Chapter 6

2437 Words
- Reeca - Pakiramdam ko ay may magaang kamay na humaplos sa aking pisngi. It was a familiar hand that i used to feel for me. Gusto kong imulat ang aking mga mata pero parang hindi ko magawa dahil sa munting tunog ng lullaby na aking naririnig. Ganitong pakiramdam ang parang nanumbalik sa aking nakaraan ngunit hindi ko mawari kung kailan nangyari. Panaginip lang ba ito o totoong nangyari? Hindi ko alam basta ang alam ko ay ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Kung panaginip man ito ay ayoko ng magising pa. “Reeca" “Reeca" “Reeca" Boses na pamilyar sa akin. Kilala ko ito dahil siya lang naman ang may ganitong boses kung makatawag sa akin. Dahan-dahan akong napamulat at kisame na may magarang painting agad ang aking namulatan. Napalibot ang mga mata ko at nakita kong nakaupo sa may bandang kanan ko si Farrah. “Are you okay now Reeca?" nag-aalalang tanong ng aking kaibigan. “A-anung nangyari?" nilibot ko muli ang aking paningin sa buong silid. Wala naman akong nakitang ibang tao bukod sa aking kaibigan. “You passed out" Napabalik ang aking paningin kay Farrah. Pilit kong binabalik ang nangyare .., I immediately gasped when I realized what happened. “Si Sir Vrikzor? Ang dalawang bata ? Farrah nakakahiya ako." mabilis akong napabangon sa aking kinahihigaan. Nakakahiya at dito pa ako inabutan ng aking sakit. Oo sakit ko ito, at hindi ako natutuwa sa tuwing sumasakit ang aking ulo at kapag hindi ko kinakaya ay hinihimatay na lang ako. Baka bigla na lamang ako palayasin agad dahil sakitin ako imbes na ako mag-aalaga ng mga bata ay ako pa ang magiging alagain, ito pa naman sana ang una kong trabaho. “Calm down Reeca. Everything is fine. " “Hindi kaya pauwiin na ako dahil wala akong kakayahan magtrabaho?" nalulungkot kong salita. Huminga muna ng malalim si Farrah bago nagsalita. “Master's already knew about you. At magtatrabaho ka anytime, basta kaya ng katawan mo. Hindi ka niya papaalisin. He needs someone who can take care of his children. All you need to do is giving the love what they've deserve." Napatitig ako sa sinabi ni Farrah. Tama nga naman ito, kapag mag-aalaga ng mga bata ay dapat na mahalin at ituring na para na ring anak. Pero kailangan pa rin na hindi maging sakitin. Dapat physically fit and mentally fit. “Anung sabi ni Sir Vrikzor? Yung dalawang bata kanina ayos na ba sila? Ayaw ng panganay na anak ni Sir Vrikzor maging yaya nila ako eh." mababa ang boses ko. “Kinausap na sila ni Sir Vrikzor. Mababait ang dalawang bata at masunurin. Hindi ka mahihirapang magpaamo sa kanila. Si Neeca the beautiful girl, ay talaga naman gustong-gusto ka." “Yeah" marahan akong napatango at parang may humaplos sa aking puso. “How about the eldest?" “Zor? He is a quite genius. Tahimik lang siya pero observant. He is similar to his Daddy. The same name of his Father." “Junior siya?" “Something like that, but the second" tumaas baba pa ang magkabilang kilay nito. “How about the baby girl's name?" “Its Neeca Vrianna. Her lovely mother chose that name." nag-pout pa si Farrah na para bang nginunguso ako. “Farrah may itatanong sana ako." “What is it?" “Mmm Separated ba ang magulang ng dalawang bata?" mahina kong bulong kahit na alam kong wala naman na nakakarinig sa sinabi ko sa aking kaibigan. Napaawang ang labi ni Farrah sa akin at mukhang nagulat. Nang makabawi ay napaupo ito ng tuwid. “I cant say right now. Pero sa tingin ko ay magkakabalikan si Master at ang asawa niya. Actually hindi naman sila naghiwalay." “Huh?" pagtataka ko kahit na parang sumakit kunti ang aking puso sa narinig. Sayang lang kasi naging crush ko pa naman ito nung una. Pero ganiyan talaga, kaya nga naparito ako para mag-alaga ng mga anak niya. So sad lang kasi may asawa na siya. Di bale mag-move on na lang ako at isarili na lang ang walang kwenta kong issue sa buhay. “Wag mo ng itanong. Hayaan mong ikaw na lang ang kusang tumuklas. Ang importante ay nandirito ka na at maalagaan mo na rin ang mga bata." tumayo na si Farrah at inayos ang sarili. “Anung sabi mo?" bakit parang may kakaiba sa sinabi ni Farrah ngayon. “Nevermind. Anyway ibibigay ko ang ilang listahan na dapat mong gawin para hindi ka mataranta. Ang tanong kung okay ka na ba? Kasi kung hindi, ora mismo ay iuuwi na kita." “Farrah!" “What? “Okay na ako. Wala naman nangyare sa aking masama diba dahil andito ka. Sa tingin ko ay dahil sa trauma kanina bago tayo nakarating dito." “Yeah right." kibit balikat ito. ~~~~~~~~ Hindi muna umuwi si Farrah dahil marami itong mga inihabilin sa akin. Maski ang tamang pagkain ng dalawang bata. Mga paborito ng mga ito, at ang mga pinagbabawal dahil sa allergy. Dalawa lamang sa kasambahay ang ipinakilala sa akin ni Farrah na pwede ko daw pagkatiwalaan. Si Manang Josie ang mayordoma at Cecil na medyo kaedaran ko lang na medyo mahiyain pa nga.. Ang ibang kasambahay ay hindi na sa akin ipinakilala at wag daw akong makipag-close sa mga iyon lalo na daw sa mga baguhan. Hindi ko maintindihan si Farrah dahil hindi naman ito ganito sa kasambahay nito sa kaniyang mansiyon. Kachikahan ko pa nga ang iba roon. Pero hindi na ako nagsalita pa at panay tango na lamang ako. Nag-aaral sa isang exclusive international school si Zor na kahit limang taong gulang pa lang ay nasa Grade 1 na. Gifted daw ito, at sa susunod na pasukan ay baka tumalon ng grade four dahil nakapasa daw ito sa isang exam. Grabe bata palang super matalino na. Nung bata kaya ako gaano kaya ako katalino? Kasi minsan talaga medyo hirap ako sa English pero natutunan ko iyon kay Farrah tapos panay pa nood ng movies. Ang ayoko lang talaga ay mathematics dahil pakiramdam ko ay nasa ibang dimension ako ng mundo kapag numbers na ang pinag-uusapan. Habang si Neeca naman na palaging naka-smile sa akin ay sobrang sweet. Hindi pa ito nag-aaral sa school pero may private tutor ito. Pagbubutihin ko na lamang ang pag-aalaga sa kanila sa abot ng aking makakaya. Dahil pakiramdam ko ay parang mapupunan ang puso kong nangulila sa matagal ng panahon na hindi ko naman maintindihan. Nasa dining room kami ngayon, at grabe ang laki at haba ng kanilang table. Para bang lamesa iyon ng mga maharlika na napapanood ko sa mga fairytales. Ang dami pang pagkain. Sa bahay kasi ni Farrah ay malaki din ang dining area pero hindi ganito ka-elegante. Magkasabay kaming kumakain ng dinner, katabi ko sa aking kaliwa si Farrah at katabi nito ang kaniyang nobyo na si Jackson. Habang nasa kanan ko si Neeca na panay ang ngiti sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan na haplusin ang maganda at makintab nitong buhok na para bang Caucasian ang kagandahan. Habang nasa gitna at dulong bahagi ng lamesa si Sir Vrikzor na parang hari. Nasa kaliwa nito si Neeca at sa kanan naman si Zor na tahimik lamang na kumakain. Lahat silang mag-aama ay mga tahimik. Lalo na si Sir Vrikzor na hindi ko maiwasan mapasulyap paminsan-minsan. Para kasing pamilyar ang bawat galaw ng pagkilos niya. Sobrang gwapo pa niya kumain, bawat galaw ng kamay nito at pagbukas ng bibig ay para bang kay sarap titigan. Uminom ito ng tubig, grabe pati pag-inom ng tubig nito ang gwapo pa rin. Wala bang panget sa physical na katangian nito? Hindi ko pa kasi nakikita ang ugali nito, pero sa panlabas na anyo nito 110% na perfect ito sa akin. Hindi ko na namalayan na napatitig na ako sa kaniya at hindi na ngumunguya ng pagkain. “Baka matunaw yan friend" biglang salita ni Farrah. Sabay-sabay na napaangat ang mga mata ng dalawang bata. Huli din ako sa akto ni Sir Vrikzor. Nalunok ko tuloy ng wala sa oras ang kinakain ko ng di nginunguya. “Dahan-dahan Reeca." sabay abot ng isang basong tubig ni Farrah sa akin. Agad kong kinuha iyon at ininum. Napahawak tuloy ako sa aking basang bibig at napatingin sa mga taong nakatutok ang mga mata sa akin. Lalong lalo na si Sir Vrikzor. Parang gusto ko na lang tuloy lumubog sa aking kinauupuan. Jusko po! “Are you okay Mommy?" inosenteng tanong ng aking katabi na si Neeca. “She is okay don't ask Neeca" biglang salita ni Zor. Nagpalipat-lipat tuloy ang aking tingin sa dalawang bata. Hindi ko alam kung sasagot ba ako o hindi. Nakakadagdag pa sa pagkailang ko ang kanilang Daddy ng kung tumitig ay pailalim. Hindi ko alam kung ganito lang ba ito tumingin sa isang tao o sa akin lang dahil kailangan ako nitong obserbahayan dahil ako ang napiling mag-aalaga sa dalawa nitong anak. Sabagay hindi ko ito masisisi. Kailangan ko na lang dedmahin ang mga kung anong pumapasok sa aking kaisipan na hindi naman importante. Matapos ang hapunan na iyon ay kasama ko pa rin si Farrah para paghandaan ng isusuot ang dalawang bata para sa kanilang pantulog. Inuna naming pasukin ang kwarto ni Zor, grabe napanganga na lamang ako sa laki ng kwarto nito. Malaki ang kama nito na para bang kasiya ang sampung tao habang nasa nakakabit sa wall ang sobrang laki ng tv screen. Parang hindi bata ang nagmamay-ari ng silid dahil parang kwarto ito ng isang scientist. Para kang nasa outer space dahil sa design ng silid na ito. May nakita ako sa kabilang gilid na skeleton, globe, at kung anu-ano pa na pang science. Ang sabi ni Farrah kunti palang daw iyon dahil may sarili daw itong malaking science room, andun na rin daw ang lahat ng klase ng toys na binili pa sa ibat-ibang bansa. Parang museum daw iyon na pinasadya pa ni Sir Vrikzor para sa anak. Hindi naman na kailangan pang asikasuhin si Zor dahil marunong na ito maligo mag-isa. Ang ipaghahanda na lamang ay ang kaniyang panjama. Ako na ang kumuha ng isusuot nito sa kaniyang closet. Habang si Farrah ay nakaupo sa kama at kalong si Neeca. Hinintay namin matapos maligo si Zor, nang makapagbihis ito ay tahimik lamang na nahiga sa kaniyang kama. Nagkiss pa si Neeca sa kaniyang kuya bago nag- goodnight. Nagpaalam din kami ni Farrah, pero bago pa ako lumabas ng kwarto at isara ang pinto ay tinignan ko muna si Zor. Nagulat akong nakatingin sa akin ang bata na para bang may lungkot sa mga mata. Kung hindi pa ako tinawag ni Farrah ay hindi ako matitinag. Kaya mabilis ko nang sinarado ang pintuan ng kwarto ni Zor. Nasa tabi naman nito ang kwarto ni Neeca na katapat ng aking silid. Habang nasa dulong bahagi ang malaking kwarto na iyon daw ang master bedroom ni Sir Vrikzor. Sobra akong namangha sa ganda at aliwalas ng kwarto ni Neeca. Napaka- girlies ng atmosphere. Kulay pink, peach at White ang theme ng kwarto ni Neeca. Sa vanity mirror nito ay sobrang elegante at ang upuan nitong parang prinsesa. May hello kitty pang malaki na nakadesign sa isang wall. “Mommy I want to show my make-ups and hairpins" hinila ako ni Neeca sa kaniyang malaking vanity mirror. May drawer iyon sa ibaba. Nang buksan nito iyon ay tumambad ang ibat-ibang klase ng panali at ipit sa buhok. Binuksan din nito ang isang drawer na puro make ups na akala mo ay dalaga na. “She is really a kikay. Hindi naman ganiyan ang kaniyang Mommy pero siya super arte" natatawang salita ni Farrah. Matalim ang mga mata ni Neeca sa aking kaibigan. “Im not maarte Tita! You teach me how to make up that's why I loved all of them." nakangusong salita ni Neeca. “Shhhh wag ka maingay. Baka makita pa yan ng Daddy mo" mahinang bulong ni Farrah sa bata. “Hindi alam ni Sir Vrikzor ang mga ito?" nginuso ko ang mga make ups ng bata na sobrang dami at sa kilalang endorser pa nagmula. “Hindi. Pero yaan natin siya. Bahala siya sumimangot para lalong tumanda" nakangisi lamang itong tumingin sa akin. Kung minsan talaga itong si Farrah ay kakaiba. Paano niya kaya nasasabi ang mga ganung salita gayong Boss nila ito ni Jackson. Close lang ba ang mga ito sa Boss kaya ganun ito magsalita na lang. Matanong nga kay Farrah na palaging straight to the point kunymg magsalita. Tinulungan ako ni Farrah para paliguan sa bathtub si Neeca na sobrang cute at ganda. Nakita ko ang nunal nito sa kaniyang likod. Natuwa ako tingnan kasi parang may naalala ako sa nunal na iyon. Nang matapos mapaliguan si Neeca ay nag-ready na ng maisusuot si Farrah. It's a hello kitty printed pajama. Tuwang-tuwa naman ang paslit dahil favourite daw niya iyon. Ako na ang nag-blower sa buhok nitong kulay ginto at tuwid na tuwid na hindi lalagpas hanggang baywang ang buhok. Sobrang ganda at inalagaan ang buhok ni Neeca. Bata palang sobrang ganda na. Paano pa kaya kung nagdalaga na ito? Nako araw-araw siguro itong may manliligaw. Nang maihiga ito ay binigyan ako ni Farrah ng isang books. Isang fairy tale books iyon. “Kailangan niya ng story books bago matulog." Inabot ko iyon, mukhang ready na rin si Neeca dahil hindu naman na ito nagtaka. Kaya sinimulan ko na magbasa habang nakahiga rin sa kaniyang malaking kama. Si Farrah naman ay lumabas ng kwarto dahil tinawagan ng kaniyang nobyo na si Jackson. Hindi pa man ako nakakalahati sa aking binabasa ng makita kong tulog na tulog na si Neeca. Kaya ibinaba ko sa aking dibdib ang libro at tinitigan ang bata. Parang gusto ko maluha na hindi ko maintindihan. Sobrang gaan ng puso ko habang nakatitig sa magandang mukha nito. Para siyang pamilyar sa akin pero hindi ko alam kung saan ko nakita. Wala sa loob na hinalikan ko ito sa kaniyang noo. Parang hinaplos ang aking puso sa napakaamo nitong mukha, Gaya ng kaniyang kapatid na si Zor. Bakit ko ba ito nararamdaman, ngayong araw ko palang naman sila nakilala. Pero si Sir Vrikzor, ahh ayoko na muna siyang isipin. Ayokong magulo ang aking utak sa kaniya. Masiyado siyang gwapo at hot pero may asawa. Bawal magkagusto sa kaniya dahil labag iyon sa batas at lalo na malaking kasalanan iyon sa Diyos. Sa kakaisip ko ng kung anu-ano ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako. And then the familiar hand touching my face. A familiar scents, that I used to smell before. I feel like someone kissing my lips. Oh God. Kung panaginip ito ay ayoko ng magising. “Mmmmm"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD