WALANG pasyente si Tito Basil nang dumating sila sa ospital. Tinanong si Jesilyn ng kanyang ama sa huling pagkakataon kung gusto niyang samahan siya nito pero tumanggi siya. “Bumalik ka na sa trabaho, Papa. I’m sure, masyado ko nang naistorbo ang schedule mo ngayong araw,” nakangiting taboy niya. Niyakap siya nito bago naglakad palayo. Huminga siya nang malalim bago pumasok sa silid na kinaroroonan ni Tito Basil. “Jesi, hija! Sa wakas, nagpakita ka rin sa akin. May nalampasan ka nang schedule ng checkup mo. Come, sit down,” nakangiting bati ng matandang doktor. Nakaramdam ng guilt si Jesilyn dahil hindi magandang balita ang hatid niya. Pero tumalima siya at umupo. “Tito, actually hindi checkup ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito,” lakas-loob na sabi niya. Bahagyang umangat ang

