Chapter 37

4634 Words
Sebastian's POV Random thoughts? Tss. Kalokohan! Sa pagkakaalam ko walang ibang meaning ang random thoughts kaya hindi ako naniniwalang walang meaning yung nangyari kagabi, pero there's a part of me na naaawa at gusto siyang damayan dahil sa kinakaharap niya ngayon... Pero hindi dapat kasi itotolerate ko lang yung nararamdaman ko kapag ginawa ko ang bagay na 'yun at baka sa huli ako lang din ang umasa dahil random thoughts nga lang daw yung mga sinabi niya kagabi! Hind kaya ginagantihan niya ako? But according to her hindi daw niya intension at wala siyang plano. So anong tawag dito? Seb: Chari, ano ng sabi ng bestfriend mo? 1:03 am Chari: Eh, di nawiwindang kung paano ka haharapin. Gago ka, hindi porke naka panig ako sa'yo ngayon may karapatan ka ng asarin at gaguhin yung kaibigan ko... pwede naman basta 'wag ka lang sosobra yung to the point na masasaktan siya physically lalo na emotionally. 1:06 am Seb: Kulitin mo siya na kunin yung singsing sa akin. 1:07 am Chari: Teka mamaya na puro ka utos eh! Nakuha mo na ba yung sagot sa mga tanong mo? 1:08 am Seb: Oo 1:09 am Chari: Happy at satisfied ka naman ba? 1:10 am Seb: Hindi. 1:11 am Chari: Iwasan kasing mag expect. Masakit 'yun. 1:11 am Seb: Paano namang hindi ako mag eexpect kung grabe naman din yung pinakita niya kagabi. Kung nandoon ka lang kahit ikaw maguguluhan at mag eexpect din. 1:13 am Chari: Halata naman sa rant mo pa lang. Advice lang, kung hindi ka kuntento at hindi pinaniniwalaan yung sinabi niya I think ikaw na mismo ang gumalaw. Gawin mo lahat para malaman kung totoong may feelings pa siya sa'yo o wala na. Gawin mo at all cost pero hinay hinay lang at baka kakatuklas mo either masaktan mo siya o ikaw yung masaktan kapag wala pa ring pag babago yung sagot niya. 1:15 am Seb: Halikan ko kaya baka sakaling hindi na mag sinungaling. 1:16 am Chari: Haha go lang pero paalala lang dati siyang Volleyball player nung elementary kami kaya ihanda mo yung pisngi mo sa spike niya. 1:17 am Seb: Oo alam ko, nasampal niya na kaya ako dati. 1:18 am Chari: Oh basta kapag need mo ng tulong for her just text me. Galingan mo pala kasi kilala mo naman si Tin, mahirap iplease 'yan lalo na't nasaktan na dati kaya goodluck! 1:19 am *** 6am pa lang ng umaga nag uumpisa na akong gumayak at maligo, gusto ko rin kasing mag luto ng breakfast kasi ngayong araw ko sisimulan yung plano ko para mapaamin si Tin. Hindi ako pinatulog ng maayos ng mga sinagot niya sa akin, ramdam ko kasi na may hindi siya sinasabi o inaamin sa akin at hangga't hindi ko nalalaman 'yun, eh hindi ko siya titigilan. Ipaparamdam ko ulit sa kanya kung paano ma fall sa akin the second time around. "Bakit ikaw yung nagluluto, wala pa ba sila Aling Ester?" Tinignan ko siya pero halatang iniiwasan niyang tumingin sa mga mata ko, "Wala pa sila. Hindi na kasi ako makatulog kaya ako na ang nag luto at saka maaga rin kasi yung start ng tour ko." Hindi siya umimik at dumiretso sa refrigerator saka nilabas ang isang pitcher ng tubig. Parang isang linggo naman 'tong hindi nakainom at halos maubos niya yung isang litro ng tubig. "Umupo ka na dyan at sabayan mo na akong kumain." "Ayoko!" Hinila ko siya pabalik at hindi ko naman sinasadyang