Tahimik lang silang nakasakay sa kotse habang papauwe. Sinadya talaga niyang hindi pa rin kausapin si Dylan para maramdaman nito ang pagkainis niya rito. At ginalang naman nito ang gusto niya. At pasimple pa itong tumitingin at napapangiti sa tuwing makikita ang mukha niyang nakasimangot at alam naman nito ang dahilan ng pagkainis niya at kung saan ito nagsimula. Tapos ay iirapan na lang niya ito para tumigil sa ginagawa nitong pagtingin sa kanya, lalo na at baka mahalata pa sila ni Manong Jerry Mhirap na… Pagdating nila ng condo ay dumeretso agad siya ng kuwarto at walang lingon lingon ay isinarado niya ang pinto. Nagpalit siya ng pambahay na damit at kahit hindi sila nag-uusap ni Dylan ay magluluto pa rin siya ng hapunan nila. Hindi naman siya g

