Venus Sebastian “Ibaba mo ako, Ace” Agad kong sinabi pagkabuhat sa akin ng asawa ko. “I won’t do that, love… Ito ang ginagawa ng bagong mag-asawa na hindi ko nagawa sa’yo.” Parang sasabog talaga ang dibdib ko sa narinig. ‘Love?’ ‘Mag-asawa?’ Mga salitang hindi ko expected na nanggagaling kay Ace ngayon. Kahit kanina ko lang ito narinig sa opisina ay hindi pa rin nag-sink in ‘yon sa akin. Pati nga ang pinagsaluhan namin na halik ay parang panaginip lang na nangyari sa akin kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na parang nang nakakaraang araw lang ay hindi kami nagpapansinan. Pero ngayon ay ‘love’ na ang tawag niya sa akin. Natahimik tuloy ako dahil baka mabitawan ako ni Ace. Medyo may kadiliman na kasi ang paakyat ng hagdan. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang iangkla ang mga kam

