Hapon na at kalalabas ko pa lang ng library para humiram ng libro. May exam kasi kami bukas at kailangan kong mag-review. I checked my watch. Alas-singko na ng hapon. Nauna nang umalis si Chase kanina pa. Schedule niya kasi ngayon na pumunta ng gym para sa thrice-a-week niyang sessions. Pupunta rin ako ng bahay nila mamaya para tulungan siyang mag-aral. Uugod-ugod na ako sa hallway sa dami ng dala kong mga libro. Maya-maya pa ay bigla na lang na may tumawag sa 'kin. "Want a hand?" tanong bigla ng isang boses sa likod ko. I turned around and saw Kiel. Naalala ko bigla ang sinabi sa 'kin dati ni Chase kaya naman agad akong tumalikod sa kanya. "No, thanks. I'm good," sabi ko sabay lakad ulit. "Hirap na hirap ka na ngang maglakad. Akin na 'yang ibang libro mo. Kahit hanggang gate lang," s

