Chapter 1
Sheabia palace :
Ang ganda nang sikat nang araw , kumikinang ang mga bulaklak nang itoy maarawan napakaganda ang hardin ang pinaka paborito tambayan ni Pearl , napaaga ang kanyang gising dahil nag susumamo ang kanyang ama na pagbigyan nya ito sa kagustohan na madala sya sa kasiyahan mamayang gabi , may nag imbita kasi sa kanyang pamilya na dumalo sa iyang ball party sa isa sa pinaka makapangyarihang kaharian .
Pagsusumamo nang kanyang ama na pagbigyan nya nang pagkakataon na dumalo sa kasiyan dahil nasa tamang edad na siya para mag asawa ngunit talagang hindi gusto ang pumunta sa ganoong kasiyahan , pero sa pag kakataong ito nagiging oo ang kanyang sagot sa kanyang ama dahil naawa narin sya nito at upang bigyan din nya ang sarili nya nang pagkakataon baka nga magustohan nya .
Dahil ang tagumpay nang isang babae sa panahon na ito ay makapag asawa nang lalaking mataas ang estado sa buhay para narin sa pangalan nang pamilya at siguridad nito .
Dumating narin ang kanyang ina at mga chaperon nito , pupunta sila sa kilalang pagawaan nang mga gown na kaibigan nang kanyang ina para sa dadaluhan nila mamayang gabi "Magandang umaga ija , pasensya na at pinahintay kita nang matagal may pinag- uusapan pa kasi kami nang ama mo na importante" tugon ni Reynang Merlen kasama nito ang dalawang chaperon . "Okay lang jna di pa naman ako masyadong matagal na naghintay tsaka gusto ko rin dito sa hardin natin " sagot nya sa kanyang ina na parang gusto na rin nyang sabihin na mas gusto nya dito sa hardin kaysa pumunta dun sa kasiyahan na gustong puntahan nang kanyang ama at ina "mas gusgustuhin mo dun sa pupuntahan natin mamaya" giit nang kanyang ina habang sila papalabas nang kanilang hardin , patungo sa labas nang kanilang palasyo may naka abang na kutsero na at mga gwardiya na mag hahatid sa kanila sa pagawaan nang mga magagandang gown sa kanilang lugar gusto kasi nang kanyang ina na sila mismo ang dadalo doon dahil matagal na din hindi nakapunta doon ang kanyang ina sa lugar na iyon at nais nitong mabisita ang kaibigan .
"Alam mo anak noong kabataan ko ayaw ko rin pumunta sa mga kasiyahan pero nung pinilit rin ako nang ama ko , nasabi ko maganda pala ang ganung kasiyahan dahil doon ko na hanap ang ama mo " proud na sabi nang kanyang ina .
Napaisip din si Pearl sino ba naman kasi ang hindi maiinlab sa kanyang ama , di maitangging gwapo , matangkad , matangos ang ilong at may estado sa buhay , napaka gentleman nang kanyang ama at masayahin , kung sakali man din na mag aasawa sya san a katulad din nang ugali nang kanyang ama .
Naputol ang pag mumuni ni Pearl nang dumating na sila sa kaibigan nang kanyang ina ,
"Merlen! Ikaw bayan? Ang tagal na natin di nagkikita mga tauhan mo lang kasi ang pumupunta dito at kumuha nang mga ginagawa kong damit para sayo at sa iyong anak " tugon nang kaibigan nang kanyang ina , medyo mukhang matanda na ito kaysa kanyang ina , may puti na ang buhok at kulubot na ang balat pero di mo rin maitatanggi na maganda ito .
" Pasensya kana naging abala ako sa pag-aasikaso nang aking asawa at anak pati narin sa palasyo " sagot nang kanyang ina .
" Sandali pasok kayu sa bahay ko pasensya na at itoy maliit lamang " pumasok kami sa bahay nang kaibigan nang aking ina maliit lamang ang bahay pero maganda at maayos ang lagay nito maraming mga gown na naka display at gaganda .
"Ito ang anak ko si Pearl malapit na rin kaarawan nya mag dadalawang pu't dalawa na siya Matilda " pagmamalaki nang kanyang ina
" Napakabilis nang panahon Merlen dati lang ay tayo pa ang magkasama nagtatahi ngayon may dalaga ka na dapat dumadalo na talaga sya sa mga kasiyahan para makita na sya nang mga makapangyarihang mga prinsipe at makapag.asawa" Sabi nang kaibigan nang ina nya.
"Kaya nga nandito kami ako mismo pipili nang masusuot nya ngayong gabi Matilda "
"Walang problima at hintayin nyo ko dyan at ilalabas ko ang mga magagandang damit na nagawa ko" excited na tugon ni Matilda at pumasok ito sa kwarto ilang sandali pa ay may mga bitbit itong magagandang gown di ko alam anong pipilian ko pero ang aking ina at ang kaibigan nitong si matilda ay abala sa pagpipili kung anong gown ang babagay sa akin nailang ulit narin akong labas pasok sa kwrto upang subukan ang kanilang mga napili na gown , at talagang ayoko nang pumunta sa party dahil sa pagsukat palang at pagpili nang gown ay napagod na ako .
