Tetsu's POV "May pinalitan lang akong wire na nasunog. 'Yun lang naman ang problema. Luma na kasi ang wire sa fuse niyo," sabi ni Mang Berting, kapitbahay namin na electrician. "Salamat po, Mang Berting," sabi ko naman. "Okay ka lang?" tanong sa 'kin ni Chase. Tumango naman ako. "Magluluto pa tayo. Tara na," sabi ko sabay hatak sa kanya papasok ng bahay. "Marunong ka naman maglinis ng hipon, 'di ba? Linisan mo na 'to tsaka balatan," sabi ko. Tinitigan ako ni Chase nang ilang segundo pero himdi na siya nagsalita pa at ginawa na lang niya ang pinapagawa ko. Kumuha ako ng kutsilyo at naghiwa ng mga lulutuin. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko. It has been two years pero hindi ko pa rin maalis si papa sa isip ko. Habang-buhay na lang yata akong matatakot sa dilim. Habang-buhay na lang