mapalakas ito kaya nauntog siya sa dibdib ko, agad naman akong humingi ng tawad pero nagsalubong na yung kilay niya at nanlisik pa ang mga mata, at any moment parang may usok na lalabas sa ilong at tainga niya. "Ano ba Seb, ang aga-aga sisirain mo yung araw ko!" "Nag sorry na nga ako ang sungit mo pa!" "Ah, ganoon?!" Hinila niya yung buhok ko sa gilid dahilan para mapayuko ako ng husto. Balak yata akong kalbuhin ng babaeng 'to, "Hoy, Celestine masakit na ha. Bitawan mo na ako kung hindi papatulan talaga kita!" Lalo pa niyang hinigpitan yung hawak niya sa kabila ng pananakot ko, "Ako pa talaga ang pagbabantaan mo?" Muli kong hinawi yung kamay niya pero ayaw pa rin niyang bumitaw, "Tin, masakit na nga. Bitawan mo na!" Mahinahong pakiusap ko. Binitawan naman niya at ng akmang tatalikod na siya hinila ko ulit siya patalikod at hinawkan ang dalawa niyang kamay saka ako dumapot ng isang pritong itlog. "Sabi ko sa'yo papatulan talaga kita! Breakfast ka na, healthy ang egg sa morning. Say ahh!" Pilit niyang iniiwas yung mukha niya pero hindi ko siya titigilan hanggat hindi ko naisusubo yung isang itlog sa bibig niya. "Seb, ano ba?! Kapag ako nakawala dito sasapakin ko yang mukha mo. Mag to-tour ka ng may pasa sa mukha!" Binitawan ko ang itlog saka siya pinasandal sa lababo habang hawak ang dalawa niyang kamay, "Sinong nagsabing papakawalan kita." "Kapag ako sumigaw dito pasensyahan tayo!" "Gusto mo sabayan pa kita." Pang iinis ko. "Ano bang gusto mo?" "Mag be-breakfast lang tayo pero namisikal ka na—" "Hoy ikaw yung na una." "Hindi ko nga sabi sinasadya." Mayamaya pa may narinig akong ingay pero hindi ko na lang pinansin dahil baka pusa lang na naligaw tulad nung isang gabi kaya hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanya na ngayon ay parang iihawin ako ng buhay dahil sa nagbabaga niyang mga mata. "Seb, nasasaktan na ako. Bitawan mo na nga ako." Paawa pa pero hindi eepekto sa akin 'yan. Alam kong gagawa at gagawa siya ng paraan para hindi ko ulit ungkatin yung nangyari nung isang gabi. "Nasasaktan, eh ang luwag na nga ng pagkaka hawak ko sa'yo. Hindi mo ako maloloko, Tin!" Nagkatinginan na lang kami at parehas na nanlaki ang mga mata nang dahil sa narinig naming mga boses. "N-nag-aaway ba kayo?" tanong ni Aling Ester. "Ano pong ginagawa niyo, ate at kuya?" Sunod na tanong naman ni Rocco. Nakatayo silang dalawa malapit sa dinning table habang punong puno ng pagtatakha ang mukha nila. Agad ko namang binitawan si Tin at dahil sa pagkabigla hindi ko alam yung gagawin ko kaya tumalikod na muna ako sa kanila at doon naman umatake si Tin at palihim niyang inapakan ang paa ko at kinurot ang bewang ko. "Wala po may pinapaliwanag lang si Seb—" paliwanang niya na hindi na pinatapos ni Rocco. "Bingi ka na ba ngayon kuya Seb?" tanong ulit ni Rocco. Napalingon ako at bahagyang natigilan, "Parang mag jowa kayo kung mag-usap." Dagdag pa niya habang nakangiti na parang nanunukso. Nilingon ako ni Tin saka umirap at binalik rin ang tingin kay Rocco, "Ikaw talaga kung ano-ano yung iniisip mo. Oo nga pala nakaluto na si Seb, kaya kumain na tayo." After breakfast kinuha ko na yung mga gamit ko sa kwarto at paglabas ko naka abang naman si Rocco sa pinto habang na sa sala naman si Tin kasama si Rizza. "Kuya Seb, sa amin ka na lang sumama." Muling sambit ng batang makulit. Ang galing mag paawa ng batang ito kaya parang gusto ko na tuloy icancel na lang yung sarili kong tour at sumama sa kanila pero hindi naman pwede dahil bayad ko na 'to at kailangan ko rin kasing puntahan yung ibang sikat na beach at island para sa travel book na ipupublish ng company namin. Inaya ko si Rocco na pumasok sa loob ng kwarto ko at doon siya kinausap, "Kuya may secret ba ulit tayo. Lock ko ba yung pinto?" pilyo talaga 'to, akala yata niya sa twing kakausapin ko siya ng masinsinan, eh may gagawin kaming plano. "Wala tayong secret. Gusto lang kitang bigyan ng assignment, okay ba sa'yo 'yun?" Ngumuso pa ito at tinitigan ako bago sumagot, "Basta kaya ko okay lang po." "Good. Naalala mo nung aakyat dapat tayo sa Mt. Tapyas?" Hinila niya ang swivel chair ko saka na upo, tinuro niya pa ang kama para doon naman ako ma upo, parang matanda talaga kung kumilos. "Opo. Pero hindi natuloy kasi biglang sumama yung pakiramdam ni Ate Tin." "Exactly! Gusto kong bantayan at alalayan mo si ate Tin mo mamaya habang na sa tour kayo—" "Bakit po, may sakit pa rin ba siya? At saka bakit mo ako binibilin tungkol kay Ate Tin, nanay ka ba niya? Alam ko na... Crush mo nga siya 'no?" Bumagsak yung balikat ko ng dahil sa pinagsasabi ng batang 'to. Mauubos yata ang oras ko kakapaliwanag sa kanya. "Kapag sinunod mo yung sinabi ko, bibigyan kita ng katulad nun." Tinuro ko ang Drome ko na nakalapag sa lamesa. Kumislap naman yung mga mata niya at halos umabot na sa tainga ang mga ngiti niya, "Talaga kuya?" napatayo pa siya sa sobrang pag ka sabik, "Oo, pero pambata na style. Okay lang ba 'yun?" "Opo." Tinaas niya ang kanang kamay niya saka nanumpa sa akin, "Babantayan at aalalaya ko si Ate Tin, kaya 'wag kang mag alala magiging safe siya. Malaki na yung mga muscle ko kaya kayang kaya ko na siyang alagaan. Pero hindi ka na ba talaga sasama sa amin?" "Malay mo naman magkita tayo doon—" "Alam ko na. Ibigay mo na lang sa akin yung number mo para tatawagan kita kung na saan kami." "Pero mahina ang cignal doon?" "Ako na ang bahala doon kuya Seb." Hindi na ako nagtatakha ngayon kung bakit ang bilis kong nakasundo ang batang ito, bukod kasi sa makulit at bibo, eh mas pinapadali pa niya ang mga sitwasyon gaya na lang nito. Sinulat ko sa maliit na papel ang cellphone number ko at binigay sa kanya. Lumabas na rin kami sa kwarto at sumalubong naman sa akin ang nagbabagang mga tingin ni Tin. Sakto namang nandoon na rin sila Aling Ester at Mang Teban at kasalukuyan ng inaayos ang mga dadalhin nila. Inaya pa nga nila ulit ako na sumama sa kanila except kay Tin, na nananahimik lang sa isang tabi. Lumabas na ako ng pinto pero laking gulat ko ng may biglang humila sa akin, "Hoy! Anong sinabi mo sa bata?!" Sa tono ng boses niya at the way na tignan niya ako para bang pinaparatangan na niya ako ng masama. "Anong sinabi? Nag kwentuhan lang kami." Paliwanag ko, sabay talikod sa kanya at lumakad ng muli. Pero hinila na naman niya ako kaya nabalik ang tingin ko sa kanya, "Kwentuhan ng kalokohan?" "Bakit ba masyado kang tense?" tanong ko. Hinabol pa talaga niya ako hanggang dito sa labas para lang sitahin. Ah, alam ko na kung bakit, baka iniisip niya na may ikukwento ako kay Rocco about sa nangyari nung gabing nalasing siya. Iniisip niya siguro na ipagkakalat ko yung mga kabaliwang ginawa niya. "Eh, bakit kasi kailangan niyo pang magkulong doon sa kwarto kung wala kang kalokohan na tinuturo sa bata?" "Sana kasi pumasok ka sa loob para nakita at narinig mo yung pinag-usapan namin. Hindi naman ako nag lolock ng pinto kaya feel free to come inside anytime you want." "Bastos ka talaga." Ako na naman yung bastos. Eh sa lagi ko ngang nakakalimutang mag lock ng pinto. May mali ba doon? "Anong bastos doon. Greenminded ka kasi!" Paliwanang ko. "Subukan mo lang talagang—" "Ano?!" Medyo sumosobra na siya sa pagibintang ng hindi maganda sa akin at medyo naiinis na rin ako. Pinaka ayaw ko pa naman sa lahat yung pinagbibintangan ako sa bagay na hindi ko naman ginawa. At kahit sino sigurong tao hindi magugustuhan ang bagay na 'yun! "Kung gagawa ka ng kagaguhan 'wag mo ng isama yung bata." Aba't hindi man lang ako hinintay na sumagot at tumalikod na agad. Hinila ko nga siya tulad ng ginawa niya sa akin kanina, "Mag kikita din tayo mamaya kaya 'wag mo akong mamimiss agad." Kinindatan ko pa ito saka umalis. Hindi na niya ako mahahabol kasi sakto namang dumating yung sundo ko. Sino ngayon ang napikon? Kawawang Tin, napapraning na siguro siya kakaisip kung ikukwento ko yung mga kabaliwang ginawa niya sa iba o hindi. Pero hindi ko pa naman gagawin 'yun kasi gusto ko munang icherish yung memories nung gabing 'yun. Akin lang muna 'yun. Celestine's POV Pag tapak ko pa lang sa Bangka parang nagkusang bumalik yung isip ko sa nakaraan, kung saan tumatakas pa kami nila Chari para sumama lang sa tour nila Mang Teban at matutong maging tour guide. Na eexcite na akong iexplore ulit yung magagandang beach at lake dito pero napapalitan ng inis yung nararamdaman ko sa twing naaalala ko yung nakakainis na pagmumukha ng lalaking 'yun!m Subukan niya lang talagang ipagkalat yung mga picture ko sa iba, baka manghiram siya ng mukha sa mga aso! "Ate Tin, pwede po ba bang pahiram ng cellphone niyo, may gusto lang po akong picturan." Binigay ko naman agad kay Rocco ang cellphone ko at sinamahan na muna si Rizza na kasalukuyang naka upo sa dulo. "Ate Tin, parang hindi yata maganda yung nasabay na mga turista sa atin kasi halos puro lalaki sila." Nagkunwari akong tumitingin sa iba at napansin ko na karamihan nga sa mga kasama namin ngayon ay puro lalaki at tama rin si Rizza dahil kung makatingin pa ang mga ito, eh feeling close na agad. Hindi sa hinuhusgahan ko sila agad kahit hindi ko pa sila kilala pero iba kasi sila makatingin parang kikilabutan ka. Ewan, siguro dahil hindi na ako sanay na may kasamang turista. "Hayaan mo na at baka nag eenjoy lang. Basta 'wag ka na lang lalapit sa kanila." Nang maibalik na sa akin ni Rocco ang cellphone ko, ako naman ang kumuha ng mga picture. Kahit ilang beses pa akong mag tour dito parang laging bago pa rin sa paningin ko. Nakakamangha pa rin yung itsura ng Island at hindi nakakasawa na balik balikan. Sana lang talaga mapangalagaan nila yung ganda at linis ng lugar lalo na yung mga hindi taga dito at namamasyal lang. Tumambay din ako sa kabilang dulo