Lumipas ang mga araw at lingo na hindi namamalayan ni Andrea. Nagpatuloy ang kanyang buhay para sa anak nila si Dylan. Walang oras na hindi niya naiisip ang kalagayan nito pagkatapos ng operasyon nito. Naka-alis na kaya ito papuntang America? Dahil hindi siya mapakali ay tinawagan niya ang numero ng masyon nila sir Agusto sa Nueva Ecija. Gusto sana niyang makibalita sa kalagayan ni Dylan, kaya nilakasan niya ang kanyang loob at mabilis na ng dial siya sa telepono upang makatawag. “Hello…” Bungad sa kanya ng nasa kabilang linya. “Ate Lanie, ikaw ba yan?” tanong ni Andrea sa kausap. “Oo, sino to?” Hindi agad siya nakilala nito. “Si Andrea to..” “Susmaryosep kang bata ka, bakit ngayon ka lang tumawag?”

