Ugh. What happened?" Pumikit ako at inalala ang nangyari. "Inatake ka nang asthma mo." Umiling si Mom at hinawakan ang ulo ko. "Alam mo namang malala ang asthma mo diba?" Tumango ako pero nakapikit parin. Ang sakit talaga nang ulo ko. "Pahinga ka muna darling." Umiling ako at pilit na tumayo. "I need to go to school Mom." Naiiyak na naman ako nang maalala ko si Jeydon. "No. Stay here. May lagnat ka. Buti may nakakita sayo at sumunod din Kuya mo sainyo dahil lumakas na ang ulan." Aniya at umupo sa higaan ko. Hinaplos nito ang aking buhok. "What happened?" Nakita ko ang mata ni Mom