ng Bangka para naman tignan at usisain ang mga niluluto nila para sa pananghalian namin. Inihaw na isada, lamang dagat, prutas, karne, at vegetable salad pa rin pala ang hinahanda nila sa mga turista, hindi pa rin pala nababago. Sabi ni Kuya Ekong na isa sa mga tour guide para daw mas ma feel nila ang buhay sa isla kaya puro laman dagat ang hinahanda nila at mga bihirang makain sa ibang lugar na tanging dito mo lang sa bangkang ito matitikman. In short gusto lang nila ipakain yung mga sarili nilang luto. Pabalik na ako kina Rizza at Rocco ng biglang may kumausap sa akin dahilan para mapahinto ako, hindi ko sana siya papansinin pero may nakaharap din kasing ibang turista na hindi naman niya kasamahan kaya napilitan na akong kausapin siya. "Ate, taga dito ka ba?" Nakuha pa niya talaga akong tawaging ate pero sa tono ng boses niya para bang hindi nagkakalayo ang edad namin. "Oo." Sagot ko. Aalis na sana ako ng bigla na naman siyang mag tanong, "Pwede po ba magpakuha ng picture sa inyo, naiwan po kasi namin yung tripod." Tumango naman ako kahit ayaw ko talaga. Inaya niya ako sa dulo ng Bangka kung saan sila nakapwesto at kung na saan rin ang dalawang bata. Inabot niya sa akin yung phone niya at pinapwesto na yung anim niya pang kasama. Pero natigilan ako ng biglang gumitna si Rocco sa amin ng lapitan ulit ako nung lalaki. "Bata, excuse me." Nakita kong sinamaan ni Rocco ng tingin yung lalaki pero buti na lang naalis agad sa kanya yung tingin nito kundi baka nagkaroon pa ng hindi inaasahang argumento kasi sa itsura pa lang nila mukhang mga isip bata pa rin at walang pinapalagpas na away. Habang kinukuhanan ko sila ng litrato may nakatayo naman sa gilid ko na para bang nagsisilbing body guard ko at wala ng iba kundi si Rocco. "Huy, bakit may problema ba?" tanong ko ng kaming dalawa na lang ni Rocco, bumuntong hininga siya at humalukipkip pa na para bang matanda na, "Hindi ko kasi gusto yung mga lalaking 'yun, mga feeling gwapo, eh hamak na gwapo ni Kuya Seb sa kanila." "Loko ka talaga, baka mamaya marinig ka ng mga 'yun. Pasahero natin sila kaya dapat tinatrato natin sila ng maganda at saka wala naman silang ginagawa kaya hindi tayo dapat mag-isip ng ganyan." "Pwede naman nilang iutos kay Kuya Ekong, Kuya Willy, Kuya Bonbon at Kuya Aris yung pagpapapicture tapos ikaw pa yung inutusan nila. Sana talaga kasi nandito si Kuya Seb para tiklop yang mga 'yan!" nagmamaktol na paliwanag niya. Mukhang close na nga sila ni Seb, kasi ultimo si Rizza sumasangayon sa sinabi ni Rocco, si Seb lang pala ang solusyon para magkasundo ang dalawang 'to. "Hayaan mo na 'yun at nagkataon lang siguro." "Pahiram na lang ulit ako ate ng cellphone at pipicturan ko yung pananghalian natin." Kanina lang galit na galit siya pero nang maka amoy ng pagkain bigla na lang naging good mood. First destination Coron Youth Club or CYC Beach. Ngayon ko lang napuntahan ang lugar na ito kasi nung panahong sumasama pa kami nila Chari sa tour ang sikat lang noon na tourist destination dito ay ang Kayangan Lake, Twin Lagoon, Barracuda Lake at ang mga Diving site tulad ng mga shipwreck. Ang dami na rin palang bagong discover na mga beach dito at talaga namang mamamangha ka sa ganda at linis ng lugar. Tulad sa ibang beach may white sand din na ma ooffer ang CYC Beach at bukod din sa clear water nila napapaligiran din ito ng mga Mangrove trees at mga bato. 45 minutes lang ang ilalagi namin dito kaya naman inaya ko na ang mga bata pati na rin sila Aling Ester at Mang Teban na mamasyal at ifeel yung buong lugar lalo na ang tubig. Hindi lang naman ako at ang mga bata ang excited kundi pati na rin yung iba pa naming mga kasamang turista sa bangka. Kanya kanyang picture ang mga ito habang kami naman lumusong na rin sa tubig. Malamig sa una dahil ngayon pa lang naman kami mababasa pero habang tumatagal nasasanay na yung katawan namin sa temperature ng tubig at kalaunan ay naenjoy na rin ito. Sunod na pinuntahan namin ay ang Malwawey Beach. Katulad rin ito ng CYC Beach na may magandang tanawin at malinis na lugar. Dito ako parang mas napagod dahil tinuruan namin si Rocco kung paano lumangoy. Ang tagal ng Tour guide ni Mang Teban pero ni minsan hindi niya pa naturuang lumangoy si Rocco, takot daw kasi siya sa tubig kaya mas pinipili na lang niyang mag laro at makipag laro sa mga hayop, hindi tulad ni Rizza na may pagka adventurous kaya bata pa lang natuto na itong lumangoy gaya ko. Third stop Kalachuchi beach kung saan madalas gawing stop over ng ibang tour guide para mananghalian. Excited ang lahat para kumain dahil tiyak naman sa dalawang beach pa lang na pinuntahan namin, eh na ubos na yung baong energy ng mga turista. Makikita sa mukha nila na nagustuhan nila yung mga hinanda nila Kuya Ekong na pagkain kaya naman imbis na kumain pinanuod ko na lang tuloy sila kasi sa gana pa lang nila kahit hindi ako kumain parang nabusog na rin ako. Habang hinihintay ang iba na mayari na upo muna ako sa gilid ng Bangka habang pinagmamasdan naman ang mga isda na nagsisitalunan sa hindi naman kalayuan sa amin. "Ganda ng view 'no?" Lumingon ako agad at nag akalang isa sa mga sakay naming turista ang nag salita pero napabuntong hininga na lang ako ng mapagtanto kung kaninong boses 'yun, "Ba't nandito ka?" Paninita ko. Hindi man lang nagpasintabi at agad na lang na upo sa tabi ko, feeling close din talaga ang lalaking 'to, "Baka kasi mamiss mo ako agad." Batukan ko kaya 'tong bwisit na 'to. "Huwag mo akong simulan Seb!" "Joke lang naman 'yun. Init agad ng ulo." Ano bang naisipan ng lalaking 'to at nagpunta pa dito? Hindi nga siya nagsasalita pero halata namang nambubwisit siya, "Tigilan mo nga yang tingin na 'yan. Tutusukin ko yang mga mata mo!" "Pinatid mo na nga ako tapos ngayon naman gusto mo akong bulagin. 'Wag ganoon, Mars!" Akala yata niya nakikipag biruan ako sa kanya. Mayamaya pa may dalawang lalaki namang na upo rin sa hilera namin kaya hindi ko na tinuloy yung sasabihin ko sa kanya. Pansin ko na habang tumatagal panay ang tingin ni Seb sa mga ito. "Ate dito ka rin ba nag wowork sa Coron?" tanong ng lalaking katabi ko. "Feeling close!" bulong ni Seb, lihim ko namang kinurot ito para patigilin. "Ay, hindi. Vacation lang din ako dito." Sagot ko. "Ah. Saan ka pong hotel?" sasagot na sana ako ng biglang sumingit sa usapan si Seb. "Kayo bro, saan kayong hotel?" tanong niya. "Sa Jasmine's place po. Ikaw kuya?" "Sa ViewPoint Inn." Sinungaling talaga. Tutal naman nag uusap na sila kaya minabuti ko nang umexit, nagmumukha na kasi akong wall sa pagitan nila at wala rin akong balak makipag kwentuhan pa sa kanilang tatlo. Pumunta na ako sa pwesto namin at nag stay na lang doon habang yung iba nag bababad na ulit sa tubig. "Kuya Seb!" Sigaw ni Rocco. Parang ilang taon silang hindi nagkita kung mag react ang dalawang ito. "Sabi ko sa'yo magkikita tayo 'di ba?" Inaya niya sa kabilang gilid ng Bangka si Rocco at doon nila tinuloy ang kuwentuhan nila. Malakas ang boses nila kaya kahit nag sosoundtrip yung turistang katapat ko dinig ko pa rin yung mga tawanan nilang dalawa. Hindi nagtagal tinawag na rin nila si Rizza para sumali sa usapan nila. Kung titignan silang tatlo para bang ang lalim na ng pinagsamahan nila at sobrang close na sa isa't isa, well hindi naman kasi malabo dahil kapag may gusto si Seb, gagawin niya lahat para makuha 'yun. Hindi ko maikakaila na magaling siya manuyo kaya hindi malabong makuha niya yung kiliti ng dalawang bata. Agad akong napatayo at hinanap si Mang Teban ng biglang umandar ang Bangka namin, "Aalis na po ba tayo?" "Oo, Tin—" "Eh, bakit po nandito pa si Seb, 'di ba may private boat siya?" Tinignan lang ako ni Mang Teban saka tinapik ang balikat ko, "Hayaan mo na para ma experience niyang mag tour na may kasama." Lumakad na papunta sa mga turista si Mang Teban para sabihin ang next destination namin at mag bigay ng kaunting trivia about sa lugar. Bumalik na rin ako sa puwesto namin kung saan nadatnan ko na katabi na ni Seb ang dalawang bata habang nakatuon ang atensyon nila sa camerang hawak niya. Na upo naman ako sa tabi ni Rizza pero biglang tumayo si Seb para magtungo sa dulo ng Bangka at agad namang sumunod ang dalawang bata sa kanya. Hindi lang si Seb ang nakakairita sa buong byahe namin kundi pati na ang mga grupo ng lalaking turista na kanina pa rin ako kinukulit sa mga tanong nila simula nung mag umpisa ang tour namin. Tinuon ko na lang yung atensyon ko sa cellphone ko habang naghihintay na makarating sa pang apat na pupuntahan namin kaysa sa tuluyang masira ang araw ko ng dahil sa mga ito. Then suddenly someone asked me a question na hindi ko ineexpect na itatanong talaga nila na may nakaharap na ibang turista, "Ate, may gusto raw pong itanong yung kaibigan namin pero 'wag ka raw po sanang magagalit." Tipid ko lang silang nginitian, "May boyfriend ka na daw po ba?" Batukan ko kaya ang mga 'to ng tumigil sa kadaldalan. Halata namang mas matanda ako sa kanila at sa tansya ko nga hindi pa graduate ng college ang mga 'to pero kung umasta para bang sila na ang nagpapakain sa sarili nila. "Wala." Pilit pa akong ngumiti para maramdaman nilang ayaw ko silang kausap pero manhid yata ang mga 'to at muli na namang nagtanong. Ganito na ba ang mga kabataan ngayon feeling nila kasing edad lang nila ang tinatanong nila. "Sakto single din po yung friend namin... baka naman daw ate..." "Loko-loko talaga kayo. Mag-aral muna kayo bago pumorma para hindi na hinihingi pa sa magulang yung pang date niyo!" Naiirita na ako pero medyo nawala 'yun ng biglang tumabi sa akin si Seb, infairness parang natakot ang mga loko sa presenya niya kaya medyo nanahimik sila. May pakinabang rin pala ang mokong na 'to. Sumandal siya