Venus Sebastian Bago pa man ako maihiga ni Ace ay narinig na namin ang katok ni Lola mula sa labas. Bigla ko tuloy nahawakan si Ace sa dibdib at pinilit ilayo sa akin. “F*ck!” mahinang mura ni Ace. “Wait… I’ll talk to Lola Lisa.” Puno nang pagkabitin ang itsura ni Ace na napilitang tumayo at harapin si Lola. Ako naman ay labis na natutuwa ang puso sa mga narinig sa asawa ko. Sobrang saya ko lang na sa isang iglap ay okay na kami. Parang kahapon lang ay sobrang sama pa ng loob ko dahil sa araw-araw na pag ignore sa akin ni Ace. Kung gano’n ay tinititigan namin ang isa’t isa kapag tulog na. Nakagat ko tuloy ang ibabang labi para pigilan ang ngiti ko. Gusto rin ako ng asawa ko. The feeling is mutual. Ngayon pa lang ay bigla akong na-excite sa magiging journey namin bilang mag-asawa.