Ilang oras din ang lumipas at sa wakas natapos na ang pagpipili nang aking ina nang aking masusuot mamaya nang palabas na kami nang bahay ni Matilda , "sa uulitin Merlen bumista ka uli dito" sabi ni matilda na mukhang ayaw na bitawan ang aking ina "Bibisita uli ako pangako yan"
Naging tahimik ang aming pagbiyahi pauwi dahil narin siguro sa pagod , nang dumating kami sa palasyo nang paalam agad ako sa aking ina na mag pahinga sa kwrto "ipapasundo nalang kita ni kieth mamaya kapag oras na okay?" Sabi nang aking ina , tumango nalng ako at pumasok sa kwrto at humiga , " isang beses lang to pag katapos nito tatahimik narin ang ama ko na dadalhin nya ko sa ano mang dadaluhan nya" sabi ko sa aking sarili , di ko namalayan na nakatulog na pala ako .
Nagising ako nang may kumakatok sa akong pintoan .
"Princess Pearl , pinapasundo na po kayo nang iyong ina oras na po para mag handa " sambit ni kieth
" Susunod na ako kieth " tugon ko sa kanya para umalis na.
Naabotan ko ang aking ama at ina sa hardin at seryosong nag.uusap nang makita ako nang aking ama tumayo ito " kumusta ang pagpapahinga mo anak ? Halika magmeryenda muna tayo bago kayo mag ayos " hinila ni ama ang isang upuan at pinaupo ako .
" Napakasaya ko ngayong araw at pumayag ka na samahan ako sa kasiyahan na ito hindi ito basta kasiyahan lang anak ito ay ang pag diriwang sa pagdating nang Prinsipe nang Kraxuris ang panganay na anak nag Haring Stephen Barrenton ang pinaka makapangyarihang kaharian ngayon , maraming mga makapangyarihang prinsipe na dadalo doon baka isa sa kanila ay magustuhan mo" sabi nang aking ama, guston nya talaga ako makapag.asawa nang makapangyarihang prinsipe para na rin sa aming kaharian dahil maliit lamang ang aming kaharian at nangangailangan kami nang mga malakas na kapit para sa siguridad nang aming mga tao.
"Susubukan kong dumalo ama pero hindi ko sinisiguradong may magugustuhan ako dun , ang usapan lang natin sususbukan kong dumalo" yun lang ang tangi kong naisagot sa aking ama at pagkatapos ay nag paalam na kami nang aking ina na upang makapaghanda .
Alas syete na nang gabi nang matapos kami , papunta na kami kasiyahan nang nasa karwahi di maitago ang excitement sa mata nang aking ina at ama , nang dumating kami ay maraming bumati sa aking ina at ama mga hindi ko kilala na personalidad .
Pag pasok palang namin bumungad sa amin ang napaka galante na disenyo nang gusali maraming bulaklak na nakapalikid , ang mga tao ay halatang mga may malalaking estado buhay . May lumapit na mag asawa at isang lalaki sa amin .
"Duke Maximo Earhart , welcome matagal din panahon di tayo nagkita , kamusta ?" Sabi nung lalaki , matangkad sya at may katandaan narin makikita mo sa mga puti na buhok nya at medyo kulubot na balat ngunit ito ay matipuno pa at gwapo. " Ito ay matibay parin at maliksi parin Duke Harold Dubios" nakangiting tugon nang aking ama "O nga pala ito ang aking asawa Duchess Hermania Dubios , at ang aking anak na si Prince Rafael Dubios" pag papakilala nya , at nag kamay naman sila maliban sa akin . "At ito ang aking Duchess Merlen Earhart at ang aking anak na si Princess Pearl Earhart " tugon nang aking ama , " kumusta ka Princess Pearl , ikinagagalak kong makilala ka ngayong gabi" sabay halik sa aking kamay , matangkad na lalaki si rafael matipuno , maganda ang asul nyang mata bumagay sa blonde nyang buhok. "Maari ba kitang isayaw ngayong gabi ? " Dugtong nya , tumingin ako sa aking mga magulang at nakita ko ang excitement sa kanilang mga mata kaya " ikinagagalak ko rin na maisayaw ka ngayong gabi Prinsipe Rafael " maikling tugon ko sa kanya , at inanyayahan nya ako patungo sa gitna para masayaw , maganda ang musika na paka smooth , ngunit nag iinit ang aking pisngi dahil hindi ako sanay na mapalit nang ganiti sa isang lalaki , hindi ko pa naranasan na sumasayaw nang kahit na sinong lalaki , ang ganda nang mga ngiti nya , ang kinis nang kanyang mukha , at ang gentleman nya , siguro maraming nahuhulog na babae dito "ilang taon kana pearl?" Pag sisimula nya nang usapan "dalawáng pû’t dalawá na sa susunod na buwan " sagot ko sa kanya , " matanda pala ako sayo nang 1 taon , dalawáng pû’t tatló na ako," sabi nya , at yun na nagsayaw lang kami hanggang matapos ang musika , inalalayan nya ko pabalik sa aking mga magulang , at nag paalam narin ako na magpapahangin lang saglit na ikina didismaya nang aking ama dahil baka hindi na ako babalik "babalik ako ama pangako mag papahangin lang ako saglit " pangako ko sa kanya.
Naglakad² sa labas nang gusali nang mapadpad ako sa hardin , ang ganda nang kanilang mga bulaklak mayroongay purong puti, maliit, hugis bituin na mga bulaklak ,at mayroon ding madilim na berde at makintab na dahon na may dicot na bulaklak. Ang mga dahon ay hugis-itlog, napa gandang tingnan nang mga bulaklak .
Habang abala sya sa pagmamasid sa kagandahan nang bulaklak parang may nakamasid sa kanya kaya lumingon sya upang matukoy kung sino ang nakatingin sa kanya , sa di kalayuan may matangkad na lalaki di nya makita nang maayos ang mukha dahil may kadiliman ang kanyang kinaroroonan , nang humakbang sya papalit tumakbo ako pabalik sa kinroroonan nang aking mga magulang .