habang naka dikwatro naman ang mga paa, naka suot rin siya ng shades at papunta naman sa direksyon ng mga turista ang tingin niya. Hindi ko alam kung lihim niya bang tinitignan ang mga ito or props niya lang ito para matulog. "Kuya Seb, mamaya ka na antukin tara muna ulit doon." So natutulog pala talaga, akala ko naman sinadya niyang pumunta dito para patigilin ang mga kabataang ito sa pag tatanong sa akin. Pero hindi ko naman kasi dapat asahan 'yun sa kanya kasi hindi naman kami ganoon ka close para protektahan niya. Hinihila siya ni Rocco pero agad din siyang bumabalik sa pag sandal. "Kayo na lang muna, napagod ako kanina, eh!" Nilingon ko naman ito at napansing may konting gasgas na naman ang kaliwang braso at kamay niya. Umalis na si Rocco at umakyat naman ang mga grupo ng kabataan sa taas at yung iba na sa dulo at gilid ng Bangka. "Nag dive ka na naman ba?" Na pa urong ako sa kina-uupuan ko dahil sa biglaan niyang pag lapit. Pinatong pa nito ang braso niyang may gasgas sa itaas ng sandalan habang sapo naman ng kamay niya ang ulo niya. "Oo. Bakit mo alam?" "Halata sa mga gasgas mo sa kamay." Tinignan niya pa ulit yung kamay niya saka natawa. Nasaktan na nga masaya pa? "Ganito ba talaga karami ang laman ng isang Bangka sa twing mag i-island hopping sila?" tanong niya. "Oo at depende rin sa capacity ng Bangka. Teka nga 'di ba nag rent ka ng private boat?" "Oo." "Eh, bakit nandito ka? Nagsasayang ka lang ng pera!" Palibahasa mayaman at hindi kailan man prinoblema ang pera. "Alam mo sinasabi lang na nagsasayang o nasasayang kapag walang nakikinabang, gets mo ba? Hindi nasayang ang pera ko dahil binayad ko naman sa mga tour guide ko at saka pinaghirapan nila 'yun kaya dapat lang na bayaran ko sila." "Ikaw lang yata yung kilala kong mag rerent ng private boat pero gagamitin lang ng half day? So anong tawag mo doon, 'di ba nag sasayang ng pera!" "Nag ka emergency yung driver ng Bangka kasi manganganak na yung asawa niya kaya sino ba naman ako para pigilang makita niya yung precious moment ng buhay niya. So ano nag sasayang pa ba ako sa lagay na 'yun?" Okay fine, mali ako sa bagay na 'yun. Wala kasi sa itsura niya na mag alala sa hindi naman niya lubos na kilala. Alam ko naman kasi na hindi siya mabilis magtiwala lalo na sa bagong kilala pa lang niya. Hindi naman siguro masama kung pagdudahan ko yung galaw niya kasi kinutuban na ako simula ng makita ko sila ni Rocco na lumabas galing sa kwarto niya kaya pakiramdam ko hindi lang basta kwentuhan 'yun. "Bakit lagi mo na lang akong pinag iisipan ng masama? Wala ba ni isang magandang ugali ko yung natira sa memory mo?" Kinokonsensya niya ba ako? "Ang tagal na nating hindi nagkita o nag usap kaya malay ko ba kung nag bago ka na at bumalik sa Sebastian na kilala ko noon. Yung trouble maker at leader ng mayayabang na high school students." Nanahimik siya ng bahagya saka bigla na lang umalis. Nag lakad siya papunta sa dalawang bata at tinulungang isuot ulit ang mga life jacket nila. Bakit parang na hurt siya sa sinabi ko, eh totoo lang naman ang lahat ng 'yun at saka aminado naman siya na gago siya noon kaya hindi na dapat siya nasasaktan pa lalo na kung totoo naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD