CHAPTER 46

1266 Words

TUMANGGI si Jesilyn na magpahatid kay Apolinario hanggang sa bahay nila sa kabila ng pamimilit ng lalaki. Sigurado kasi siyang nasa bahay na ang kanyang mga magulang at ayaw niyang magkaroon ng nakakailang na sandali kapag nakita ng mga ito na inihatid siya ng dating nobyo. Sa halip ay pinahinto na lamang niya ang kotse ni Apolinario sa gate ng kanilang subdivision at naglakad na lamang. Malayo sa entrada ng subdivision ang bahay nila pero okay lang. Kailangan niyang maglakad para makapag-isip nang maayos. Hindi kasi mawala sa isip niya ang huling sinabi ni Apolinario bago sila lumabas ng kanyang opisina. Anong solusyon ang sinasabi ng lalaki? Kahit anong tanong niya ay hindi nito ipinaliwanag hanggang magkahiwalay na sila. May balak ba si Apolinario na kausapin si Ryan? Sumikdo ang p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD