Chapter Three: Ang Lihim na Nagdulot ng Sakit

290 Words
Lumipas ang ilang buwan, at para kay Mikaela, tila perpekto ang lahat. Si Marki ang naging mundo niya—ang taong nagbibigay ng ngiti sa kanyang mga labi at saya sa kanyang puso. Ngunit sa likod ng mga matatamis na salita at ngiti ni Marki, may isang bagay na hindi alam ni Mikaela. Isang hapon, habang naglalakad si Mikaela papunta sa canteen, napansin niya si Marki na may kasamang ibang babae. Magkahawak pa ang kanilang mga kamay. Pamilyar ang babae; si Alyssa, ang campus crush na palaging nasa spotlight. “Marki?” tanong ni Mikaela nang magtama ang kanilang mga mata. Nagulat si Marki at agad na binitiwan ang kamay ni Alyssa. “M-Mika! Hindi ito… hindi ito tulad ng iniisip mo,” paliwanag niya, halatang kinakabahan. Pero bago pa makapagsalita si Mikaela, nagsalita si Alyssa. “Ah, so ikaw pala si Mikaela? Don’t worry, girl, Marki and I have been together since last year pa. Alam mo na, on and off lang.” Para bang gumuho ang mundo ni Mikaela. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Tumulo ang luha niya, pero pinilit niyang maging matatag. “Is this true, Marki?” tanong niya, pilit na hinahanap ang katotohanan sa mga mata ni Marki. Hindi makasagot si Marki. Sa halip, yumuko siya at umiwas ng tingin. Sa puntong iyon, alam na ni Mikaela ang sagot. Tumalikod siya, tumatakbong palayo. Tumigil siya sa isang tahimik na lugar, nag-iisa, at humagulhol. Sa kabila ng sakit, patuloy siyang nagtatanong sa sarili, "Bakit ako? Bakit kailangan kong maranasan ito? ano ba ang ginawa kong masama? ba't ko ito nararanasan" ang mga tanong na walang ibang makakasagot kundi s'ya ngunit ang mga tanong ay punong- puno ng sakit, sakit na tila ba'y hindi na mawawala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD