Celestine's POV
Hindi sikat ng araw o ingay sa labas ang gumising sa akin kundi ang sunod sunod na mga notification sa cellphone ko. Iba't ibang message galing sa mga taong malalapit sa akin at sa pamilya ko. Hindi ko sana bubuksan ang mga ito dahil sigurado akong mapapatagal pa ang pag bangon ko dahil sa dami nila at sa haba ng mga pag bati nila sa akin pero hawak ko na lang din naman ang phone ko kaya mag babasa ako kahit konti lang.
Kahit hindi ako personal na kilala at tanging sa picture lang nakikita, eh nakaka taba ng puso kung paano sila mag wish para sa birthday ko. Iba talaga ang feeling kapag nag didiwang ka ng kaarawan kasi mahal ka ng lahat ng taong nakakakilala sa'yo. Except doon sa kasama ko kagabi!
@CedCor
Good morning sa pinaka maganda, sexy, mabait, matalino, caring at down to earth na taong kilala ko. Hindi mo alam kung gaano ako nag papasalamat kay God, dahil ikaw yung binigay niyang kapatid ko kahit na medyo kabaligtaran yung kuya natin sa'yo, pero sobrang thankfull pa rin ako kasi binigyan niya ako ng Ate na uunahin yung kapakanan ng kapatid niya kaysa sa pansarili niyang kagustuhan, kaya ang wish ko para sa birthday mo sana ma enjoy mo yung araw na 'to kahit hindi mo kami ulit kasama nila Mama. Kahit ngayong araw lang ate isipin mo kung ano yung makakapag paligaya sa'yo dahil alam ko deep inside kahit hindi mo sabihin o kahit pilit mo mang itago sa amin, alam kong namimiss mo rin yung may taong nag-aalaga at nag papakilig sa'yo. Gusto namin ni Mama na makita mo na ulit yung happiness mo kasi honestly kahit nakikita ka naming tumatawa at ngumingiti halata sa mga mata mo yung lungkot dahil may bitbit ka pa rin dyan sa dibdib mo. I love you Ate mag pakasaya ka ngayong araw.
PS. Sorry, din ate kasi kung hindi dahil sa kalagayan ko dapat mas na eenjoy mo yung buhay mo ngayon. But don't worry gagaingan ko para hindi na kayo mahirapan ni Mama. I love you ng sobra ate!
Buon compleanno!
First time ni Cedrick mag message sa akin ng ganito kalalim at kahaba. Nag oopen siya sa akin ng mga bagay bagay pero iba yung impact ng bawat salitang nababsa ko ngayon, siguro dahil birthday ko kaya extra special at kaya rin emotional ako. Kaya siguro kahit anong gawin kong pag papatigil sa mga luha ko, eh nag kukusa na lang silang umagos.
Lokong bata 'to kaya pala kanina pa na ngungulit kasi may pasabog naman pala siya pero hindi man lang ako binati ng happy birthday.
@CortezTin
Na impress ako sa haba pero na saan yung happy birthday?
@CedCor
Na sa dulo, hindi mo ba nakita?
@CortezTin
Buon Compleanno? Loko loko ka talaga pinag search mo pa ako. Italiano ka na ba ngayon?
@CedCor
Para maiba. Bumangon ka na ate at sayang yung oras, sabi ni Mama may lunch ka daw kasama si Ate Chari, kaya bangon na kasi paniguradong maraming ikukwento sa'yo 'yun, alam mo namang walking radio si Ate Chari.
Pag labas ko ng kwarto na pa sigaw pa ako dahil sa biglaang pag sulpot nila Rizza at Rocco sa harapan ko. Halos dinig na sa buong bahay ang boses nila ng batiin, sabay nila akong niyakap ng mahigpit saka bumulong sa akin. "Happy birthday Ate Tin, we love you. Pa ice cream ka naman!"
Pagkatapos ng mahihigpit na yakapan at batian tinawag na kami ni Aling Ester para kumain ng agahan at katulad ng dalawang bata masaya rin akong binati ni Mang Teban at Aling Ester.
"May lakad ka ba ngayon Tin?" tanong ni Aling Ester habang nilalagyan ako ng kanin sa plato.
"May lunch date lang po kami ni Chari... Huwag na po pala kayong mag luto ng dinner kasi oorder na lang ako kay Chari tapos sabay sabay po tayong kumain mamayang gabi." Nginitian lang nila ako at hindi na umimik pa.
Mag aalas nuwebe na pero bakit hindi pa rin gising si Seb, sabagay late na kasi kaming naka uwi kanina at baka hindi pa siya natulog pagdating namin.
"May tour ba si Seb ngayon?" tanong ni Aling Ester na naka tingin naman kay Mang Teban, mukhang napansin din niya ang hindi na naman pag sabay kumain sa amin ni Seb. "Wala naman siyang nababanggit sa akin kasi kung mayroon man mag papaalam 'yan sa akin. Kayong dalawa wala ba siyang nasabi sa inyo, 'di ba noong isang araw mag hapon kayong mag kakasama?"
"Wala naman po." Sagot ni Rocco, "Hayaan na lang muna natin Tay at baka napuyat lang si Kuya Seb." Sagot din ni Rizza.
"Na puyat?" humarap si Mang Teban sa akin, "Umalis ba siya kagabi, Tin?" Na ibaba ko tuloy yung kustarang isusubo ko na sana dahil sa biglang tanong niya. Wala namang dapat ika kaba dahil wala naman kaming ginawang masama kagabi pero yung tono rin kasi ng pananalita ni Mang Teban parang yung waiter lang kagabi.
"O-opo." Sagot ko, sumubo na lang ulit ako dahil naka tuon na yung atensyon nilang lahat sa akin. Bakit parang ang big deal sa kanila na kasama ko si Seb kagabi. Ano kayang iniisip nila?
"Saan siya pumunta at anong oras na siya dumating?" tanong ni Aling Ester na sa tono ng boses niya ay para bang isang inang nag-aalala.
Ayaw kong mag sinungaling kaya sinabi ko kung ano yung nangyari kagabi kasi wala naman sigurong masama kung mag kasama man kaming kumain kasi mag kasama rin naman kami dito sa bahay.
"Ganito po kasi, kukunin ko lang sana yung inorder kong Jjamppong sa restaurant kagabi pero sumama siya sa akin kasi nagugutom din daw siya tapos doon na lang kami kumain—"
"Nang kayong dalawa lang po ate?" medyo nakaka intriga yung tono ni Rizza kaya balik na naman yung atensyon nila sa akin at this time matatalim na ang mga tingin nila. Nag tatakha na talaga ako sa mga kinikilos nila, hindi ko ma ipaliwanag pero parang gulat or alisto sila nang dahil lang sa kasama ko si Seb kagabi, eh samantalang ang tagal na naming mag kasama sa bahay pero ngayon ko lang silang nakitang mag react ng ganyan.
"Oo." Sagot ko sabay inom ng tubig.
"Sayang ang akala pa naman namin kami ang unang babati sa'yo ng happy birthday, naunahan na pala kami ni Kuya Seb, ang sabi—"
Hindi na natuloy ni Rocco ang sinasabi niya dahil bigla siyang sinubuan ni Rizza ng kutsara na punong puno ng kanin. Babalik na sana ako sa pag kain ng mahagip naman ng mata ko yung panlalaki ng mata ni Mang Teban sa dalawang anak niya.
"Ano ka ba Rocco, hindi naman alam ni Kuya Seb na birthday ni Ate Tin ngayon. Tama po ba ate?" tumango na lang ako bilang sagot kay Rizza.
Actually alam niya pero baka nakalimutan niya lang.
***
Hindi kami sa restaurant ni Chari kumain kasi para ma iba naman daw at maski siya sawa na sa mga pag kain doon at gusto naman daw niyang makatikim ng ibang luto ng pag kain at makalanghap ng ibang ambiance.
"Oh bakit parang hindi mo naman birthday at hindi ma ipinta yung mukha mo." tanong niya habang hawak ang menu list. Ako naman nakatingin lang sa isang fishpond malapit sa lamesa namin.
"Ha? Wala gutom lang ako, naka pili ka na ba?" tinignan lang niya ako sabay balik sa menu list at kasunod nun ang pag tawag niya sa waiter para ibigay ang order namin. Nang maka-alis na ang waiter binalikan naman ako nito ng tingin na may halong panlilisik pa.
Ito na yata yung sinasabing walking radio ni Cedrick. Mukhang mag uumpisa ng dumaldal si Chari.
"Bakit hindi ka pa ba binabati ni Tita at Cedrick?"
Nanatili akong naka tingin sa fishpond habang sinasagot ang tanong niya, "Kagabi pa ako binati ni Mama, si Cedrick naman nag send ng mahabang message kanina."
"Oh 'yun naman pala eh bakit ganyan yung mukha mo... Oh, wait baka dahil hindi ka pa binabati ni Ex?" Kahit hindi ako direktang nakatingin sa kanya nahahagip naman ng mata ko ang pag ngisi niya. Parang alam ko na tuloy kung saan na naman kami papunta.
"Ano namang paki ko doon!" sagot ko. Siya naman ngumisi lang ulit at nag taas ng kilay na halata namang nag papanggap lang na kuntento sa sinagot ko.
Mayamaya pa dumating na ang mga inorder namin. Unang binaba ang steak na main course at nag lagay na rin ng vegetable salad at appetizer, sunod namang nilapag ang drinks namin. Habang kumakain nag kwentuhan muna kami ni Chari gaya ng dati.
Catching up ulit at nag remenice ng ibang memories about sa mga nangyari noong high school kami bago ako lumipat sa Manila at pati na rin ang mga naging classmates namin noon at kung na saan na sila ngayon at yung mga past relationship ni Chari na hindi niya pa na kukwento sa akin.
Ang akala ko ako lang yung nakaramdam ng pag taksilan at ma broken ng husto dahil lang nag mahal ka ng totoo pero mas grabe pa pala yung naranasan niya sa huling naka relasyon niya na naging daan naman para baguhin niya ang dati niyang buhay na puro barkada, pasarap sa buhay at focus lang sa boyfriend niyang niloko lang siya.
"Alam mo noong time na nalaman ko na ginawa lang pala niya akong kabit, lahat ng happy memmories, yung mga sweet message at mga pa surprise date niya, lahat 'yun nag flashback sa utak ko habang naka upo ako sa coffee shop at umiiyak na walang kasama."
"Kapag binabalikan ko yung oras na 'yun awang awa ako sa sarili ko. Kasi ginawa niya akong tanga at ako naman tanga na nga sobra pang nag pa ka tanga sa kanya. Binigay ko na kasi lahat kaya noong hiniwalayan niya ako parang feeling ko wala ng na iwan sa akin."
"Empty ako girl. Parang humihiwalay na yung kaluluwa ko sa katawan ko at gusto na lang mag hanap ng bagong katawan na sasaniban nito, yung mas fresh at hindi basag tulad ko."
Wala akong ibang masabi kundi sorry dahil bilang kaibigan dapat dinadamayan ko siya sa problema niya pero hindi stable ang communication namin dahil naka focus lang ako sa trabaho at sa pamilya ko.
"Sorry, babe. As a bestfriend dapat alam ko yung pinag dadaanan mo at sana nadamayan kita kahit malayo ako sa'yo—"
Hinawakan naman niya ang kamay ko na nakahawa sa kamay niya sabay ngumisi ito sa akin, "Gaga, ayos lang at saka as an adult dapat nag-isip muna ako bago nag pasarap, pero thank you kasi almost everyday ka naman nag memessage sa akin at na ngangamusta pa, ang problema lang talaga hindi mag tagpo yung oras natin."
"Okay na ba ngayon?" Nag-aalala pa rin ako sa kanya kasi kahit pilit siyang ngumingiti alam kong may effect pa rin sa kanya yung lalaking bumasag sa kanya.
"I'm getting better and soon mag he-healed na rin ako kaya sa ngayon at kahit may dumating pang lalaki dyan, eh uunahin ko muna yung sarili ko at gusto ko. Kaya nga na buo yung CC. Barbeque House."
"Ah, kapag na bo-broken nag tatayo ng negosyo?" pagbibiro ko, "At kapag na bo-broken nag aabroad?" Tumawa pa ito na para bang pinag titripan ako.
"Oo nga pala may na meet akong guy last week—"
"Hoy kakasabi mo pa lang sa akin na focus ka muna sa sarili mo at kailan lang sabi mo sakit sa ulo ang mga boys tapos—"
"Patapusin mo ako girl. May na meet akong guy at anak siya nung friend ni Mama and single siya at mukha namang gentleman..."
Napa hinto ako sa pag inom at napatingin sa kanya na kasalukuyan ng nakatingin sa akin. Inunahan ko na siya ng pag iling bago pa man din siya makapag salita.
"Okay fine. Pero mabalik tayo kay Ex. Kamusta kayong dalawa sa bahay?"
"Casual lang."
"Casual mag away o casual lang ang pakikitungo sa isa't isa?"
Kapag kinuwento ko kay Chari na mag kasama kaming kumain sa labas ni Seb kagabi na inabot pa ng ala una ng madaling araw paniguradong hindi na siya titigil sa pag papakwento at kakatanong sa akin. Pero kapag hindi ko naman sinabi sa kanya baka mas lalo lang akong mag overthink at worst mas isipin ko pa siya ng husto. Dapat ma release ko ang mga na sa isip ko para hindi ako masyadong mabigatan at baka sakaling mas gumaan ang pakiramdam ko.
Wala naman sigurong masama kung ikukwento ko sa kanya yung about last night kasi parang naguguluhan din ako sa pinapakita at mga sinasabi ni Seb.
"Mag kasama kaming kumain kagabi."
"Lagi naman kayong mag kasamang kumain—"
"Sa labas." Paglilinaw ko
Nabitawan pa ni Chari yung kutsara na hawak niya at buti na lang sa plato niya rin ito bumagsak yuon nga lang nag likha ito ng malakas na tunog kaya na pa tingin pa ang ibang customer sa amin, "Shocks, nag date kayo?" nilapit pa nito ang mukha niya saka kumurap kurap. Sabi na nga at ganito ang magiging reaction niya, given na yata kay Chari ang mag-ingay kapag na sasama sa usapan namin si Seb.
"Gagi, sumama lang siya nung kukunin ko na yung inorder kong Jjamppong."
"Ah, kaya pala may pa midnight snack na post kagabi. Masarap naman ba siya? Yung Jjamppong na kinain mo ha!" Loka loka ka talaga. "Parang ibang Seb yung kaharap ko kagabi tapos ang dami niyang words of wisdom na hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba o hindi. Ang weird 'no?"
"Alam mo kasi kapag ang tao dumadaan sa pinaka darkest days niya mas marami siyang nagiging realization sa buhay at baka ganoon lang din si Seb, kaya feeling mo ibang lalaki yung kaharap mo at hindi yung Ex mo na niloko ka. People change!"
Tama naman si Chari, pero parang ang hirap ma imagine na ang isang Sebastian Del Mundo na happy go lucky lang, eh dadaan din pala sa matinding pag subok ng buhay. Ano kayang klaseng pag subok 'yun?
"Parang hindi naman halata na may pinag daanan siyang ganoong bagay."
"Gags, syempre hindi niya ipapahalata yuon kasi una sa lahat lalaki siya at mataas ang ego at pride, pangalawa lalaki pa rin siya at kung hindi mo makita sa kilos niya malamang na sa attitude niya at the way kung paano siya mangatwiran at mag handle ng poblema."
Natahimik ako at muling binabalikan ng isip ko yung mga naging conversation namin kagabi at naalala ko yung about sa pagiging strict ng daddy niya. Baka yuon yung dahilan kung bakit parang matured na siya mag salita ngayon.
"Mukhang marami kayong na pag usapan kaya marami ka ring dapat ikwento sa akin," tinignan niya ang relo niya, "Mamayang dinner time pa naman kita ibabalik sa kanya este sa kanila Mang Teban kaya mahaba ang oras mo para mag kwento." Ano pa nga bang magagawa ko kundi ikwento ang lahat sa'yo.
"Kinamusta niya yung work ko tapos na pa kwento na rin ako ng mga hanash ko sa trabaho at sa boss ko, binigyan niya ako ng advice tapos siya naman ang nag kwento about sa buhay niya."
"Nakikinig siya kaya it means he's still care about about how you feel. Mahirap kaya makinig lalo na kung hindi ka naman interesado sa kwento o sa nag kukwento."
"Parang getting to know stage pala kayo. Mukha namang mabait at matino si Seb, kaya hindi na siguro nakakagulat kung mag advice siya sa'yo ng ganun." Dagdag pa niya.
