GEORGE MGA ILANG weeks na rin ang nakalipas at hindi pa ako muling nakatanggap ng update mula kay Kulas. Hindi ko man minsan namamalayan ang oras dahil sa pagiging abala ko sa trabaho but I was making sure that I am updating him as much as I can. I mean, through text and direct messages. At so far ay hindi niya pa nare-read ang mga mensahe ko para rito. Hindi ko naman maiwasang mag-alala. Kaya kapag nakakaramdam ako nang ganito ay laging si Athena ang kinukulit ko. Tapos sasabihin niya lang sa akin na masasanay lang daw ako katagalan. Ganoon na raw kasi ang nature ng trabaho ng kuya nito. And she will console me by saying that, na kung magkakaroon ng signal ang lalaki ay hindi naman daw ito nakakalimot na mag-update sa kanila. At dahil sa mga sinasabi ni Athena, medyo kumakalma ako. Di

