Chapter 32

1844 Words

Venus Sebastian Nagmamadali akong umalis ng kwarto namin ni Ace. Kahit anong pagmamaka-awa na makinig muna siya ay ayaw niya akong pakinggan. Naunahan na siya ng matinding selos at galit. “Venus, anong nangyari?!” Puno ng emosyon na tanong ni Ate Trish nang nakasalubong ko sa pasilyo papunta ng kwarto ni Lola. May dala itong first aid kit. “Ate Trish!” Tinakbo ko na ang pagitan namin at napayakap na lang ako sa babae. “Ate… Si Lola… Nasaan si Lola.?” Patuloy na hagulgol ko. Sinubsob ko ang mukha sa balikat ni Ate Trish at agad na napuno ng luha ang damit niya. “Venus, nando’n pa sa kwarto. Baka palabas na. Anong nangyari? Kinatok ako ni Sir Giovanni… Gamutin ko daw ang sugat ni Sir Grayson. Naguguluhan ako…” “Ate Trish!” Tanging sagot ko wala na akong lakas na ulit-ulitin i-kwento an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD