Chapter Five: Ang Panibagong Hakbang

234 Words
Simula nang harapin ni Mikaela si Marki, unti-unti niyang ibinalik ang buhay niya sa normal. Pero kahit pilit niyang ngumiti, may mga gabi pa rin na umiiyak siya. Randam n'ya pa rin ang sakit, pero alam niyang kailangan niyang magpatuloy. “Good morning, class!” bati ng kanilang teacher. “By the way, magkakaroon tayo ng Leadership Training Program. Gusto kong makita kayong lahat na sumali.” Napaisip si Mikaela. Hindi siya sanay sumali sa ganitong mga activity, pero naisip niyang baka ito ang paraan para maiba ang routine niya. Habang nasa training, nakilala ni Mikaela si Nathan, ang team leader nila. Mabait at supportive si Nathan, pero hindi siya kasing charming ni Marki. Gayunpaman, nagulat si Mikaela sa sarili dahil sa tuwing kausap niya si Nathan, tila nagiging mas madali ang mga bagay-bagay. “Mikaela, ang galing mo kanina!” sabi ni Nathan matapos nilang manalo sa isang team activity. “I can see you becoming a great leader someday.” Ngumiti si Mikaela. “Thank you, Nathan. Hindi ko alam kung kaya ko kung wala ka.” “Nandito lang ako,” sagot ni Nathan na may kasamang simpleng ngiti. Sa pagsali ni Mikaela sa mga activity, dahan-dahan niyang natutunan na kaya pala niyang magtiwala ulit. Bagamat hindi niya sinasadyang hanapin ang pagmamahal, tila may unti-unting nagbabago sa kanyang puso, na magpapalambot at muling ibalik ang love, love na matamis o mapait.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD