Makalipas ang ilang araw mula nang muling makita si Marki, mas naging determinado si Mikaela na kalimutan ang nakaraan. Sinubukan niyang ubusin ang oras niya sa mga bagay na makakatulong sa sarili niya—pag-aaral, pagsali sa school activities, at pakikipag-bonding kay Lyka at Nathan.
Isang Sabado, sa library:
Habang nagbabasa si Mikaela ng psychology book tungkol sa self-love, biglang may dumating na pamilyar na boses.
“Grabe ka, Mika. Pati Sabado, study mode pa rin?” si Nathan iyon, may dalang iced coffee.
“Eto kasi ang nagpapakalma sa’kin,” sagot ni Mikaela habang bahagyang ngumiti.
“Kung gusto mo talaga ng relaxation, dapat nagpunta ka na lang sa park o kaya nag-movie marathon ka,” biro ni Nathan. Umupo ito sa tapat niya. “Pero since andito kana, sasamahan na lang kita.”
“Hindi mo kailangang gawin ‘to, Nathan,” sabi ni Mikaela, bahagyang nagulat.
“Gusto ko, Mika. Alam mo, hindi naman laging kailangan ng dahilan para ipakita sa isang tao na nandiyan ka para sa kanya,” seryosong sagot ni Nathan.
Hindi alam ni Mikaela kung bakit, pero may kakaibang init na gumaan sa kanyang puso. Hindi siya sanay sa ganitong klase ng sitwasyon, lalo na’t walang hinihinging kapalit.
Sa Sumusunod na Linggo:
Sa tuwing may oras, sinisigurado ni Nathan na kasama si Mikaela. Nagkayayaan silang mag-hiking kasama ang iba nilang kaibigan. Habang nasa taas ng bundok, doon muling naramdaman ni Mikaela ang kalayaan at ang bagong simula at ang sariwang hangin na unti-unti s'yang niyayakap nito.
“Ang ganda ng view,” bulong ni Mikaela habang nakatingin sa malawak na tanawin.
“Gaya mo,” biglang sabi ni Nathan, dahilan para tumawa si Lyka sa likod nila. “Uy, seryoso ako, Lyka!” dagdag ni Nathan na tila nahihiya.
“Mika, ang dami mo nang pinagdaanan. Pero gusto kong ipaalala sa’yo na sobrang lakas mo. Kaya kung ano man ang iniisip mong hindi mo kaya, nandito kami ni Lyka para ipaalala na kaya mo,” sabi ni Nathan habang nakatingin nang diretso sa kanya.
Hindi mapigilan ni Mikaela ang pag-ngiti. Sa kabila ng lahat, ramdam niya ang unti-unting paghilom. Bagamat hindi pa siya handang magmahal muli, alam niyang may mga taong naniniwala sa kanya na kaya n'yang makawala sa masalimuot na sitwasyon na iyon at isa na roon si Nathan.
Sa Gabing Iyon:
Habang nasa kama, hindi maiwasan ni Mikaela na balikan ang mga alaala nila ni Marki. Pero ngayon, hindi na siya umiiyak. Napalitan na ng pag-intindi ang dati’y puro sakit.
“Marki, salamat,” bulong niya sa sarili habang nakatingin sa kisame. “Salamat sa lahat ng sakit na binigay mo, kasi dahil doon natutunan kong mahalin ang sarili ko.”