Venus Sebastian “Lola, sobrang na-miss kita!” Hindi ko maiwasang hindi yakapin nang mahigpit si Lola nang dumako ako sa kusina. “Venus, apo! Mas lalo kang gumandang bata ka!” Yumakap naman pabalik sa akin si Lola. “Grabe ang blooming mo, Venus!” Bigla naman na singit ni Ate Gladdy na naroon din sa kusina at naghuhugas ng mga kaldero. “Hindi naman, Ate Gladdy,” namumula na sabi ko. Bakas kasi sa mata nito ang panunukso. “Pati nga si Sir Ace ay ang blooming din. Parang naging magkasing-edad lang kayo, Venus. Kayo ha, sinulit niyo ang honeymoon.” Tukso naman ni Ate Trish na naroon din sa kusina. Sobrang namumula na ako sa tukso ng dalawa. Nahihiya ako at naririnig ni Lola Lisa. Matapos ng ilang mahihigpit na yakap ay humiwalay na si Lola. Muli niya akong tiningnan at kita ko rin sa m

