CHAPTER 14

1597 Words

MAGANDA ang ambiance ng bar na napuntahan nila. Hindi iyon kasing-ingay at kasinggulo tulad ng inakala ni Jesilyn. Blue and white ang disenyo at maganda ang beat ng mga awiting pumapailanlang kahit pa ang iba roon ay sa lengguwaheng hindi niya naiintindihan. May strobe lights pero hindi masakit sa mata at nagkakakitaan pa naman ang mga tao sa loob.  Pumuwesto sila sa dulong bahagi ng mahabang counter. “Bago ang lahat, gusto ko munang malaman kung anong alcoholic beverages ang nainom mo na,” sabi ni Ryan. “Ang totoo, ilang beses pa lang akong nakainom ng alcohol sa buong buhay ko. Madalas ay cocktail, wine, at minsan ay nakatikim ako ng flavored lambanog dahil sa kaibigan kong si Sheila pero dalawang baso lang yata iyon,” nakangiting sagot ni Jesilyn. Bahagyang tumango ang binata at k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD