CHAPTER 24

1688 Words

Natatandaan pa ni Ryan na para siyang hangal na katok nang katok sa pinto ng hotel room ng dalaga nang magising siya at makapagbihis. Ang gaan pa ng pakiramdam niya noon at may ngiti sa mga labi dahil sariwa pa sa kanya ang nangyari nang nagdaang gabi. Napalis ang ngiti niya nang dumating ang isa sa staff ng hotel para maglinis sa hotel room ni Jesilyn. Noon niya nalaman na nag-check out na raw ang dalaga nang umagang iyon. Subalit hindi iyon ang pinakamatinding nalaman ni Ryan. Mas matinding sipa sa sikmura niya nang bumaba siya sa reception area at sabihin ng tao roon na umalis si Jesilyn na may kasamang lalaki. Dumating daw ang lalaking iyon nang umaga at sinundo ang dalaga. Base naman daw sa pag-uusap ng dalawa at pag-akbay ng lalaki kay Jesilyn ay mukhang magkakilala raw ang mga ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD