Venus Sebastian “We’re here!” Bigla ay napakislot na lang ako sa pagsasalita ni Jino. Nang tumingin ako sa driver’s seat ay nakatingin sa akin ang lalaki. “Are you okay?” tanong ni Jino “O-oo naman.” “Kanina pa kasi malalim ang iniisip mo.” “Nahihiya kasi ako kay Tita… Wala man lang akong dalang something para sa kanya. Dapat ay bibili ako ng flowers para sa kanya pero hindi ko na nagawa.” Palusot ko na lang kahit lumipad lang naman ang utak ko kakaisip sa ex-husband ko. “Your presence is more than enough, Venus.” sambit naman ni Jino. Pero dapat talaga ay bibili ako ng flowers para kay Tita pero dahil sa bwisit na Ace na ‘yun ay nakalimot na rin ako. Pati na rin ang balak kong sabihin kay Jino tungkol sa pera ay iniisip ko rin. Mamaya na ako mag-o-open kay Jino ng tungkol kay