"Nakita mo na ba si Seb at parang kilalang kilala mo na siya kung mag salita ka? Alam mo bang sinabi pa niya na sobra daw siyang na apektuhan nung naging break-up namin."
"Kanina listening lang ngayon naman confession na. Eh, bakit naman daw kasi niya ginawa 'yun?"
Nag kibit balikat lang ako, "Yaan din yung tanong ko na hanggang ngayon hindi pa rin niya masagot. Kesyo may naalalaman pa siyang mahal niya daw ako kaya niya nagawa 'yun at nag sacrifice daw siya. Tapos ito pa yung nakaka inis inamin niya na naging selfish siya dahil nag desisyon daw siya ng hindi man lang ako kinokonsulta!"
Dahil maliit lang naman ang mesa namin nakuha pa akong tapik tapikin ni Chari sa balikat, "Chill. Kung desisyon niya 'yun hindi ba parang nakakapag taka. Iniwan ka niya hindi dahil may mahal na siyang iba o nakahanap na siya ng mas higit sa'yo kundi dahil desisyon niyang iwan ka? Ang gulo besh. Iharap mo na nga lang sa akin yung Ex mo at ako mismo ang mag papa amin sa kanya!"
All this time ang akala ko ako lang ang naguguluhan sa nangyari sa amin, ganoon rin pala yung tingin ni Chari. Lalo tuloy lumalakas yung kutob ko na may ibang dahilan kung bakit siya nag ka ganon.
"Sa akin nga hindi siya umaamin, sa'yo pa kaya?"
Tumango tango naman siya, "Pero huwag na natin balikan kasi past na 'yun at focus ka na lang sa present mo, unless may unfinish feelings ka pa sa kanya?"
"Na iinis lang ako kasi ilang taon na yung lumipas kaya wala naman sigurong masama kung sasabihin niya sa akin yung reason niya noon. 'di ba?"
"Para ano at para saan? Kapag ba sinabi niya na may mali sa'yo babaguhin mo 'yun o di kaya kapag sinabi niya na may ayaw siyang ginagawa mo iiwasan mo ba 'yun?" paliwanag niya habang inaayos yung nachos na inorder niya.
"Ha?"
"Hindi naman kaya kailangan mo ng closure kasi sabi mo nga ang tagal na no'n pero I think you have reason kung bakit binabalik balikan pa ng isip mo ang about sa bagay na 'yun. Umamin ka nga may hindi ka pa ba sinasabi sa akin?"
"Ano ka ba wala 'no!"
"Mahal mo pa ba?"
Kukuha sana ako ng Nachos pero nilayo naman niya ito sa akin kaya uminom na lang ako ng tubig, "Ano ba yung tanong mo?!"
"Confused ka girl! Bakit ba kasi gusto mo pang malaman kung bakit siya nag loko noon, eh past na nga 'di ba?"
"Hindi naman siguro masamang malaman lalo na't matagal naman ng nangyari 'yun 'di ba!"
Umiling siya saka sinubuan ako ng nachos na kanina ay ina-angkin niya, "Sabi mo nga matagal na 'yun kaya move on na at 'wag mo na lang alamin. Sa side natin bilang babae at para sa akin wala naman talagang masama kung gusto mong malaman yung dahilan ng nangyari noon pero baka kasi sa kakatanong mo iba yung isipin ni Seb at baka mag mukha kang nag hahabol pa sa kanya."
Parang gusto kong mapatayo sa sinabi ni Chari, ako mag hahabol sa kanya? No way! Siya nga ang panay ang dikit at sunod sa akin, baka siya pa yung may unfinish feelings at hindi ako!
"Ganun din kaya yung iniisip niya sa twing tatanungin ko siya?"
"Oo, na may feelings ka pa sa kanya at hindi ka pa nakaka move on hanggang ngayon!"
"Kaibigan ba talaga kita?!" na iinis na tanong ko sabay tingin ulit sa fishpond sa tabi namin. Imbis na mag alala o mag sorry tumawa pa ang loka lokang babaeng 'to.
"Of course kaibigan mo ako, best friend pa nga 'di ba? Kaya nga sinasabi ko sa'yo yung totoo at base 'yan sa mga conversation natin na si Seb ang topic."
"Ang bilis mag judge ha?!"
Muli na naman siyang natawa sa sinabi ko. Birthday ko pero nakuha pa niya akong pag tripan, ang akala ko pa naman na gegets niya niyang punto ko pero parang iba yung intindi niya.
"Hindi ka affected kapag naririnig yung pangalan niya o na pag uusapan siya?"
"Hindi ka naging curious sa kung na saan na siya ngayon o anong ginagawa niya sa buhay? Hindi mo man lang ba sinubukang isearch yung name niya sa mga social media sites o di kaya sinubukan siyang i-unblock sa f*******: para malaman yung whereabouts niya?"
"Wala ng hate, wala ng pain or kahit natitirang grudge dyaan sa isip at sa puso mo?"
"Napatawad mo na ba siya?"
"Ngayon sabihin mo sa akin kung hindi ang sagot mo sa mga 'yan at babawiin ko yung sinabi ko kanina?"
Nakipag titigan siya sa akin na para bang hinahanap sa mga mata ko yung sagot sa mga tanong niya. Natulala na lang din ako at sa hindi ko malamang dahilan parang hindi ako makagalaw at ultimo pag hawak sa baso hindi ko magawa. Parang nanigas yung buong katawan ko.
Na pa lunok pa ako bago sagutin ang mga tanong niya, "Naging curious lang ako ng mag tanong yung mga katrabaho ko about sa kanya. Affected ako sa twing babanggitin yung pangalan niya dahil hindi naman naging maganda yung huli naming pag-uusap dahil yuon din yung time na nag break kami. Oo may galit at konting inis pa. Kung napatawad ko na siya? Yuon ang hindi ko alam." Para akong naubusan ng hininga at energy pag katapos kong mag salita kaya para bang nag kusang bumagsak yung likuran ko sa sandalan ng upuan.
"Hindi ko huhusgahan yung mga sagot mo dahil alam kong yaan ang nararamdaman mo at hindi dinikta ng isip mo. But as a human being na nakikinig sa mga kwento mo it sounds like move on na yung isip mo pero hindi yung puso mo." Na pa yuko siya "s**t ang corny ko doon!" dagdag pa niya sabay tawa.
"Anong gagawin ko?" Na pa hawak pa ako sa batok ko dahil sa sobra ng naguguluhan ang isip ko.
"Date someone!"
Nanlaki naman ang mata ko sa suggestion niya, "No, I can't!"
"Yes you can. Paalala lang Tin, hindi ka mag papakasal o bubuo ng pamilya, makikipag date ka lang girl. May mahirap ba doon?"
"Wala namang mahirap pero I never imagine myself dating someone right now."
"I know because deep down inside you still hurting."
Kumuha na lang ulit ako ng Nachos at yung kakadating lang na onion rings, ikakain ko na lang 'to, "Ewan, gulong gulo na yung isip ko."
"Walang tao na makakapag sabi kung kailan ka mag heheal sa pain na nararamdaman mo ngayon, actually kahit ikaw mismo hindi mo pwedeng lagyan ng timeline kung hanggang kailan ka mag susuffer, hindi mo masasabi Tin, dahil kusa mo na lang mararamdaman na okay na at hindi ka na affected sa kahit anong bagay, tao, at lugar na nag-uugnay sa kanya. For the meantime focus on now and forget about what's holding you back. Malay mo yaan lang pala yung way to know what's really bothering you all this time."
Hindi ko lang masabi kay Chari yung about sa nangyaring one night stand sa amin ni Seb, dahil alam ko sa sarili ko na mas lalo ko lang guguluhin yung isip ko kapag na pag usapan na naman ang bagay na 'yun, mas mabuti nang kalimutan na lang tulad ng ginagawa ni Seb ngayon. Patay malisya sa nangyari sa aming dalawa. Pero kung hindi siguro nangyari yuon at hindi kami nag kita ngayon dito sa Coron, malamang tuluyan ko na siyang makakalimutan.
"Tigilan na natin ang drama na 'to at mag pakasaya na lang tayo at gawin nating special ang araw mo." Kumislap ang mga mata ni Chari na parang may binabalak na naman saka ako binigyan ng na kaka lokong ngiti.