Chapter 04

1227 Words
I am sitting at the library alone when my phone beeps, my father is calling. Napangiti ako at dali daling lumabas para sagutin ang facetime, my smile faded when I saw how frustrated he is. "Tinakbo ang Mama mo sa hospital, Rainne." "Bakit? Hindi ba siya tinitignan nung asawa niya, Pa, ‘yung mga anak niya?" Kunot noong tanong ko. The truth is I am so worried about Mama. Isn't she well? Pero mas nangingibabaw ‘yung pagkamuhi ko sakanya. Sabi ni Papa sa tawag nalaman niya raw sa kapatid ni Mama, they contacted Papa. Mabilis kong binalikan ang mga gamit ko sa library, I gathered all my things and went to the bus stop. Pinuntahan ko ang hospital kung saan tinakbo si Mama. "Miss, room number ni Liezel Afable?" tanong ko. "Room 413, ma'am." I went to the room 413 and saw her lying down on her bed. Wala man lang siyang kasama kaya mas lalo akong nainis. "Anak!" she happily beamed when she saw me. Bumuntong hininga ako. "Wala kang kasama?" tanong ko. "It's school hours, Rainne. ‘Tsaka I am already fine, over fatigued lang." "Ma, naririnig mo ba sarili mo? Over fatigued! Pagod ka, Ma. Pagod na pagod. Ano bang ginagawa mo? Are you working?" iritado kong sabi. "Anak, I need to work for my kids--" "Yes for you kids. Hindi ako included don, Ma. Bakit ‘yung asawa mo? Isn't he giving you money?" "Nagbibigay pero alam mo naman college na rin si Heaven." sabi niya. I laughed sarcastically. "She isn't your responsibility. Anak siya ng asawa mo. Your husband isn't giving me money to spend... it's not that tatanggapin ko ‘yung ibibigay niya, Ma. Pero ikaw ang bumubuhay sa maarteng ‘yon?" "She's my step daughter, Alexie, umayos ka." seryosong sabi niya. Suminghal ako. That's why ayokong magpakita kapag pinagsasabihan ko tungkol sa anak-anakan niyang si Heaven na hindi naman nag-aaral ng mabuti at puros paarte lang ang alam, pinagtatanggol niya pa. "Intindihin mo, Lexie. They need to study that's why I am working hard." "If you didn't abandoned us, you are living a fairytale life, Ma. Lolo isn't going to punish you, you're still at your position as a CEO if you didn't cheat to Papa." Mama is filthy rich but the time that she leave us, her father blocked all her cards, tinanggalan niya pa ng posisyon sa kompanya nila. That's what she get for abandoning us. Hindi siya nakapagsalita at natahimik. "Balikan mo kami ni Papa. He's willing to take you back," Tiningnan niya ako ng masama. "May mga anak ako, Alexie. Anong gusto mo iwanan ko sila at sumama sainyo? Hayaan silang maghirap, ganoon ba?!" sigaw niya. Lumunok ako. May nagbabadyang luha sa mata ko, tumingin ako sa taas para mapigilan ang paghulog nito. "At mas pipiliin mo ang mga hindi mo naman kaano-ano?" iritado kong sabi. "Yes. You go back to your father. Just leave." mariin niyang sabi. Umalis ako kagaya ng gusto niya. Responsibilidad niya rin ako, I am her daughter after all. Nakakaselos at nakakagalit. I texted Papa right away, sinabi ko ang kalagayan ni Mama. Papa’s too worried, gusto niyang umuwing Pilipinas dahil sa binalita ko. I stopped him from coming home dahil ayokong umasa siya kay Mama, ayokong itaboy siya ni Mama. The next day I went to school late, para akong nabuhayan ng malaman na free time namin ‘yon para gumawa ng thesis namin. Here comes again the sleepless night. Nasimulan na namin ‘yung saamin last week, mahirap, sobrang hirap! Parang ayoko nalang mabuhay. Noong dumating ako sa unit nadatnan ko si Lay sa labas at mukhang hinihintay ako. Sinalubong niya ako, may hawak siyang dalawang styro, ‘bat ‘to nandito? Kahapon nga para siyang galit na galit, e. "I know your code but I chose not to enter. Hinintay kita," salubong niya. "Dapat na ba akong magpa-lechon?" irap ko. "Sungit." sabi niya at tumawa. He opened the door for me, nauna akong pumasok sumunod naman siya. "Nga pala nakita mo bayad ko kahapon?" Sabi niya at dumiretso sa kusina para ilapag ang kung ano mang binili niya. "Oo. Salamat." Inipit niya ‘yung bayad kahapon sa libro ko bago umalis na may galit. Ang arte nga, ayaw pa kumain dito. "I bought us a food, kain na tayo." "Mauna ka na, mag-aaral pa ako." sabi ko dahil naalala ko na naman ang pagtanggi niya sa’kin kagabi. "Sayang. Shawarma rice pa naman ‘to." pagpaparinig niya. Kahit ano pa ‘yan kung tinanggihan mo ako kahapon, bahala ka diyan! Nagpalit ako ng crop top shirt at high waist na shorts. Lumabas ako nang makita si Lay na nag-aayos ng gamit niya sa center table. May mga lapis, ballpen, ruler at cartolina sa harapan niya. "Plates?" Tanong ko at naupo sa gilid niya. "Uhmm." tango niya. "Aral muna tayo, kain tayo mamaya." sabi niya at bahagya akong nilingon. Tumango ako at kinuha ang libro ko sa loob ng bag. I highlights the important parts, tahimik din si Lay sa gilid na gumagawa ng plates niya. "Lay, kain na tayo." anyaya ko pagkalipas ng dalawang oras. "Tara," sabi niya at tumayo. Sumunod ako sakanya at naupo sa tapat niya. "Saan mo binili ‘to?" tanong ko ng makita ang nakakagutom na shawarma. "Fork spoon manila. Masarap?" Tanong niya kaya tumango ako. "Hmm," tango ko. "By the way, how's your day?" Tanong nito. "Alam mo tambakan na ng school works nakakainis nga, e! Tapos bukas may long quiz kami, may thesis pa kaming ginagawa." reklamo ko. Tumawa siya. "At the end of the day, your hard works are worthy." Mabilis lumipas ang mga araw at kagaya ng inaasahan, minsan wala akong tulog ‘pag pumapasok, kadalasan naman dalawa o tatlong oras lang ang tulog ko. Tinampal ni Hanna ang pisngi ko habang nagdi-discuss ang Professor sa harapan. "Ano?!" Pasigaw kong bulong. "Mukha kang inaantok, tanungin ka ni Prof bahala ka," she warned. Umismid siya at muling tinuon sa harapan ang pansin. I yawned and controlled myself not to fall asleep in this class. Panay ang take notes ko kahit na walang pumapasok sa isipan ko. When the bell rang mabilis pa kay flash kong inayos ang mga gamit ko at tumayo para umuwi na. Saturday bukas at oras ko ‘yun para makapagpahinga, ngayon pa lang sisimulan ko na. "Tambay muna tayo, 7/11!" anyaya ni Bianca. "Pass!" mabilis kong tanggi. Sumimangot siya at umakbay kay Louise. "Bakit? May date kayo ni Lay?" malisyosa niyang tanong. "I need a sleep. Sa Sunday na lang tayo magkikita-kita!" sabi ko at iniwan sila. "Hoy sandali!!" pahabol pa ni Louise pero hindi ko na sila nilingon. Wala ‘yung tatlong lalaki dahil may practice game sila. Si Josh, basketball. Si Joey, volleyball. Si Bien, may meeting sa club nila. Nang makapasok sa unit agad akong dumapa sa aking kama. I really am tired, kung may opportunity na maaari akong matulog ginagawa ko. Alas nuebe na nang maalimputangan ako, panay ang tunog ng tiyan ko habang hinihintay na maluto ang pancit canton. Habang naghihintay biglang nag-ring ang cellphone ko. It was Papa. "Hi, Pa!" I beamed. "How are you?" I put my phone at the table and let it in a speaker. "I'm good. Kayo po dyan?" 12 midnight when I continue sleeping, Sunday bukas kaya marami akong oras para matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD