"Naka-drugs ka ba?" 'Yun ang bungad na tanong sa 'kin ni Zeno pagsapit ng Lunes pagkapasok ko ng office. "Ha?" wala sa sarili kong sabi. He stared at me. "Ba't ganyan ka? You look dazed. What happened to you?" nagtataka niyang tanong. "Wala. I'm fine," sabi ko sabay upo sa likuran ng desk ko. Sinandal ko ang ulo ko sa ibabaw ng desk at tumitig ako sa kawalan. "May kinalaman ba rito si Chase?" tanong bigla ni Zeno. Agad na namula ang pisngi ko. "No." He smirked. "I see." Maya-maya pa ay bigla na lang siyang kumanta. "There's a stranger in my bed. There's a pounding in my head. . ." pakanta-kanta niyang sabi sabay upo sa harap ng desk ko. "Shut up," sabi ko. "Why? Bawal na bang kumanta ng Last Friday Night?" tanong niya. "Walang nangyari sa 'min," sagot ko agad. Zeno suddenly he

