Venus Sebastian “T-teka, ano?anong 5 million ‘yun? B-bakit ako magkakaproblema?” Kinakabahan ako. Basta ‘pag may involve na pera ay kakabahan ka talaga. Ang laki pa! Kahit hindi ko pa alam kung tungkol saan ‘yun. Pero palagay ko ay tungkol iyon sa report na pinasa ko last week na naging basis para magkaroon ng pirmahan ng master service agreement para sa isang vendor ng company. “H-hindi ko alam, eh. Aligaga rin si Ma’am Sofia. Pagkapasok niya ay hinahanap ka nga. Binanggit niya sa akin nang palihim kanina. B-basta… sinasabihan lang kita para ‘di ka na mabigla mamaya kapag kinausap ka!” Napahawak ako sa noo ko. Another stressful morning. Ito naman si MJ, mukhang dinaldal na sa mga ka-officemate ko ang tungkol sa 5M kahit palihim na binanggit ni Ma’am Sofia sa kanya. Ganito yata tala

