Kinakabahan at may takot man sa dibdib ay kinuha ni Andrea ang address ng ospital na pinaglipatan kay Dylan para puntahan niya ito maging kay Manong Jerry ay nag-aalala siya sa maaaring nangyari dito. Lutang at wala sa sarili na tinungo ni Andrea ang information desk ng ospital at tinanong niya kung saan room naka admit si Dylan at agad niya itong tinungo. Nang matagpuan niya ang room number na sinabi ng attendant sa kanya ay bahagya siyang huminto at tiningnan niya ang nanginginig niyang kamay na nakahawak sa door nob ng pinto. At parang nawala ang lakas nito at ni hindi agad mapihid upang mabuksan ang pinto. Natatakot siya sa maaaring makikitang kalagayan ni Dylan sa loob at kung ano ang sasabihin ng mga magulang nito. Halos i

